Nung Sunday. Maaga kameng gumising, nagsimba kameng lahat kasama pati ang family ni ate Ashley
Pag tapos magsimba, pumunta kame ng mall, dun kame kumain sa jollibee at pagtapos nun, naghiwa hiwalay kame
Nanood ng sine si mama at papa, ang pamilya naman ni ate Ashley nasa arcade at kame ni Andrew nasa department store
Kailangan kong bumili ng bagong mga notebooks at damit naman ang binili ni Andrey
Pinahiram din sakin ni ate Ashley yung phone nya. Wala naman daw syang importanteng contact at may phone pa si kuya Gino kaya ako daw munang gagamit
5pm na kame naka uwi ng bahay lahat. Pagod na kameng lahat kaya nagtake-out na lang kame sa jollibee
Mula breakfast, lunch hanggang dinner puro kame jollibee. Yun kasi ang favorite kainin ni Andrey at Andrew
Nagpaalam din ako sa kanilang lahat na malelate ako sa pag-uwi sa monday dahil pupuntahan ko ang bestfriend ko
Todo suyo pa ko dahil lahat sila ayaw pumayag, ayaw na nilang maulit yung nangyari sakin nung friday
Sa huli, pumayag na din sila at nagpromise akong ipapaalam ko sakanila kung may iba pa kong pupuntahan pag tapos ng klase ko at hindi na uli ako magpapabaya
"good morning po sir" pag ka bell ng break, tumakbo na ko agad dito sa klase ni Sir. Carpio
Nagtatakbuhan palabas ng room yung mga students ni Sir Carpio kaya gumilid ako pero nababangga pa din nila ako
Nung nakalabas na ang lahat, pumasok na ko sa loob ng room
"Miss. Lopez, mamaya pa klase natin ahh. Maglunch ka muna" nagmamadaling sabi ni Sir.Carpio. Gutom na siguro
"ahhmmm. Sir, bibili po sana ako ng materials po para sa project. Nanakawan po kasi ako nung friday" dineretso ko na si Sir.Carpio para wala ng patumpik tumpik pa
Lakas ng kaba ko pero kailangan kong gawin to
"naku. Wala na tayong materials" halos hindi ako pinapansin ng Art teacher ko dahil busy sya sa bag nya
Parang may hinahanap sya sa bag nya pero nasa labas ng bag nya yung kamay nya, kinakapa nya lang
"Sir. Baka po may natitira pa po. Naghanap na din po kasi kahapon pero wala po kong nakita" tinitigan ko si sir
Sana makita nya sa mata ko na nakakaawa ako, mejo naiiyak na kasi ako
"ganito. Gandahan mo muna yung notebook mo" nagsasalita sya pero hindi naman sya tumitingin sakin "tapos puntahan mo ko sa Department mamayang 5pm. Sige na maglunch ka na"
"thanks po Sir" kinagat ko yung lower lip ko dahil nararamdaman kong babagsak na yung luha ko
Gusto kong pilitin si Sir. Carpio pero hindi ko magawa. Baka tuluyan nya na kong ibagsak
Iniwan ko na si Sir.Carpio sa room, na busy sa bag nyaTumakbo na ko papuntang cr. Gusto kong umiyak
Pag kapasok ko ng cr. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa mukha ko at nakatayo lang
Gusto kong umiyak ng malakas kaso nakakahiya baka may makarinig sakin. 50% kasi yung projects namen sa Art, mas mataas pa kesa sa Exams
Ayaw kong bumagsak. Iniisip ko din kasi si mama at papa
Hindi pa ko nagtatagal sa cr, bigla kong narinig yung pintuan na parang sinara ng malakas
Hinawakan ko yung bibig ko para pigilang sumigaw, lumaki yung mata ko dahil sa gulat ko tapos pumikit uli

BINABASA MO ANG
CONFIRM
Roman d'amourMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...