12 - Hindi Ko Alam

33 2 0
                                    

Alex POV

"Alexandra. Alexandra" ahh ang sakit sa tenga

Wala nga ko samen pero feeling ko andito yung nanay ko

Tinatakpan ko yung tenga ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni Barbie. Nung nakapasok ako sa kwarto, dumeretso agad ako sa wardrobe nya tapos nilock ko

Ang ingay kasi ni Barbie. Andami nyang tanong nung iniwan kame ni Princess sa gym

Hindi ko din kasi alam kung anong sagot sa tanong ni Barbie kaya hindi ko nalang sya pinansin nun

"Alexandra. Sagutin mo ko" sigaw pa din ng sigaw si Barbie sa labas ng wardrobe

"Barbara naman. Hindi ko alam" nagpapalit ako ng damit dahil basang basa sa pawis yung damit ko dahil sa kakasayaw

Dahil andito ako kanila Barbie, damit nya ang susuotin ko

"ano ka, nawalan ng malay ng nakatayo?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi talaga alam kung anong nangyari talaga nun kaya wala akong isasagot kay Barbie

Hindi ko din alam kung bakit wala akong ginawa. Bakit hinayaan ko lang si Princess na hawakan ako at lumapit sakin ng ganun

Hindi ko naman crush si Princess, kahit katiting wala akong nararamdaman sakanya

Tapos inis na inis pa nga ko sa kanya lalo na pag inaasar nya ko

Atsaka lalaki ang gusto ko

Lumabas na ko ng wardrobe at nakita kong nasa bintana si Barbie kaya humaripas na ko ng takbo pababa ng bahay nila

Alam kong hindi tamang taguan si Barbie pero ayaw kong tanungin nya ko ng mga kung ano ano tungkol sa nakita nya sa gym

Basta nangyari na lang yun

Hindi ko alam kung intensyon ni Princess yun basta ako wala akong idea kung bakit wala akong ginawa

Ang laki ng bahay nila Barbie, kaya lalo akong nahihirapang maghanap ng tataguan, yung hindi ako mahahalata na napapraning

Katatakbo ko nakita ko si ate Rose na naglalakad papunta sa kusina. Sinusundan ko sya at hindi nya alam yun

Hindi ko din alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ako makaisip ng matino

Asar talaga. Nakakainis, hindi ko alam kung pano magpapaliwanag kay Barbie

Alam kong naiinis na sakin si Barbie at lalo pa syang magagalit dahil wala akong sinasabi sakanya

Nakayuko lang ako at nakatingin sa paa ni ate Rose na naglalakad, kagat kagat ko yung lower lip ko at salubong ang kilay

Pagpasok ni ate Rose sa kusina, saka nya lang ako napansin

Tumingala ako at nginitian si ate Rose, nginitian lang din ako ni ate Rose dahil may kinakain pala syang chocolate, malamang yun yung dala ni Rodrigo

Nakita din namen sa kusina si manang Lyn na nagluluto

Lumapit si ate Rose kay manang Lyn at may sinabi sya, hanggang sa tumulong na sa pagluluto si ate Rose

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Basta nakatingin lang ako sa mga kamay nila at mga ingredients na nasa lamesa

Wala akong alam sa pagluluto kaya nakaupo lang ako at hanggang tingin lang. Pero yung isip ko nasa gym pa din

Nagpatugtog ng malakas si ate Rose sa kusina na halos dinig ata sa buong bahay

Kauumpisa lang ng tugtog ng biglang humina yung volume

Tinignan ko agad yung kamay ni ate Rose na may hawak na takip ng kasirola at sandok, si manang Lyn naman kutsilyo at karne ng manok ang hawak.

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon