25 - Drinks

27 2 0
                                    

Princess POV

Last week ng makita namen sila Alex, Barbie at Rose sa mall. At ang pinag-uusapan pala nila ay ang advance celebration ng graduation ni Barbie at ako daw sa mansyon ng magkapatid. Nagpaalam naman daw sila sa parents nila kaya magparty lang hanggang gusto

Sinama ako ni Rose sa celebration para daw may kahati sila sa gastos at para kung magkakaproblema, ako daw ang ituturo nila dahil magaling daw akong magpalusot. Meaning, gusto nilang ipagtanggol ko sila sa pagsisinungaling ko

Naisahan ako ng mga ungas dahil hindi na nila ako tunanong kung papayag ako basta nagset na sila agad

Every time  pa na maalala ni Nina si Alex, di nya na ako tinantanan. Nagsisisi na ako na pinaalam ko sakanya etong nararamdaman ko para kay Alex. Wala naman kasi akong makausap ng mabaliw ako kay Alex kundi si Nina lang dahil sya ang pinakamadaling kontakin

At ngayon andito na kame sa mansyon nila Rose. Magbibigay na lang sana ako ng pera dahil mas gusto kong magplano sa bar pero ayaw pumayag ng ungas kong pinsan. Next time na daw ang bar, nagsawa na daw sya sa mga babae sa bar kaya baka makakita daw sya ng graduating na chicks

Di na ko nag invite dahil baka maubusan na ako ng bisita after ng graduation ko

Sa totoo lang naboboring ako. Kahit madaming magagandang babae pero sa mga mata ko, wala pading tatalo sa kagandahan ni Alex

Ubos na ang alak ko at wala pa akong tama kaya dapat pa akong kumuha

Papalapit na ako sa kusina ng makita ko ang dalawang lalaki na may nilalagay na pills sa jar ng juice

Ang ayaw ko kapag umiinom ako ay ang pag may nanggugulo. Lalo na kung wala kame sa club. Ininvite lang sila dito kaya kailangan nila ng respeto

"takbo bro" sigaw nilang dalawa ng makita nila akong papalapit na sakanila. Masyadong malakas ang music kaya halos di ko sila marinig

Sinubukan kong habulin yung dalawa pero madaming tao kaya nalito na ako at ang nakakainis di ko pa sila namukaan

Di ko alam anong mga gagawin pa nila at sana umuwi na sila dahil kung mahuli ko yung dalawang yun, tutupiin ko sila sa walo

Pagbalik ko sa kusina, nakita ko si Alex na umiinom ng juice

"Alex. Ahmm" nanlaki agad ng mata ko at lumapit kay Alex "saan ka kumuha ng juice?"

"jan" sagot nya ng mahina sakin habang hawak ang cup na may konting juice

Patay. Sasabihin ko ba sakanya kung anong ininom nya? Sisirain ko ba yung masayang gabi nya. Di ko alam gagawin ko. Di ko alam kung anong pills ang nandito sa jar

Napipikon na ako kaya binuhat ko ng buong lakas ko ang jar at tinapon sa lababo ang lahat ng laman

"Princess anong ginagawa mo?" nanginginig na boses ni Alex

Di ako sumasagot kaya hinila nya ako sa damit

"Princess..." sigaw nya uli

Nang mawalan na ng laman ang jar, pinatong ko uli sa lamesa at humarap naman kay Alex

"Alex. Makinig ka sakin" at hinwakan ko sya sa balikat "pag may naramdaman kang abnormal, sabihin mo agad sakin ha"

"bakit?" tanong ni Alex at malaki na din ang mata nya sakin kaya bimitaw ako pero kinuha ko yung cup at hinagis sa lababo

"ahm. Panis na yung juice" pagpapalusot ko

"di naman napapanis ang juice at kalalagay lang nito kanina" dahan dahan nyang sabi sakin

"magbeer ka na lang" advice ko. Natataranta na ako, siguro bukas ko na lang sasabihin ang totoo

"di ako umiinom" sagot nya naman

Tanga ko, nga pala di sya umiinom puro juice lang sya lagi

"pero sige, di na lang ako iinom ng kahit ano" mahina ang boses nya pero malinaw kong narinig. Tumalikod na sya at humakbang palayo sakin

"wait lang" pag-awat ko "ahmm. Magsoftdrink ka na lang? Ako kukuha" lumapit ako kay Alex at naghihintay ng sagot nya

"wag na. Thanks" patalikod na uli si Alex pero hinawakan ko sya sa kamay

Kumalabog ang puso ko. Nasa harap ko na kasi sya tapos aalis uli

"nilalayuan mo ba ako?" kailangan kong malaman dahil nabubuang na ko tuwing di nya ko pinapansin

Di sumasagot si Alex at yumuko. Hinawakan ko agad ang baba nya para makatingin sakin

Bango ng buhok ni Alex pero gusto ko laging nakatingin sakin ang maganda nyang mata

"bakit" bulong ko habang nakatitig

"bakit din. Bakit di ka na nagpakita after mong maghigh school?" nanginginig nyang tanong

"ahmm" natatakot akong sumagot. Kaya yumuko ako, ayaw kong makita ni Alex ang mata ko

Epekto na ba to ng pills or alak ata ang nainom ni Alex

"sumagot ka Princess. Gusto kong malaman" at sabay palo sa balikat ko

Mas lalo akong natakot ng makita kong umiiyak na si Alex. Bat kaya sya umiiyak, wala pa naman akong sinasagot

"iniwan mo ko. Pagtapos ng ginawa mo nung nasa cr tayo nila Barbie, nung pinagtanggol mo ko sa barkada mo..." inangat ko yung kamay ko para punasan ang luha ni Alex pero lumayo naman sya "wag mo kong hawakan" sigaw nya "wag mo kong hawakan. Niloko mo ko, sabi mo walang mananakit sakin pero ikaw yung nanakit sakin" lumapit sakin si Alex at sinampal pa ako "nagpromise ka pero iniwan mo ko"

"sorry" Di ko alam na narinig nya pala ako at di ko alam na ganito ang epekto kay Alex

"sorry lang? Ha? Alam mo bang ginawa mo?" sigaw nya uli

"Alex. Princess" narinig kong sigaw ni Nina

Tinitigan muna ako ng masama ni Alex sabay tulak sakin at tumakbo palayo

May sinasabi sakin si Nina pag lapit nya pero di ko sya naiintindihan. Dahil mas naiintindihan ko etong puso ko na durog na durog

Ang sakit sa puso tuwing lumalayo sakin si Alex, at mas masakit na ako ang dahilan ng paglayo nya

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon