Princess POV
Puta. Nakakainis. Ganun lang napikon na sya, aalis agad sya tapos iiyak nanaman
Ansakit ng lalamunan ko kakatawag sakanya pero hindi nya talaga ko pinansin
Hindi ko din sya nahabol dahil may mayabang na parang kanya yung kalsada, na derederetso lang magpaandar at wala pa syang pakiaalam kahit makasagasa sya
Gago sya, ako pa yung hinarangan nya kaya binaunan ko ng mga matutulis na bato yung likod ng mga gulong nya
Ayaw kong magalit sakin si lola kaya kahit gusto kong habulin para bugbugin yung driver na yun o basagin yung bintana ng kontse nya, sinigurado ko na lang na mabubutas yung gulong nya
Si Nina lang nakakita sa ginawa ko at tinakpan ako ni Nina para di ako makita sa cctv, kaya alam kong safe ako
Nagtaxi lang si Nina nung pumunta sa school kaya nung pauwi na kame, sa motor ko na sya sumabay
Habang bumabyahe, wala kameng ibang sinabi kundi murahan at sisihan, hanggang sa nakarating na kame sa bahay
"Princess, Anthonina" sigaw ni lola Tessie mula sa loob ng bahay
Nagpapark ako ng motor ko ng iniwan ako ni Nina at pumasok na sya sa loob ng bahay
"bakit kayo nag-aaway? Malayo pa lang kayo naririnig ko na mga boses nyo" sabi ni lola pag kapasok ko sa loob ng bahay
Nagbless ako kay lola Tessie at lolo Fred na parehas silang nasa sala at nanonood ng balita
"naglalambingan lang po kame lola" sagot ni Nina at inikutan ko naman sya ng mata
"anong ulam natin?" tanong ko para maiba yung usapan at para di ako pagalitan nila lola. Tapos sabay kameng umupo ni Nina sa magkabilaang sulok ng sofa
"hindi ko pa alam" sabi sakin ni lola tapos tumingin sya kay Nina at nagsalita uli "si mama mo ang magluluto, nasa kusina si mama mo, Nina"
Panganay na anak ni tita Rhuby si Nina. Mata lang ni tita Rhuby ang nakuha ni Nina pero yung tangkad, hugis ng mukha, ilong pati labi, kamukha nya ang papa nya na si Tito Eric
"kuha lang po ako ng tubig" sabi ko tapos tumayo para pumunta sa kusina
"puntahan ko lang din po si Mama" sabi naman ni Nina at sinundan ako
"uy. Nagagalit ka talaga sakin dahil lang dun?" bulong sakin ni Nina tapos umakbay sya sakin habang naglalakad kame papunta sa kusina
"oo. Nakita mo ba ginawa mo, pinaiyak mo sya. Iniwan tuloy ako" sagot ko tapos tinanggal ko yung kamay nya sa balikat ko
"ano naman kung iniwan ka?"
"sabay kasi kameng uuwi" parang mali yung sinabi ko. Kaya nagsalita uli ako "sabi kasi ng classmate ko, ihatid ko sya kasi magbestfriend si Alex atsaka yung kapatid nung classmate ko" tapos tinitigan ko sya para makita ko kung maniniwala sya sakin
"weeh? San?" sabi ko na nga ba
"sa kanila, gago. Choreographer namen yun. Kaya nagpapakabait ako sakanya. Bestfriend ni Barbie si Alex, gago"
Kilala nya din si Barbie dahil sa school ko din sya nag-aral ng 1st year high school hanggang 2nd year. Pero ngayong 3rd year na sya, lumipat sya sa Batangas
Nakarating na kameng ng kusina at kumuha ako ng isang bote ng tubig sa ref at nilagok
"ahh. So iniingatan mo lang sya? So sweet" tapos nginisihan ako. Nakakapikon to
Alam kong pagdududahan nya ko. Nakakainis talaga kaya pinuno ko ng tubig yung bunganga ko at binuga sa mukha ni Nina. Yes sapul
Ahhhhhhhhh
Tumili ng malakas si Nina tapos tinulak ako pero tumawa lang ako ng malakas kaya bumangga ako sa ref at bumagsak sakin yung tissue na nakapatong sa ref, pagtingala ko may isa pang tissue na tumama sa mukha ko kaya napayuko ako agad, at may nalaglag uli na tissue sa ulo ko pag yuko ko
Kainis. Umuulan ata ng tissue dito sa kusina kaya yumuko ako at tinakpan ko ng mga kamay ko yung ulo ko baka kasi mabukulan ako ng tissue. Malamang
"gago ka talaga. sasapakin na kita. Isa pa" pananakot ko kay Nina dahil tawa sya ng tawa
Tapos dumampot ako ng tissue at pinukol sya sa mukha kaso nasalo nya. Sayang
"bakit namumula ka? Kunikilig ka?" tapos pinunasan nya ng tissue yung mukha nya
"tang-ina. Naiinis kasi ako sayo" tapos sinuntok ko sya sa balikat
"aray" tapos sinuntok din ako ni Nina at nagsalita uli "bakit ka naman naiinis sakin?" tapos tumawa sya uli kaya tinulak ko naman sya kaya napaupo sya sa lamesa
"tang-ina mo Nina. Choreographer nga namen sya. Dahil sayo, umuwi sya mag-isa tapos muntik pa syang masagasaan. Kung hindi lang ako pagagalitan ni lola, gagasgasan ko talaga yung mukha ng driver na yun pati yung kotse nya" tapos sinuntok ko yung lamesa at nakatingin ako ng masama kay Nina
"nag-aaway kayo. Nina? PenPen?" biglang pasok ni tita Rhuby galing sa cr
"wala po ma" tapos nagbless kame parehas ni Nina kay tita Rhuby "kinukwentuhan lang po ko ng Penpen tungkol sa bago nyang syota" tapos ngumisi si Nina
"sino?" Tumingin naman sakin si tita Rhuby na walang reaction ang mukha
Tinitigan ko ng masama si Nina tapos tumingin uli kay tita Rhuby
Nag-iinit yung mukha ko dahil sa babaeng to. Kainis. Umiling ako tapos magsasalita na sana pero inunahan ako ni Nina
"Alex po pangalan ma" tapos ngumiti si Nina "tignan mo ma, namumula sya. Hindi makapagsalita. Kinikilig" at ngumiti din si tita Rhuby
"gwapo?" paisa-isa lang tanong ni tita Rhuby. Kala nya lalaki si Alex kaya lalo syang naiintriga
"sobrang ganda ma tapos ang sobrang maputi tapos ang tangkad tap.." hindi ko na pinatapos yung pinagsasabi ni Nina
"gag.." mumurahin ko sana si Nina pero nakita kong nilakihan ako ng mata ni tita Rhuby kaya iniba ko na lang "puro kalokohan lang yun tita" tapos binatukan ko si Nina "sinungaling ka"
Naglakad na ko palabas ng kusina baka makaganti si Nina at nagsalita uli ako "wala po kong syota tita. Wag ka pong maniwala jan sa lokoloko na yan" sabi ko habang naglalakad
"Nahihiya pa" sigaw ni Nina
Ayaw kong makipagtalo kay Nina lalo na may mga makakarinig sa mga pang-aasar nya sakin
Hindi ko din alam kung anong mga isasagot ko sa mga itatanong nila
Pag hindi ako sumagot, kinikikig daw, pag madami namang sinasabi, may gusto agad. Napipikon ako kay Nina kaya mas magandang wag ko na lang lapitan yun
Lumipas ang gabi pero hindi ko padin pinapansin si Nina
Hindi naman nag-alala sila lola na lumala yung hindi ko pagpansin kay Nina dahil nalaman nyang tungkol sa babae yung galit ko
Asaran lang naman daw yun at parehas lang kameng nagtitrip. Trip akong asarin ni Nina at trip ko lang daw yung babae
Tabi kameng natulog ni Nina sa kwarto ko, at maaga akong natulog dahil naiinis ako pag kausap ko si Nina
Nagpaiwan sya pero yung parents nya umuwi din sa Hotel na tinutuluyan nilang mag-anak
BINABASA MO ANG
CONFIRM
عاطفيةMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...