PRINCESS POV
"cr lang ako" pag papaalam ko kay Paula at Emily
"sabay na ko" sabi naman ni Emily
"hindi" pinigilan ko agad si Emily "samahan mo muna si Paula dito baka agawan tayo ng pwesto eh" pangangatwiran ko habang kinakalas yung kamay ni Emily sa braso ko
"kaya na ni Paula yan" tapos tumingin kame kay Paula "Pau..." may sasabihin sana si Emily pero sumingit agad si Paula
"next ka na lang Ems" sabay kindat sakin ni Paula
Okay nagets ko na. Tinutulungan ako ni Paula na makatakas sa linta na to. Kaya kumindat din ako
"sasabay na ko para.." pangungulit ni Emily
"tayo na lang magsabay" sabay hila uli ni Paula kay Emily "may ikukwento kasi ko sayo bout kay Princess" magkatitigan na sila kaya unti unting lumuluwag yung pagkakapit sakin ni Emily. Kaya hinatak ko agad braso ko sabay lakad ng mabilis
Naririnig kong tinatawag ako ni Emily pero di ko sya pinapansin
Si Nina and Paula ang nakakakilala talaga kay Emily pero ng ipakilala ako nung dalawa, di na ko tinantanan ni Emily
Di na ko pinansin ni Nina dahil busy sya kay Bella sa paglalandi. Si Paula naman pinagtatawanan ako every time na lumilingkis sakin si Emily
Matagal tagal na din kameng di nagkikita ni Paula kaya nagsama sila ng iba pang friends para di daw sila ma-o.p kung wala ako
Nagchachat kame ni Paula pero sobrang bihira lang dahil busy na sya sa pagmomodel nya sa company ng tita nya. At ako tinatamad kasi ako palagi and madalas akong nasa barkada para makipag-inuman pero walang babae
Kaya eto masaya ako kasi may alak kahit nakakabwisit dahil nakita ko nanaman si Alex
Nakita ko syang papuntang cr kaya magpupunta muna akong kusina para uminom ng tubig
"uy. Ano na, di mo na kaya" tanong ni Jomar na barkada namen. Andito din sya sa kusina at umiinom ng redhorse
Tinitigan ko sya at ngumisi "hmmm. Relax lang, may mapapala ba ko pag-inubos ko lahat ng alak"
"meron. Ikaw ang mabubusog satin dito" sagot nya din ng may kasamang tawa
Tropa ko din si Jomar pero minsan ko lang sya makasama dahil may times na ang pag-iinom nya ay sinasamahan nya ng drugs at nirerape nya ang mga babaeng mapagtripan nya
"uy. Umayos ka dito ha, alak lang ang punta natin dito, walang iba" pag-uutos ko kay Jomar
"alam mo, sinabi mo na yan sakin kanina tapos sinabi na din ni Nina at Paula" tapos lumapit si Jomar sakin at umakbay "pag may plano kayong ulitan yan, magsabay sabay na kayong tatlo tapos lagyan nyo ng tono para masarap naman sa tenga ha" bulong sakin ni Jomar
"sige tapos ikaw gagawin kong tambol. Tatambulin kita hanggang mamaga yang katawan mo" pagsusungit ko. Tapos pinalo ko yung braso nyang nakapatong sakin para matanggal
"aww. Sweet mo naman" sabi nya ng may nakakaasar na ngiti at nakahawak pa sa puso nya na parang naiihi pa sa kilig
"hehe nakakatawa ka" sabay tulak ng mahina kay Jomar "lumayo ka nga sakin" lumayo nga sya at palabas ng kusina
"sige ikaw na lang ang lumapit sakin ha. Wait lang, jingle lang ako" kumaway pa sakin sabay alis
Minsan nakakapikon talaga si Jomar pag nalalasing, madalas manyak
Umiling lang ako at lumabas na din ng kusina. Balikan ko na lang sila Paula at Emily. Bahala na kung anong gawin sakin ni Emily, magbugbugan na lang kame pag sumobra na sya
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...