Princess POV
"happy graduation" sigaw ni Nina. Pumatong sya sa kama at tumalon talon pa
Umungol ako at dumilat dahil sa liwanag "ang pangit mong alarm clock, alam mo ba yun?"
"inaantok ka pa nga. Dahil di ka pa nakakakita ng maganda" sagot nya
Huminga lang ako ng malalim at nagtalukbong uli ng kumot. Kahit anong okasyon ngayon, walang maganda sa umaga ko dahil 3days na kong hindi pa pinapansin ni Alex
Madaming beses ko syang tinext at tinawagan, gumamit na din ako ng ibang number at nagpanggap na mama nya pero nganga. Shes so stubborn
Pinipilit kong matulog uli pero hinila ni Nina ang kumot
"uy. Graduation mo ngayon, baka nakakalimutan mo.Tumayo ka jan"
"wala akong pake" sigaw ko. Kukunin ko na yung kumot pero hinagis sa labag ni Nina palayo sakin
"kung wala kang magawa, wag ako. Umalis ka dito" tinulak ko si Nina pero nakabalace agad sya
Papalapit uli sakin si Nina nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko
"Anthonina. Princess Precious" sigaw ni mommy
Umungol ako ng malakas at tumayo. Pasama ng pasama ang umaga ko. Kaya aalis na lang ako kesa ibuhos ko sakanila lahat ng galit ko
"san ka pupunta?" tanong ni mommy habang nagbibihis sa harap nila
"sa apartment ko" sagot ko ng mahinahon
"no your not. Pinag-usapan na natin to Precious. Kaya nga nandito ko eh"
Tumingin ako kay mommy ng masama. Naiirita ako sa sinasabi nya
"mom. Kayo ni daddy ang nag-usap. Di nga kayo nagtanong kung okay sakin" sa inis ko kaya napalakas ang boses ko
Bumukas bigla ang pinto at lumapit sakin ang galit kong tatay. Sabay takbo palabas naman ni Nina
"wag mong sisigawan ang mommy mo Princess Precious"
"hindi..." mangangatwiran pa sana ako pero umepal si mommy
"Precious. Richard" sigaw ni mommy uli. Lumapit sakin si mommy at tinitigan ako ng masama "stay here until tomorrow. And thats final"
Kainis. Matanda na ako pero rules pa din nila ang dapat kong sundin
Lumabas na si daddy pero huminto naman si mommy habang hawak ang pinto
Naku. May speech pa ata si mommy kaya pumasok agad ako sa cr
"bumaba ka na agad Precious. Sabay sabay tayong magbreakfast para makapaghanda ka na sa graduation mo" sabi ko na, may habilin pa sya
Pinacancel ko na yung reservation ko sa bar. Wala na kasi akong ganang magcelebrate ng graduation ko. Kung kinausap na ako ni Alex baka whole week or month ko pang irent ang buong bar
Sobrang laki ng effect sakin ni Alex. Mabilis akong magalit at kahit sino inaaway ko pati magulang ko. Hindi ko nga alam kung san ako huling sumaya. Kahit sa pagkain namen parang may kulang na pampalasa sakin
Lex😜☺: Congrats
Simpleng text ni Alex sakin pero feeling ko may fireworks dito sa loob ng room ko. Napapakagat labi na ako dahil di ko na mapigilan ang pagngiti ng malaki
9pm natapos ang graduation, saka ako nakarecive ng text galing kay Alex. At hanggang ngayong nakauwi na kame, tinititigan ko lang ang screen ng phone ko. Di ko alam anong irereply ko na mawawala ang galit nya sakin
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...