13 - Ang Pogi Ni Ego

33 1 0
                                    

"hi Lex" ha? Sino to? Bakit kilala nya ko? May poging naghi malapit sakin

Nilibot ko yung mata ko at tumalikod din ako ng dahan dahan baka kasi mali lang ako ng dinig

Nakakahiya pag naghello ako sakanya tapos hindi naman pala ako yung kinakausap

Habang hinahanap ko yung binabati ni pogi. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya at nakatitig na pala sya nakin

Tumingala ako sakanya, ang tangkad kasi nya tapos ngumiti lang ako at yumuko uli

Nakakahiya, bakit kaya sakin pa lumapit to

Wala na syang ibang sinabi tapos hindi naman sya umaalis sa tabi ko. Hindi naman kame dikit na dikit basta magkatabi lang

Lalo tuloy akong lumiit, ikaw ba naman dikitan ng poste at ang pogi pa netong poste na to. At ang bango nya, alam ko ganito din yung amoy ni Rodrigo

Teka

Si Rodrigo to?

Tumingala uli ako at tinitigan ko ng maigi tong poging nasatabi ko

Nakatitig din sya sakin at nakangiti na labas pa ang ngipin, ang pogi nya talaga

Iniimagime ko na may reading glass sya at bracess at pinahaba ko lang ng konti yung buhok nya at sinuklay sa isip ko

At ayun, nakita ko nga si Rodrigo

Nanlaki yung mata ko at napanganga "ahhmm. Hello" wala akong masabi, ibang tao tong nasaharap ko "wow" tapos ngumiti ako pero saglit lang tapos tinignan ko yung mga students at teachers na labas pasok sa school namen, lahat sila nakatingin samen ni Rodrigo

Nagbend pa ng konti sakin si Rodrigo at may binulong "ayos ba? Bagay ba sakin"

"hhmm. Bagay na bagay" tapos ngumiti ako kay Rodrigo at tumingin uli sa paligid "tignan mo, ang daming nakatingin sayo" bulong ko din sakanya

"hi pogi. Hi Lex. Sino sya Lex?" biglang sulpot ng kaklase ko at may 4 na girls pa syang kasama

Pareparehas naman kameng mga naka uniform kaso parang sa mga kapatid nila yung mga suot nila. Pinipilit nilang pagkasyahin kahit maliit sa kanila

"ahhmm. Kaibigan ko sya.." hindi ko natapos sinasabi ko dahil biglang lumapit yung kaklase ko kay Rodrigo

"hi pogi. Classmate ako ni Alex, ako si Mae. Ikaw pogi?" sabi nya at nakasmile pa

Umatras ako ng konti dahil nagsunudan din yung mga barkada ni Mae

"ahhmm. Hi Mae. Ego" tapos kumaway si Ego

Nagkatinginan naman kame ni Rodrigo dahil nagtilian sila Mae. Kilig na kilig parang mga kinokoryente to ah

"lagi ka bang nagpupunta dito o nagyon lang?" tanong uli ni Mae

"hindi Mae" tumili naman si Mae

Kinilig ata nung binanggit ni Rodrigo yung pangalan nya

"bakit ka nandito sa school namen Ego?" sabi nung isang barkada ni Mae tapos kinilig nanaman sila

"sinusundo ko si Alex" nanlaki yung mata ko dahil sa sinagot ni Rodrigo

Yumuko ako at tumagilid ng konti. Ayaw kong makita yung mga itsura nila at ayaw ko ding makita nila yung mukha ko

Nakakahiya, siguradong parang kamatis nanaman ako

"wow ganda mo te" sabi sakin ng isa pang barkada ni Mae. Hindi ko alam kung sino dun basta ayaw ko pang tumingala

Naririnig kong kinakausap nila Mae si Rodrigo pero hindi ko sila iniintindi. Baka kasi mabanggit nanaman ako eh

Tapos biglang nag-ingay yung phone namen ni Rodrigo ng sabay

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon