30 - Gusto kita

38 3 0
                                    

Alex POV

"Lex. May costumer ka" sabi ng manager namen pagpasok nya sa stock room

"po? Costumer sir?" pagtataka ko

"oo. Tapos ka na ba jan sa ginagawa mo?" tinuro ni sir John yung box at folder sa tabi ko. Tumango lang ako dahil tulala pa ko sa sinasabi nya "good. Tara labas na jan"

"okay po" di ako pwedeng sumaway dahil manager ko yun

Hinubad ko ang apron ko at inayos ang tali ko sa buhok habang papunta sa counter

"ayiiih. May bisita si Alex" pang-aasar ng mga katrabaho ko

Napakunot noo ako dahil di ko alam kung anong sinasabi nila

Tumingin ako sa paligid para hanapin kung sinong tinutukoy nila. Konti lang cotumer kaya madali kong nakita ang maganda pero nakakabwisit nameng costumer

Buti naman naisipan nyang umupo sa tabi ng bintana. Pero nakakahiya pa din dahil inaasar ako ng mga katrabaho ko

"Ahm hi Lex" nakangiti si Princess at tumayo

"bat nandito ka?" bulong ko. Nararamdaman kong mainit na mukha ko dahil naririnig ko pa din yung mga katrabaho ko

"ahm. Gusto kong makita ka" maamo nyang sabi

"ayaw kitang makita. Pwede bang umalis ka na" pero kabaligtaran ang nasa puso ko. Miss na miss ko na si Princess pero sana sa ibang lugar, ayaw ko dito kame magkita

"Lex kasi. Ahm" nakatingin lang sakin si Princess at tumahimik. Nakokonsensya ako dahil ang lungkot ng mukha ni Princess pero baka mapahiya kame parehas dito

Dumaan ang manager ko at nakita kong nakatitig sya sa dibdib ni Princess

Napakagat labi ako dahil nahihiya ako sa ginagawa ng manager ko at naiinis ako dahil di nakabotones ang polo ni Princess kaya nasisilipan sya

"ibotones mo nga yan kung ayaw mong sirain ko yang damit mo" bulong ko

"wag mahal to" nakangiti sya sakin habang binobotones ang blouse nya

"wala kong pake" sumimangot sya uli sa sinagot ko

"Alex. Kasi may..." tinitigan ko ng masama si Princess kaya iniba nya ang sasabihin nya "ahm. Oorder ako kaya nandito ko" iniwan nya akong nakatayo at pumunta sa counter

Wala na kong gagawin sa stock room kaya magpupunas na lang ako kunwari. Pero ang totoo babantayan ko si Princess

Kahit ipahiya nya uli ako basta bantayan ko lang uli yung damit nya. Ayaw kong may nangmamanyak sakanya

Mabubutas na ata tong lamesang pinupunasan ko pero di pa din tapos umorder si Princess, panay din ang ngiti kay Princess ng mga katrabaho ko lalo na ng manager ko. Mahigpit na ang hawak ko sa basahan dahil sa inis

"bye" kumaway pa sakin si Princess habang palabas ng cafe

Tulala lang ako dahil di ko alam kung anong nangyayari. Pagtapos nyang makipag-usap sa counter ng matagal, aalis na sya ng walang dala. Anyare?

Sinilip ko si Princess sa labas pero nakaalis na sya sakay ng motor

Kung ano mang ginawa nya sana mapayapa tong araw na to. Sana di na sya bumalik dahil ayaw ko ng tinititigan sya dito na parang hinuhubaran baka mag-away uli kame dahil don

"Alex. Oh baka maiwan mo to" pagtawag sakin ng manager ko. Inabot nya sakin ang 2 bags na take-out

Maghapon kong di masyadong kinikibo ang manager ko dahil sa panghahalay ng mata nya kay Princess. Puro lang ako tango at iling sakanya pagkinakausap ako hanggang ngayong pauwi na ako

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon