52 - Ikaw Ang Bestfriend Ko

12 2 0
                                    

Alex POV

Nabawasan na ang pag-aalala ko sa kalusugan ni Princess ng makita at makasama ko sya sa hospital. Sobrang namiss ko sya, kaya ng makita kong nakahiga sya sa kama ng hospital, tahimik at relax, parang gusto kong masaksak din o magkasakit basta yung mahohospital ako para magkaroon pa ng rason para magkita kame ni Princess

Humihinga pa ako, malakas ang pangangatawan pero patay naman ang puso ko. Mahal ko ang pamilya ko, sila ang inspirasyon ko at malaki ang utang na loob ko sakanila dahil sila ang nagbigay buhay sakin. Pero si Princess ang nagbibigay kulay sakin, sya ang nagbigay kabuluhan sa tahimik kong buhay. Dahil kay Princess, nakilala ko kung sino talaga ako. Kaya ko din palang maging madaldal, maging matapang, malakas at umibig sa isang kagaya ni Princess

Nang makita ko uli si Princess, sabik at lungkot ang naramdaman ko. Sabik dahil nakita ko uli ang pinakamamahal ko, at lungkot dahil alam kong pansamantala lang ang pagkikita namen. Di ako nagkamali dahil pagputok ng umaga, sinundo si Princess ng mga magulang nya

Hindi na ako galit sa magulang ni Princess, malungkot lang ako dahil mali ang ipinapakita nilang pagmamahal kay Princess. Ng makita ko ang nag-aalala nilang mata, nagkaroon ako ng saya sa puso sapagkat kahit na may masamang pagtatalo silang pamilya ay mahal pa din nila si Princess at nag-aalala sila sa kalusugan ni Princess

Hindi sila magkakasabay mag-anak na umuwi, hindi ko din naihatid si Princess pero alam kong nasa mabuti syang kalagayan, pero di maalis ang sakit sa aking loob dahil dun. Bukod din sa gusto kong ligtas sya ay gusto ko ding makasama pa sya kahit sa sandaling minuto pa

Nakauwi kame ni Barbie ng ligtas, pero wasak naman ang puso ko. Nasa mabuti akong kalagayan, hindi ako masasaktan sa bahay, may mga pagkain, maayos na matutulugan, pero wala naman akong maramdaman na kaligayahan at kagalakan

Lumipas ang maghapon at magdamag, dumating na din ang panibagong araw. Sa buong araw, ni hindi ako dinalaw ng antok, hindi din ako ginutom at wala akong lakas para lumabas man lang ng kwarto

Hindi ko din alam kung galit pa ba ako sa mga magulang ko dahil sa nangyari kay Princess, pero ang alam ko ay ayaw ko muna silang kausapin. Si Barbie lang ang nangungulit na sumisilip sakin sa kwarto. Hindi nya ako sinamahan kagabi dahil may kailangan daw syang gagawin

Pati si Barbie di ko kinakausap, matyaga syang nagpupunta dito sa bahay para lang kamustahin ako. Di ko magawang magpasalamat sakanya at magsorry dahil alam kong di ko kayang magbago pa. Pano ako magbabago kung wala yung taong nagbibigay dahilan sa pagbabago ko

"Lex, tara kain na tayo" bulong ni Barbie

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko, habang ako nakaupo lang sa kama, tulala  lang sa bintana

"kumain na kaya si Princess?" nag-aalala ako dahil di kame kumain bago umuwi

"Alex, Ikaw, kailangan mong kumain"

"oo, kailangan nyang kumain para gumaling agad yung sugat nya" napakagat labi ako dahil sa lungkot. Tuwing maiisip ko yung saksak ni Princess, nagsisisi ako, dahil sa akin kaya nasasaktan sya ngayon

Naramdaman kong bumigat ang mata ko kaya hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko. Wala naman akong gustong gawin kundi ang umiyak at magmukmok lang

"hey. Alex, I and-and you know that Princess is like a tiger" may narinig akong mga kalansing ng plato. Siguro yung dala nyang pagkain ko tapos mas dumikit sakin si Barbie "She's a stronger person. Yung-yung saksak na yun, gasgas lang yun sakanya. Kaya wag ka ng mag-alala" nanginginig ang boses ni Barbie. Parang paiyak na sya pero di naman sya dapat umiyak, maayos at magkasama sila ng boyfriend nya. Pero ako wala, feeling ko tutol ang lahat saamin ni Princess

Tumingin ako sa mga kamay ko na nakapatong sa lap ko. Umuungol ako pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Gusto kong sabihin kung gaano ako nag-aalala kay Princess. Na gusto ko ako ang nag-aalaga kay Princess. Na sana ako ang naglilinis sa sugat nya, magpapakin ng almusal kay Princess. Gusto ko ako ang gumawa ng lahat para kay Princess

"Alex, please naman. Help yourself fist naman" nagulat ako kay Barbie dahil lumakas ang boses nya. Napatingin ako kay Barbie at lalo pang nadurog ang puso ko dahil umiiyak na din ang bestfriend ko "that's not you. The-the Alex I know is-is always happy, tahimik pe-pero always positive, always fu-full of life. Where is my bestfriend? I-I want my-my bestfriend back..." bago pa matapos ni Barbie ang sinasabi nya, niyakap ko sya ng mahigpit. Ang tanga tanga ko, naapektuhan na pati ang pinakamatalik kong kaybigan "I mi-miss her so much"

Nalulungkot ako pero di ko dapat dinadamay si Barbie. Sa problema ko laging nasa tabi ko sa Barbie pero ang iniisip ko lang lagi ay si Princess at ang sarili ko. Di ko inisip na may mga tao na din akong nasasaktan

"so-sorry sorry sorry..." paulit ulit kong hagulgol

"Alex..." humiwalay sakin si Barbie pero ang kamay ko naman ang hinawakan nya "it's not your fault and Princess e-either. To all your problems I promise that I will always be there for you. But pli-please promise me Alex that-that to-to take care of yourself, please Alex"

Nabubulol si Barbie dahil sa matindi nyang iyak pero malinaw kong naiintindihan kung anong gusto nyang sabihin

Hindi ako makatingin kay Barbie, kaya yumuko ako at pumikit. Wala akong mukhang maiharap sakanya, puro problema ang binibigay ko kay Barbie. Sa lahat ng bagay tinutulungan ako ni Barbie, mula nung teenager kame hanggang ngayong matatanda na kame. Ako wala man lang akong naitulong sakanya

"sorry..." Wala akong ibang masabi dahil kasalanan ko naman lahat to eh

"Alex, look at me" at ginawa ko nga. Nakikita ko sa mga mata ni Barbie ang pag-aalala at pagiging seryoso "ikaw ang bestfriend ko. Pag malungkot ka, malungkot din ako. Pag iiyak ka, iiyak din ako. Siguradong ganito din ang nararamdaman ni Princess. Alam kong mahalaga sayo si Princess pero mahalaga ka din samen Lex. Please Lex wag mong pahirapan ang sarili mo. Wala akong ibang ipapakiusap sayo kundi ang alagaan mo lang ang sarili mo. Hindi man kita matulungan sa problema mo ngayo pero dito lang ako sa tabi mo"

Umiiyak pa din ako pero pinilit kong ngumiti para ipakita sa bestfriend ko na nakikinig ako sakanya

Sa pagmumukmok ko, nakalimutan ko na may tao pang nag-aalala saakin. Akala ko wala na akong magagawa dahil nilamon na ako ng lungkot pero yung problema na nagbibigay lungkot sakin ang gagamitin kong inspirasyon para sumaya uli. Yung mga taong nagmamahal saakin, ang inspirasyon ko para maging malakas

Ngumiti din sakin si Barbie at pinunasan pa ang mga luha ko sa pisngi. Pumikit ako dahil ang init ng kamay ni Barbie na parang naiinitan din ang buo kong katawan

"Lex, di ko alam kung pano ko pagagaangin ang pakiramdam mo, dahil-kasi wala ako sa sitwasyon mo. Basta ang gusto kong mangyari lang, lumakas ka tulad ng dati, maging postive ka tulad ng dati, matatag ka tulad ng dati. Ganun din siguro ang gusto ni Princess"

"I love you"

"I love you too Lex"

-

Matapos namen mag-usap ni Barbie, hindi nya na ako pinilit mag-almusal. Hinayaan nya akong umiyak pa, hanggang sa nakatulog ako. Tumabi sakin si Barbie, at sa paggising ko ay sya pa din ang kasama ko. Sa tanghalian hanggang hapunan, kasabay ko pa din si Barbie. Hindi kame nag-uusap ng pamilya ko pero sa pamamagitan ni Barbie, sinasabi nya kung anong ginagawa ko at kung ano din ang ginagawa nila

Hindi mawala sa isip ko si Princess pero sa tulong ni Barbie ay nababawasan ang lungkot ko. Sa pagkakalayo namen ni Princess pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Pero pinapaalala sakin ni Barbie na dapat maging matapang, kahit may kasama ako o wala

Ang swerte swerte ko dahil may bestfriend akong tunay na di ako iiwan sa lahat ng sitwasyon, tunay na kaybigan na pakikinggan ako sa mga dinadaing ko, tunay na kaybigan na tinuturing ako na tulad sa kapatid

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon