Princess POV
Im so excited, pupunta kame sa mall ni Alex. Hindi ko alam pano makipagdate kaya ginawa kong casual ang pag-aya sa mall
Sa mga nakarelasyon ko, lagi lang kameng nagbabar at hotel. Walang ibang romantic date. Kaya mangmang ako sa pakikipagrelasyon
After namen magbreakfast, pumunta agad ako sa apartment ko. Di ako pinayagan ni mommy pero kakampi ko si daddy kaya nagawa ko ang gusto ko
Alam ng parents ko ang sexuality ko. Kaso wala silang pakelam dahil daw nag-eexperiments lang daw ako
Sa mall lang ang pupuntahan namen kaya ang sinoot ko ay old school vans, black pants, vnech blue shirt nike at ang favorite kong leather jacket
Pagpunta ko kanila Alex, ang warm ng welcome sakin ng family nya. Maliit pero maayos at malinis ang bahay ni Alex. Pinakilala ako ng papa nya habang naghihintay
Pagbaba ni Alex sa hagdanan, napanganga ako parang huminto ang oras habang papalapit sya sakin. Gandang ganda ako sakanya suot ang floral sleeveless na blouse, mid thigh skirt at doll shoes. Dalaga na talaga ang Alex ko
Nag-iba ang mood ko ng magmadali kameng umalis. Feeling ko di nya ko kayang tanggapin kung sino ako. Dapat di nalang sya nagpaligaw kung di nya ko kayang iharap sa family nya
Gustong gusto ko si Alex pero pano ko sya ipaglalaban kung sya mismo, di nagtitiwala sakin. Siguro dapat lang na mas kilalanin namen ang isat isa
Lalong gumulo ang isip ko ng maglaro kame sa arcade. Namumula at masama tumingin si Alex. Ng matapunan ako ng softdrinks, tinarayan nya yung dalawa kong kalaro sa basketball. Natakot ako dahil para syang lion na mananakmal
Lumutang pa ko sa tuwa ng mahalikan ko uli ang malambot at matamis na labi ni Alex. Di sya nahiya na parang wala syang pakelam sa paligid namen
Sa halik ni Alex, nawala na yung pagdududa ko sakanya
"uuwi na ba tayo?" hawak kamay kameng naglalakad ni Alex papuntang exit. Tuyo na ang damit kong may softdrinks pero may mantsa na
"di ko alam" huminga ng malalim si Alex at yumuko "ayaw ko na kasing makita yung dalawang babae"
Inangat ko ang mukha ni Alex at ngumiti ako "hindi na. Sasabunutan ko sila paglumapit pa satin" tumawa sya ng mahina dahil sa sinabi "so ahm. Mahilig ka ba sa surprises?"
Kinilig ako sa halik ni Alex sa madaming tao kaya gusto ko ding pakiligin si Alex
"syempre naman" halata kay Alex na nagpipigil sya ng ngiti dahil namumula na sya
"good" hinila ko si Alex at pinaupo sa bench na nasa gitna ng mall "just stay here ha. I'll be back"
"okay. Bilisan mo ha" nakasimangot sya pero titiisin ko muna sya dahil may gagawin ako. Tumango ako at kiniss si Alex sa ulo
Mabilis akong tumakbo sa taas at inisa isa ang board
"hi miss" lumapit ako sa babaeng nasa counter
"aa hello" ang laki ng ngiti ng babae pagtingin sakin. Mahirap talagang baliwalain itong magandang mukha ko. Kaya common lang ang reaction nya
"anong best seller?" kailangan kong magmadali dahil naghihintay si Alex
"fo-fro-frozen po" natataranta sya pero nakatitig lang naman ako sakanya
"oh. 2 tickets nga" at inabot ko sakanya ang 1k ko. Sana magustohan ni Alex ang pinili ko
"a e ma may pila po maaaam" lumingon ako at nakita ko ngang may 8 persons na nakapila
"ahm. Miss sige naman. Dalawa lang naman" hawak ko ang kamay ng babae. Dumukot pa ako ng 1k at inabot sa babae "make it 4 tickets. 2 for me and 2 for you. And keep the change" pinairal ko ang karisma ko para makuha ko ang gusto ko. Kumindat ako at ngumiti ng malaki sa babae
"okay. Wait maam" umalis yung babae at iniwan akong nakatayo
Maya maya lumapit sya ng nakangiti at inabot sakin ang tickets ko. Nagsmile lang ako sa babae at tumakbo na paalis
Habang tumatakbo, nakita ko ang blue magic store. Pumasok ako sa store, wala pang one minute lumabas na agad ako
Nakayuko si Alex paglapit ko. Nilapag ko sa gilid ni Alex yung dala kong blue magic at saka ko kinalabit sya
"hinihingal ka Princess. San ka ba galing?" seryoso si Alex dahil tinawag nya kong Princess. Pinunasan din ni Alex ng kamay nya ang noo kong basa ng pawis
"sa nanay ko. Di pwedeng mabuntis tatay ko eh" sumalubong ang kilay ni Alex at namumula ang mukha
"pilosopo ka" tapos pinalo nya ko sa balikat
"joke lang" at nagngingitian kameng dalawa "tara na?"
"san tayo pupunta?" tumayo sya harap ko ng nakangiti. Excited na sya
"secret. Pikit ka pala muna" tulala si Alex, magsasalita sana sya pero dinikit ko ang isang daliri ko sa malambot nyang labi "sshh. Pikit ka na. Sige na" pagmamakaawa ko. Kulit kasi eh
Tagal nyang kumilos kaya tinakpan ko ng kamay ko ang mata ni Alex. Habang nakapiring, kinuha ko na yung two feet na pink teddy bear na binili ko at nilagay ko sa gitna namen
Tinanggal ko na yung kamay ko pero nakapikit pa din si Alex, inangat ko na lang yung stuff toy at dinikit sa mukha nya
Pagdilat ni Alex. Lalong namula ang mukha nya at ang laki ng ngiti nya
"thanks. Salamat. Ang ganda. Ang laki" paulit ulit si Alex. Buti naman at nagustuhan nya. Pero di pa ko tapos sa surprise
Inakbayan ko si Alex habang yakap nya ang teddy bear, inalalayan ko sya paakyat sa cinema
"manonood tayo?" di na nawala ang pamumula ni Alex. Ang cute nya tignan
"hindi. Tatambay lang tayo. Bibilangin natin yung mga tao" pinipigilan kong tumawa pero bigla akong kinurot sa braso ni Alex kaya napatawa na ako "lets go"di na sya nakapalag dahil hinila ko na sya papasok
Sa pinakadulo sa taas kame pumwesto ni Alex para di masakit sa mata
Nang mag-umpisa ang palabas niyakap ako ni Alex at hinalikan sa labi
"thank you Cess" tulala ako sa nangyari. Sa sobrang saya ni Alex, pinapakilig nya din ko
Sa kalagitnaan ng movie, sinasakal na ni Alex yung teddy bear dahil sa ginaw. Nabangga ko ang arm chair sa gitna namen ni Alex at naramdaman kong maluwag ito
Sumasabay na ang mga tao kay Elsa sa pagkanta. Kaya sinamantala ko na, diniinan ko ng madaming beses ang arm chair hanggang sa sumbsob ako hawak ang kahoy
"let it go
Let it go
Let it go
Let it go"
Lumingon samen yung ibang nasa palagid namen, umupo ako ng maayos at kumanta ako kunwari"anong ginagawa mo?" bulong sakin ni Alex
"sshh" salubong ang kilay ni Alex pero wala akong paki dahil nilalamig na sya
Hinubad ko ang jacket ko at kinumot ko sa tulalang Alex na katabi ko. Humawak pa ko sa bewang nya at hinila ko sya sakin
"nilalamig ka pa?" nakayakap na ko ng tuluyan kay Alex, protection ko na din sa lamig
Umiling lang si Alex at sinandal nya yung ulo nya sa dibdib ko
Ang sarap pala makipagdate kaso magastos. Pero okay lang, may kiss naman ako at yakap galing sa mahiyain at pakipot na Alex
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...