6 - Away Bati

49 3 0
                                    

Almost 1hour ng natapos ang klase namen pero andito pa din ako sa school, kasama si Rodrigo at Rose

Kanina pa namen tinetext at tinatawagan si Barbie dahil sya lang ang may contact kay Alex at alam namen na 3pm din ang out nya, dumadaan kasi minsan sya dito bago umuwi

Inabot na kame ng 5:10 pero wala pa ding Alex na nagpapakita

Lumipat na kame ng pwesto dito sa parking lot, minutes na lang hinihintay ko at iiwan ko na talaga sila

Maya maya pa, narinig namen sa kabilang bench na may tumatawag samen at paglingon ko nakita ko si Barbie na tumatakbo papunta samen

"wait" hingal na hingal si Barbie tapos umupo sa bench at pinunasan nya ng panyo yung mukha nya, basang basa sya ng pawis

"ginagago ba kame ng kaibigan mo" napapamura na ko, nakakinis kasi

Pinaghihintay kame sa wala

"hoy tumahimik ka" tinuro ako ni Barbie pero hinihingal pa din sya "kayo na nga yung tutulungan jan tapos mumurahin nyo lang yung tao"

"hindi ako nagmura" sigaw ni Rodrigo kaya tinitigan sya ni Barbie

"pero may reklamo ka din?" tumayo sya tapos tumapat kay Rodrigo

Natakot yung nerd kaya umiling lang sya

"Barbara. Tumigil ka nga" hinila ni Rose si Barbie sa kamay para sakanya naman humarap

"kayo ang tumahimik. Lalo na yan" tinuro nya kameng tatlo tapos nag end sakin yung daliri nya

Magsasalita sana ko pero inunahan ako ng ate nya

"2hours na kame dito Barbara. Niloloko nyo lang ba kame?" nagagalit na din pati yung ate nya

"umuwi na kayo. May mga assignments din na dapat tapusin si Alex kaya bukas na lang daw" tinignan kame ng masama ni Barbie at tinalikuran na kame

"ayos. Pinaghintay lang talaga tayo sa wala" sigaw ko pero hindi nya ko pinansin. Sumakay na sya sa kotse nya at lumabas na ng school

"puta. Kainis" kung hindi lang babae si Barbie, sinapak ko na yun eh

Tahimik lang si Rodrigo at may sinasabi naman si Rose pero hindi ko iniintindi kasi sumakay na din ako sa motor ko at umalis

Habang naka nila lola ako, pinayos ko yung motor ko, motor lang naman kasi ang kakasya sa street nila lola, at kaninang umaga dineliver

Atleast hindi na ko magcoocommute at mas mabilis ang byahe ko

Nakakabastos yung ginawa ng magbestfriend na yun. Gaganti talaga ako sakanila

Dahil badtrip ako, nag over speeding ako at wala akong sinunod na traffic lights

Maagang umuwi ata yung mga pulis kaya walang sumita sakin

Dumating ako sa bahay pero wala yung dalawang matanda

Nagdecide akong magluto na lang at para idestruct ko ang sarili ko. Halos puno ang ref kaya nakapagluto ako ng fried bangus, adobong babuy at pakbet. Ganado akong magluto kaya tatlong ibat-ibang ulam ang niluto ko

Naka off din ang phone ko,, ayaw ko ng kausap nagyon

7pm na nakauwi sila lola Tessie at lolo Fred. Nagtaka sila sa mga niluto ko dahil masyadong madami daw para sameng tatlo pero hindi naman sila nagalit

Pag tapos kumain, nag goodnight agad ako, naglinis ng katawan at natulog ako ng maaga, ayaw ko ng isipin yung mga nangyari kanina at magbabago na lang kame ng plano bukas, kesa asahan namen si Alex



CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon