7 - Neneng B, Boy Pick-up

43 2 0
                                    

Papunta na kong school uli. Para kong baliw, hindi ko mapigilang mag smile

Parang kahapon lang badtrip ako sa babaeng yun, inabot pa nga hanggang kaninang umaga, at gusto ko pa syang gantihan. Pero eto ako, parang mapupunit yung maganda kong mukha sa kakangiti

May mga tumitingin sakin pero para di ako mapahiya masyado, tinitignan ko din sila tapos kinikindatan, kahit babae o lalaki, matanda o bata, may ngipin o wala basta lahat ng makita kong nakatingin din sakin.

Patas na kame dahil nakakatawa din yung mga mukha nila. Napapangiti din sila at namumula pa yung mukha. feeling celebrity lang

Aaminin ko naenjoy ko yung asaran namen kanina. At naramdaman kong komportable sya sakin kahit inaasar ko sya lagi. Hindi din sya natakot sa mga gagawin ko sakanya nung nasa motor kame. Baligtad pa, ako pa ang natakot nung sinabi nyang sasakalin nya ko

Late na ko ng 7mins pero hindi naman ako natakot na baka pagalitan ako ng teacher ko. Basta relax lang ako

Sumilip muna ako sa room tapos nakita ko yung teacher ko na may kinukuha sa bag nya. Nagkatinginan lang kame, at syempre nakangiti pa din ako.

Good mood ata ang teacher ko kasi ngumiti din sya sakin. Kaya pumunta agad ako sa upuan ko sa pangalawa sa pinaka likod at kadikit sa bintana

Tapos na ang klase namen at andito ako ngayun sa labas ng room ni Barbie

Maninigurado na ko na dadating si Alex kaya sinaggest ko na iconfirm muna kay Barbie at hintayin na lang nila ako sa parking

Para kung walang Alex na magpupunta uli, malapit na kame sa exit

"miss me?" sabi ni Barbie pag labas nya ng room

"tse. Si Alex ang kailangan ko" tapos inikutan ko sya ng mata

"ahhh si Alex pala miss mo" tapos ngumiti sya ng nakakaasar

Naalala ko uli yung ginawa neto kaya sakanya muna ako gaganti

"tama. Miss ko na nga si Alex, excited na ko sa date namen kasi" nginitian ko din sya

"ha?" lumaki yung mata nya tapos naka nganga

"ahhmmm naiwan ko kasi sa bahay yung phone ko eh. Kaya pwede bang paki tanong kung asan na sya?" hindi sya sumagot kaya tinuloy ko pa "oppsss. sorry Barbie ha, alam mo naman na masyadong suplada yung bestfriend mo kaya hindi pa sinabi sayo. Bestfriend ka nya kaya ipapaalam ko na sayo na bati na kame at inamin nya na din na may crush sya sakin. Kunwari wala ka pang alam ha baka mag-away away tayo"

Lumaki pa yung ngiti ko dahil namumula na si Barbie. Hindi ko alam kung nagpipigil ng ihi eto o nagagalit kasi kala nya may date talaga kame ng bestfriend nya

Nasa malayo na yung mga classmates ni Barbie papunta sa next subject nila. At kame nakatayo lang sa hallway

Hinanap agad ni Barbie yung phone nya sa bag, may dinail sya tapos tinapat nya sa tenga nya yung phone. Sama ng tingin nya sakin habang naghihintay na sagutin yung tawag

"Alexandra. Anong...." naputol yung sinasabi ni Barbie tapos tumili ng malakas kaya ang daming sumitsit saamin at tumigil din naman sya agad sa pagtili.

Iskandalosa talaga tong babae na to

Pinasok nya na uli yung phone nya sa bulsa tapos tinitigan ako ng masama

"hindi pa tayo tapos. Puputulin ko yang kamay at mga paa mo" gigil na gigil sya sakin

Magsasalita sana uli ako pero nauna sya sakin "dun ka na, malapit na sya"

Naglakad ng mabilis na si Barbie papunta sa next subject nya

Naniwala ata sya sa sinabi ko kaya galit na galit sya

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon