"tagal mo" pagrereklamo ni Barbie pag pasok ko sa kotse ni Rodrigo
Nasa harap ng kotse si Rodrigo at Barbie, kaya sa likod ako umupo
"sorry sorry" bulong ko at yumuko ako. Ayaw ko kasi makita yung mukha ni Rodrigo and Barbie
Nakakahiya 30mins ko atang pinaghintay eh
"okay lang Lex. Kame naman yung nangulit na magsundo sayo eh" sabi ni Rodrigo
Ngumiti lang ako kay Rodrigo. Nakakahiya pa din kasi
"uy. Sige sige, sorry na" at hinawakan ni Barbie ang baba ko para tumingala
Tahimik lang ako at ngumiti
"ayiih ganda ng kaybigan ko ohh" pang-uuto pa ni Barbie
Mas lumaki ang ngiti ko at umiling lang
Napangisi din si Rodrigo at pinaandar na ang kotse
Nagtatawanan at nagkakantahan kame ni Barbie habang bumabyahe. Si Rodrigo naman ay napapangisi na lang samin ni Barbie. Binaba kasi namin yung bintana at kumanta ng malakas
Mabilis lang ang byahe namen at nakarating na kame agad sa bahay nila Barbie at ate Rose
Pag kapark ni Rodrigo ng kotse, si Barbie ang unang bumaba at sumunod si Rodrigo
"tara na Bakekang!" at sumilip si Barbie sa bintana para makita ako "ano na? Nakatulog ka na?" at sabay ngiti ni Barbie
"hindi" sabi ko at ngumiti "baba na nga oh. Masyado kasi kayong excited eh. Sige na, pumasok na kayo dun"
Natawa pa si Barbie at umalis na din sa parking lot sila Barbie, at Rodrigo na may kausap sa phone
Dahan dahan akong bumaba ng kotse. Ang bigat ng katawan ko
Wala ako sa mood gumala sana ngayon kaso ayaw pumayag ni Barbie na di ako pumunta sa bahay nila
Almost a month na kasi kameng nakatambay sa bahay namen
Madaming plano na silang ginawa para magcelebrate. Pero di matuloy dahil sakin
Lagi akong busy. Madami akong mga projects at assignments. At umiiwas ako ako kay Princess
Di ko pa sya kayang makita dahil sa ginawa nya sa akin
"ALEEEEEEEX" sigaw ni Nina
"hmmmm" napatili ako ng mahina sa gulat ko "Nina" sabi ko pa habang hawak yung dibdib ko,, kinagat ko ang lower lip ko at pumikit
"namiss kita" sabi nya ng patawa habang papalapit saakin at inakbayan ako
"asus namiss daw. Sabihin mo namiss mo na yung alak. Ganyan din sinabi mo samin kanina" sigaw ni ate Rose at nakasimangot pa ang noo "tinakot mo pa si Alex oh"
"okay lang" sagot ko at umupo sa tabi ni Barbie
"echos ka" at umupo sya sa tabi ng isang babae maganda "swerte nyo nga namimiss ko kayo no" sabay akbay sa babae at kiniss sa pisngi "diba beautiful?" tanong nya sa babae
"naman. Ang sweet mo nga eh" sagot ng babae
Nanlaki yung mata ko. Tama ba tong nakikita ko, naglalandian sila? Hala sila, nakakahiya
"uy landi, kadiri" singit ni Barbie at masama ang tingin kay Nina
"selos ka ba? Gusto mo ikaw ang ikiss ko?" sabi ni Nina na mejo nakangisi "hali ka dito, kandong kita. Dali" at tinapik tapik ni ni Nina yung lap nya
"tse. Kadiri ka" at tumingin si Barbie sa babae na katabi ni Nina "miss pagtapos mong makipaghalikan jan, magtoothbrush ka agad, kumakain ng tae yan eh" sabay tawa ni Babie
Tumingin sakin si Barbie para ata humingin ng suporta kaso ngumiti lang ako. Di kasi ako comfortable ngayon
May 8 na teenager kasi dito sa living room na di ko kilala. Plus si Princess nasa bintana lang banda at kausap nya si Paula
"guys oh. Lets go" biglang sumigaw si ate Rose at inangat nya yung isang boteng empi at alfonso
"weeeeeeeh... Ohhhhhhhh... Lets go" sigaw din ng ibang teenager
Nag-iinuman na nga sila ate Rose, Nina, Princess, Paula at yung iba pa. Tanduay ice naman ang iniinom ni Barbie at Rodrigo pero ako pinapple juice lang
Sinama nila ang iba nilang friends para daw di masyadong boring
Nalaman kong yung 3 guys na ka-age nila ate Rose ay mga classmates nila at yung 5 guys na parang mga around 20's na ay mga barkada nila Nina at Pricess
Every time na napapatingin ako kay Princess, tinititigan nya ako ng masama kaya iniisnob ko naman sya dahil baka mapansin pa ko ng babaeng kausap nila ni Paula
Sya na maganda dahil bukod kay Paula may bago syang girlfriend ata dahil sobra yung pag lilingkis sakanya nung babae
Kala mo kung sino silang kagandaha, matangkad lang sila sakin. Mas malaki nga dibdib nung babae kesa sakin pero mas maganda naman balakang ko
Sarap banlian nung kamay ng babae dahil may pahimas himas pa sa braso ni Princess. May pangiti pa tong Princess sa babae
Tagal ng oras, sana matapos na tong party. Gusto ko ng matulog, naiirita na din kasi ako kay Princess. Hmmm
Simula nung sinundo nya ko sa school, ng halikan nya ako ay ngayon na lang uli kame nagkita. At ngayon ko lang narealize na sobra pala akong naiinis sakanya
Dahil di man lang sya nagsorry saakin, na di nya sinasadya or magthank you kasi nagustuhan nya. Pero wala kahit isa. Alam nya naman kung paano ano makocontact eh
Pero okay na din yung ganito. Di na kame mag-uusap or magkikita para walang away
"haahhh" paghihikab ko habang nakikinig kay Rodrigo na nagkukwento tungkol sa bagong beach na binili ng parents nya sa bacolod
"ano antok ka na or lasing na sa juice?" sabi ni Barbie at nakangisi pa sakin
"sorry, sorry" sagot ko agad. Yumuko ako at kinagat ang lower lip ko. Nakakahiya kay Rodrigo baka isipin nya naboboring ako sakanya
"hahahah ganyan talaga yan Ego. Kanin pa kasi oras ng tulog nyan" pang-aasar sakin ni Barbie
"12:45 na nga Alex. Tulog ka na kaya?" pag-aalala ni Rodrigo. Sweet nya talaga
Lumingon ako kay Rodrigo at nginitian sya "thanks Ego. Kaya ko pa, nabusog lang siguro ako masyado" sana nga kayanin ko pa talaga. Totoong busog na ko kasi may pizza, pansit at tinapay sa lamesa namen
Tumingin ako sa baso ko at nakita kong wala ng laman kaya mag-aaliw muna ako para magising konti "kuha muna kong juice ha. Kuha ko na din ba kayo ha? paubos na yan eh" sabi ko
"ako na lang Alex" pagpipigil ni Rodrigo sabay tayo kaya napatayo na din ako para kontrahin sya
"okay lang Ego and mag ccr din kasi ako" sagot ko agad
"okay.. Sige" sagot ni Rodrigo at Barbie habang nakatingin saakin
Naglakad na nga ako papuntang kusina. Antok na talaga ako kaya kailangan ko talagang maglakad lakad para di naman nakakahiya dito dahil lahat sila alive na alive pa
Hello guys. Sorry po sobrang tagal kong di nag update. Busy lang po talaga
Wala kong trabaho ngayon pero problemado pa din dahil sa corona virusPray tayo guys ha. Ano man ang mangyari, sa prayer natin mabibigyan tayo ng kapayapaan at tapang sa mga problema natin
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...