Alex POV
Friday ngayon pero walang gawa kame ngayon ni Princess. May emergency yung client ni Princess kaya nagreschedule na lang
Nanonood kame ng movie ni Princess sa sala pero ngayon ako na lang mag-isa. Pumunta kasi si Princess sa kusina dahil may biglang tumawag sa kanya
Naiinis ako dahil iniwan nya ko para kausapin kung sino mang istorbo na yun. Off namen ngayon kaya dapat walang istorbo samen
Di ko na talaga gusto ang pakikipag-usap ni Princess sa iba kaya nagbihis na lang ako para pumunta sa bahay ng parents ko
"bat nakaganyan ka na?" biglang sulpot ni Princess dito sa kwarto na wala ng hawak na phone, habang nagsusuklay naman ako
"baka nakakaistorbo ako sa kausap mo"
"ha?"
"ha mo mukha mo" sigaw ko. Pumunta naman ako sa kama at inayos ang dadalhin kong bag "sige na, makipag-usap ka lang"
"Alex. Why? What did I do?" bulong nya sa likod ko
"why?" tumigil ako sa ginagawa ko para makaharap kay Princess. Salubong ang kilay ko habang nakatingala sakanya "ikaw, kelan ka titigil sa mga babae na yan?" mabigat na ang mata ko, na siguradong mamaya lang tutulo na ang mga luha ko
"Alex naman. That's my client. Tigilan mo yang jealous mo" humawak sya sa balikat ko pero inalis ko agad
"client. Pero kaylangan mo pang lumayo sakin para di ko marinig diba?" at napaiyak na nga ako
Ang sakit sa puso dahil may sinisekreto sakin si Princess. Di naman ako magdududa sakanya kung wala kong nakikitang mali
"nanonood tayo Alex. Pano ko maiintindihan yung kausap ko kung di ako pupunta sa tahimik"
Yumuko lang ako habang umiiyak. Pano kung nagsisinungaling si Princess. Di ko alam kung nagsasabi sya ng totoo. Masyado kasi syang perpekto kaya madaming nagkakagusto sakanya
"babe" tapos niyakap ako ni Princess "wag ka ng magselos. Mas maganda ka kesa sa mga clients ko. Mapepera lang sila pero sayo lang tong puso ko"
Nanlalambot ako dahil sa yakap ni Princess at mga sinasabi nya. Di ko magawang magalit sakanya ng matagal dahil sa paglalambing nya sakin
Bumitaw na si Princess pero hinawakan nya naman ang mukha ko para halikan sa noo. Nakahawak naman ako sa bewang nya habang nakatingala at nakapikit. Sa mga titig palang ni Princess, kumakalma na ako. Dahil sa mga yakap nya, nararamdaman kong safe ako. At sa mga sinasabi nya ay nagkakaron ako ng tapang. Nagkakaron ako ng sigla dahil kay Princess
"aalis ka pa ba? Can I come with you? Where are you going ba?" bulong nya habang nakatitig sakin
Di ako makasagot dahil di ko alam kung gusto kong isama si Princess sa bahay namen. Matagal nya ng gustong sumama sa bahay pero palagi akong may katwiran. Mahal ko si Princess pero di ko alam kung bakit hanggang ngayon di ko pa alam kung bakit di ko pa sya kayang ipakilala sa family ko
"okay. Sa bahay nyo diba? Sige, okay lang na di mo ako isama sa family mo. Sana may maganda kang katwiran, hindi mo sana ako ikinahihiya"
Huminga ng malalim si Princess tapos lumayo sya sakin. Napakagat labi ako dahil sa hiya. Nahihiya ako kay Princess dahil nasaktan na sya ng magulang nya dahil sakin, pero ako wala man lang plano para ipakilala sya sa family ko
Lumabas ako para sundan si Princess at mangatwiran uli. Pero nagulat ako ng makita ko syang nasa labas hawak ang dalawang halmet. Di ko alam anong plano nya pero naguguluhan ako
Nang makalabas ako, sya naman ang pumasok. Pinatay nya ang ilaw at nilock ang pinto, bitbit nya na din ang bag ko. Sinuot nya sakin ang isang helmet at sakanya naman yung isa
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...