"Cess. Lambutan mo pa" "Cess. Tigasan mo naman"
"Cess. Nahuhuli ka" "Cess. Wag kang magmadali"
"Cess. Iangat mo to tapos eto yung ibaba mo" "Cess. Taasan mo pa talon mo"
"Cess. Tuloy tuloy mo lang" "Cess. Hindi yan yung step"Puta
Napapagod na ko. Pagod na legs ko, braso ko, leeg ko, buo kong katawan pati tenga ko. Lagi na lang akong mali
Pero kay Rose, wala syang sinasabi basta uulitin nya na lang uli yung steps hanggang sa magets na ni Rose
Ganun din kay Rodrigo at may kasama pang ngitian. Kainis talaga, sarap nilang pag-untugin dalawa
Mula sa right side, si Rose ang nasa dulo, next si Rodrigo, ako at nasa left ko si Alex
Putol putol yung steps namen dahil puro daw ako mali sabi ng magaling nameng choreographer
"ba yan Alex" ungol ko kay Alex. Tapos nilakihan ko ng mata si Alex at nakapamewang
Seryoso ata sa pagsasayaw sila Rodrigo at Rose dahil naririnig ko pang bumibilang silang dalawa
Nilisikan ako ng mata ni Alex at pinalo sa braso
"ano ka din" tapos pinalo uli ako ni Alex "wag mo kong titigan ng ganyan" ungol nya din sakin
Kainis tong babaeng to talaga
"ahhhhhhh. Time out" sigaw ko
Di ako makareklamo sa mga pahirap sakin ni Alex. Kaya tigil muna
Dito sa bahay nila Rose namen napagdisisyonan na magpractice
Nawiwierdohan kasi kame sa bahay ni Rodrigo at boring naman samen
Mula 3pm to 5pm lang kame every weekdays at 2pm to 5pm every weekends. Pero wala pa atang isang oras pag nagpapractice kame kasi halos kulitan at tambay lang ang ginagawa namen
Tama na samen yung ganung oras, tutal may one month pa naman kame, para hindi daw masyadong mapagod si Alex atsaka para may time pa daw kame sa iba pa nameng mga assignments
Actually sila lang yung gumagawa lagi ng assignments, mas gusto kong uminom at maghanap ng chicks
"oy oy oy anong kaguluhan to? Alam kong maganda ako, relax lang mga fans" biglang sulpot ni Barbie dito sa gym tapos umupo sa tabi ni Nina sa sofa
"dumating na ang pilingera. Lakas ha" sabi ni Nina at ngumisi
Lahat kame uminom ng tubig pag tigil namen
Umupo sa lapag si Rose at Rodrigo. Nakatayo lang ako at nakasandal sa malaking salamin. Umupo naman sa tabi ni Barbie at Nina si Alex
"tse. Nagsasabi lang ako ng katotohanan at alam ng buong mundo to no" Sagot ni Barbie
Sa tabi ni Nina nakalagay yung chocolate kisses na dala ni Rodrigo. Kumuha si Barbie ng isa at hinagis nya sa mukha ni Nina
Dahil magkalapit lang sila kaya tinamaan sya sa ilong tapos gumulong papasok sa loob ng damit ni Nina. At tumawa naman yung magbestfriend
"lakas ahh. Kapit ka lang baka malaglag ka sa paniniwala mo" tapos tumawa ng malakas si Nina at pinapagpag ni Nina yung damit nya para lumabas yung chocolate
Nung nakuha nya na, pinukol ni Nina din kay Barbie kaso nasalo naman ni Barbie kaya dumila si Barbie at pinukol uli kay Nina yung chocolate, kaso nakailag yung pinsan ko
Nagpapaluan naman na sila ng biglang nagsalita na si Rose
"wag ka ng makipagtalo Barbie sa ano na yan, sa lalaking walang titi na yan" sigaw ni Rose at tumawa ng malakas yung magkapatid

BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...