Alex POV
Dahan dahan kong binababa yung kamay ni Princess sa bibig nya. Nasaktan sya dahil sa kalikutan ko
"Cess. Sorry" wala na ngang nakatakip sa bibig si Princess pero nakatikom naman yung bibig nya "uy. Patingin. Ngumanga ka naman" Mahinahon lang ako para hindi kame mag-away uli
Binuka nga nya yung bibig nya ng malaki kaso saglit lang tapos tumawa sya ng malakas
"Princess" ako naman ang nagtakip ng mukha. Nakakahiya si Princess
"Alex. Sorry sorry. Hindi ko lang mapigilan. Nakakatawa ka kasi eh" sabi nya habang tumatawa pa
"jan ka na nga" tinitigan ko sya tapos tumalikod ako at iiwan ko na sya
"Alex. Alex. Sorry sorry" hinarangan nya yung dadaanan ko. Nakayuko lang ako at huminto tapos nagsalita uli sya "uy. Bakit umiiyak ka? Alex? Sorry na. Okay?"
"bwisit ka. Uuwi na ko" pinunasan ko yung mata ko at nakita kong umiiyak na nga talaga ako
Nakakahiya, baka may makakita sakin na umiiyak
"wait lang. Tignan mo oh" yumuko sakin ng konti si Princess tapos inextend nya yung lower lip nya
Nakita kong may maliit na sugat sa labi nya kaya napakagat labi ako, feeling ko may sugat din yung labi ko, naimagine ko yung sakit
"sorry Princess" tapos hinawakan ko yung baba ni Princess "masakit? Ei masakit pa?" tanga ko magtanong. Syempre masakit talaga
"mahapdi lang konti pero malayo pa sa bituka to kaya ayos lang ako" tumingin sya sa mata ko at ngumiti sya
"Pen Pen Pen" may narinig kameng sumisigaw galing sa gate
Nakita kong may matangkad at magandang babae na parang model na naglalakad papunta samen ni Princess
Naka white skinny jeans, gray t-shirt na 2x ata ang size na may print na babaeng nagyoyosi na black and white, na tinuck-in nya sa harap lang ng pants nya, at black vans. Wow astig nyang pumorma
"Nina" sumigaw bigla si Princess kaya napatili ako ng mahina
Lagi akong nagugulat pag sumisigaw to. Kainis
Nung nakalapit na samen yung babaeng tinawag na Nina ni Princess, bigla nyang tinulak si Princess, syempre hindi nagpatalo etong bwisit na to kaya gumanti sya ng tulak. Tulakan sila ng lulakan, ikot ng ikot, talon ng talon, halos nagrewrestling na sila
Tuwang tuwa sila sa kalokohan nila
Ako naman nahihiya ako sa mga ginagawa nila kasi lahat ng mga dumadaan nakikita yung ginagawa nila
Maglalakad na ako ng may bumangga sakin mula sa likod kaya napaluhod ako
Hmmmmmm. Ang sakit kaya napaungol ako
"ooops sorry" sabi nung bumunggo sakin. Yung Nina ang narinig kong boses, sya ata bumangga sakin
"Alex Alex" sabi ni Princess sa likod ko
Tapos kabilaan sila ng braso ko para itayo ako
Naramdaman kong namumula ako dahil nakakahiyang lumuhod sa harap ng maraming tao at para kong disabled na tinutulungan netong dalawang kapre na to
"san masakit?" sabi ni Princess. Tumapat sya sa harap ko at yumuko konti para pantay kame ng mukha "Alex? San masakit?" inulit nya uli yung tanong nya tapos halos umupo na sya para makita nya yung tuhod ko
"ayos lang ako" sagot ko tapos hinawakan ko yung kamay nya para tumayo na sya. Nakakahiya na talaga
"umiiyak ka nanaman oh" Binitawan nya yung isa kong kamay at dahan dahan nyang pinagpagan yung tuhod ko. May mga naramdaman akong maaligasgas sa tuhod ko na pinapagpag ni Princess
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...