27 - True Feelings

30 2 0
                                        

Alex POV

"sigurado ka di mo alam?" pauulit-ulit na tanong ni Barbie at 4days nya na akong kinukulit

"ahh. Hindi ko alam Barbie"humawak ako sa ulo ko, sakit kasi ng ulo ko kay Barbie "kausapin na kasi natin si Princess. Sya ang nakakaalam sa juice" si Princess lang kasi ang nakakaalam na may viagra pills ang juice

"aaaaah" biglang tumili si Barbie kaya nanlaki ang mata ko sa gulat "okay okay, sige. Pero di ka sasama" at tinuro ako

"ha? Bakit hindi?" gusto kong tumulong at syempre miss ko na si Princess

"para ano? May mangyari uli sainyo?" sigaw ng pabulong ni Barbie

"kulit mo. Wala ngang nangyari. Ni hindi nya nga ko hinalikan eh" sagot ko. Dumapa ako sa kama at sumubsob sa unan

Nakakahiya pag-usapan yung nangyari samin ni Princess. Baka marinig pa kame nila mama sa kabilang kwarto

Kinabukasan kasi sinabi ko kay Barbie tungkol sa juice, baka kasi may iba pang nabiktima. Dami nyang tanong hanggang sa nasabi ko na pati yung dapat na kame lang ni Princess ang nakakaalam

"yari sakin yang Princess na yan. Bukas, kame na ni ate Rose at Rodrigo ang kakausap" pagtataray nya

"wait lang" may nahahalata na ako. Umupo ako at nagtanong "anong meron sainyo ni Ego?" lumaki ang mata nya at biglang namula "ano? Bat lagi kayong magkasama. Imbis na ako ang kasama mo?" at pinindot ko ang ilong ni Barbie

"wala no" pagdidiin sakin ni Barbie "tara tulog na tayo" sabay higa sa kama at tinalikuran ako

"tumayo ka jan... Sagutin mo ako... Barbie" pangungulit ko kay Barbie pero di sya umiimik

Hindi na ako kinibo ni Barbie kaya humiga na din ako

Simula ng magkasundo kame ni Rodrigo na maging friends na lang, sila naman ni Barbie ang magkasama.
Ilang beses ko na sya tinanong pero wala akong nakukuhang sagot

Minsan nagtatampo ako kay Barbie dahil minsan na lang kame magkasama at magka-usap






"ahm. Hi" pagbati ni Princess paglapit nya sakin

Dito kame ngayon ni Barbie sa mall. Nasalubong lang namen si Princess kaya hinatak sya kanina ni Barbie dahil may itatanong daw sya

"hello" ngumiti ako sakanya at sabay yuko. Feeling ko umaakyat lahat ng dugo ko sa mukha

Tumawa ng mahina si Princess. Pumikit ako, sarap kasi pakinggan ng tawa nya "ahm. Nagcr lang si Barbie. Ahm. Kamusta?" nanginginig na tanong ni Princess. Bat kaya sya nanginginig?

"okay lang" sagot ko ng nakangiti. Hala nakakahiya ako. Ngumingiti ako, simpleng lang naman tanong ni Princess

"ahm. Good" at ngumiti din sya. Good talaga kasi ang ganda ni Princess

"kamusta si Barbie?" at yumuko uli ako. Baka kasi may nakakahiyang sinabi si Barbie "ano anong tina tinanong nya?" nauutal na ko. Asar kasi

"ahm. Bout sa pills" narinig kong huminga ng malalim si Princess at nagsalita uli "at at bout satin, nung nasa..." ayaw kong ituloy ni Princess kaya sumingit ako

"anong sagot mo? Diba wala namang nangyari satin..." di ko din natuloy yung sinasabi ko dahil hinawakan ni Princess ang kamay ko at yumuko sa mukha ko. Naamoy ko na yung mint na hininga nya

"ssh ssh. Relax Alex. Okay na, di na magtatanong si Barbie tungkol satin. Kaya kalma ha" at ngumiti sakin si Princess

Nakakakalma nga yung ngiti ni Princess kaya tumango na ako

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon