53 - You'll Talk To Your Girlfriend

21 4 0
                                    

Hindi matatanggal saakin ang lungkot at sakit, pero kahit papaano naaalagaan ko na ang sarili ko. Maayos na ang pagkain ko, nakakapagpahinga na din ako ng mabuti. Madalas lang ay napapahinto ako sa mga ginagawa ko o magigising ako sa kalagitnaan ng tulog, at wala akong ibang gagawin kundi ang isipin na si Princess. At ngayon, naputol uli ang tulog ko dahil may kaluskos akong narinig, dumilat agad ako at dahan dahan ding umupo sa kama

Ang narinig kong kaluskos ay ang maingay na tsinelas ni mama na papalapit saakin. Malinaw kong nakita si mama dahil sa maliwanag na ilaw. Sa tuwing ako lang mag-isa kasi sa kwarto ay lalo akong nalulungkot pag wala akong nakikita kundi kadiliman

"anak, sorry nagising ba kita?" bulong ni mama, sabay upo malapit saakin

Hindi ako umimik kundi yumuko lang. Nanlalambot ako ng marinig kong nagsorry si mama. Naglalaro kasi sa isip ko ang iba't-ibang dahilan na ikinalulungkot ko. Na nagsosorry si mama dahil may sugat si Princess sa tyan, na nagsosorry sya dahil hindi nila pinakinggan ang pagmamakaawa ni Princess, na nagsosorry sya dahil tumututol sila sa relasyon namen ni Princess, at kung ano-ano pa. Si mama ang idol ko dahil sa ipinapakita nyang tapang at lakas. Pero ngayon, naririnig ko sa mga boses nya ang pagiging matamlay, mas lalo akong nalulungkot at naiinis sa sarili

"anak, gusto ko lang ibigay sayo to" inabot sakin ni mama ang cellphone ko at dahan dahan ko naman tinanggap

Nanginginig ako habang hawak ang phone. Binabalik na sakin ni mama ang phone ko dahil pwede ko ng kausapin si Princess?

"gawin mo na kung anong gusto mo anak" nanlaki ang mata ko at tumingin kay mama. Talaga? Pwede ko ng kausapin si Princess? Sabi ko sa sarili. Si mama naman ang di makatingin saakin. Yumuko sya at nagpatuloy sa pagsasalita "anak kasi, anak kita kaya naghihigpit ako, kame ni papa mo!. Gusto kong mapabuti ka kaya may mga nagagawa akong di mo nagugustuhan!. Pero anak, di naman namen gustong pahirapan ka. Akala kasi namen tama kame palagi. Di namen napapansin na sumosobra na kame, mali na pala kame..."

Bago pa tapusin ni mama ang sinasabi nya, niyakap ko sya ng mahigpit. Nakokonsensya ako dahil nalulungkot si mama, dahil pakiramdam nila ni papa ay mali na ang pag-aalaga nila saakin

"...so-sorry" paiyak na si mama kaya kumawala ako sakanya at hinawakan ang mukha ni mama. Nadudurog ang puso ko dahil malungkot ang mama ko

"ma, wala po kayong mali!. Di nyo naman po ako tinuruan na maging masama. Ginawa nyo lang po yung mga bagay na yun para sa ikabubuti ko, para maging mabuti ako" matapos kong magsalita ay nauna na akong umiyak kay mama

"nagkamali kame kay Princess. Sorry" pinunasan ni mama ang luha ko sa pisngi, ngumiti sya at niyakap uli ako ni mama

"promise ma, mabait po si Princess. Matutuwa po si Princess na payag na po kayo sa relasyon namen"

Ngayon ay nawala na ng tuluyan ang sama ng loob ko. May mga masasamang nangyari saamin pero may mga natutunan kame sa isat-isa. At sapat na ang pagsosorry ni mama, kung ano man ang nagawa nilang mali ay pinagsisisihan na ng mga magulang ko

Hindi na ako nakatulog uli, nanatili kame ni mama sa kwarto. Masarap kausap si mama, ikinuwento ko sakanya ang lahat na naalala kong mga mabubuting bagay na ginawa saakin ni Princess. May pagkakataon na di nya alam kung maniniwala o hindi, at minsan natutuwa sya

-

"finally, you're out of your room" ang laki ng ngiti ni Barbie habang papasok kame sa loob ng mall. Di ako mahilig gumala pero ngayon ay napapangiti din ako dahil sa excitement. Ganito siguro kapag bagong laya

"so what, what should we do first?..." huminto si Barbie at humarap saakin "nagugutom ka na ba uli?"

Ang sweet ng bestfriend ko pero sana bawasan nya ang pag-aalala sakin, para kong may kasamang nanay "pwede bang manood tayo ng sine?"

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon