Ang saya saya ko dahil bati na kame ni Alex, may bonus pa dahil gusto nya din ako
Di ko alam kung kame na, wala naman syang sinabi na hindi basta gusto nya lang ligawan ko sya. Para sakin ikeclaim ko na girlfriend ko sya
"oh. Hello anak. Good morning. Dito ka natulog or pumunta ka lang?" nakangiti at kiniss ako sa pisngi ni daddy. Si mommy naman di ako pinansin at dumeretso sa upuan
Hahayaan ko muna si mommy kesa parehas kameng mabwisit. Kailangan kong magpakabait kahit magpaalila pa ko sakanya, wag nya lang ako isama sa Saudi
"dito ako natulog dad" at umupo na kame ni daddy "pogi mo ngayon dad. Nagpafacial ka ba?" pang-uuto ko
"what you want Precious. Wag mong utuin daddy mo" umepal bigla si mommy habang kumakain
"no. Pogi talaga daddy ko. Kaya mo nga napangasawa ehh" tuwang tuwa ang daddy ko kaya umapir pa sakin
Tumingin samin ng masama si mommy kaya napatigil kame pero tumatawa pa din ng mahina
"ikaw din nagluto? Whats new?" daming apela ni mommy, ayaw na lang kumain ng kumain
"oo nga Cess. Sarap neto ah. Mana ka talaga sakin" nagsasalita si daddy kahit may laman ang bibig kaya umungol ng malakas si mommy
According kay mommy, parehas kame ng timpla sa pagluluto ni daddy. Ang pinagkaiba, madaming alam si daddy lalo na sa pasta
"of course seahorse. Parehas tayong magaling, parehas din tayong gwapo at maganda" tinaas taas ko pa yung kilay ko
"ha? Seahorse?" nakanganga si daddy sakin habang naghihntay sa sagot ko
"ahm sea ahm. Scissors tama gunting dad. Pahiram ako mamaya, may gugupitin lang ako" nahahawa na ko kay Nina sa gay lingo nya
"ahhh" nakakatawa si daddy. Di ko alam kung ngingiti sya o sisimangot "ahm Cess. Napansin ko, laging motor ang gamit. What happened to your car?" patay. Binenta ko na yun para sa apartment ko
"ahm dad ahm. Mas mahal ko kasi yung baby ko kaya sya gusto kong gamitin" hindi nila dapat malaman kung anong ginawa ko sa sasakyan ko
"ahm. Bago ko makalimutan" good, naiba din ang usapan "Samahan nyo kong dalawa mamaya. Bibilan ko ng kotse si mama Tessie" galenta talaga ang daddy ko. Iniispoiled nya lahat ng malapit sakanya
"kayo na lang. Mgkita na lang tayo kanila mama" ang sungit ng mommy ko. Iniwan nya kame ng daddy purkit tapos na syang kumain
Kahit anong sungit nya, titiisin ko maiwan lang ako dito. Gusto ko silang kasama pero ayaw ko ng pagcontol nila sakin
Nauuto ko lang ang daddy ko dahil gusto ko din ang hilig nya, ang maging wild and free. Pero si mommy, gusto atang magmadre ako
"surprise" sumigaw kame ni daddy pagbukas ng pinto ni lola Tessie
"nagulat ako" sabay palo ni lola sa balikat namen ni daddy. Tumawa kame at nagbless sakanya
"surprise to lola. Sayo tong sasakyan" tumabi ako sa honda van para makita ni lola
Pumalakpak at tumili naman yung family ni Nina na nasa loob ng bahay
"bat bumili pa kayo nito Richard, Rose? Wala akong parking" maluwag naman yung harap ni lola pero halos masakop na ng halaman
"maluwag pa po sa taas lola, natutupi yan" tumawa ng malakas ang lahat sa sinabi ko
"niloloko mo pa ko" at pinalo ako ni lola uli "sinong magdadrive naman neto? Di kame marunong ni Fred. Atsaka hindi naman kame umaalis"

BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...