Princess POV
Natakot ako dahil nahimatay si Alex habang inaaway ko buti na lang nasalo ko sya bago bumagsag sa inuupuan nya. Humihinga pa naman sya pero mainit ang katawan
Binuhat ko agad sya at pinahiga sa kama ko. Di ko alam anong gagawin ko kaya tinawagan ko agad si lola
"bumili ka agad ng gamot tapos magluto ka ng may sabaw"
"okay la" sagot ko habang nakaupo sa tabi ni Alex
"bat nagkaganyan ba si Alex, Princess? Napagod ba? Madami ka sigurong pinagagawa kay Alex. O binubugbog mo sya? Princess" sigaw ni lola. Nainis ako dahil pinagbibintangan ako ni lola
"tang..." napahinto ako sa pagmumura dahil si lola pala kausap ko "nabasa kame ng ulan" naririnig kong nagrereklamo si Nina pero ayaw kong intindihin "lola, sige na, bye na. Magluluto na ako" sabay patay ng phone
Si lola ang mapagkakatiwalaan ko ngayon kaya sya ang tinawagan ko. Wala din kasi akong alam sa pag-aalaga, lalo na ng may sakit
Kung hindi ko lang mahal tong taong to baka sinoli ko na sya sa magulang nya. Pakelam ko
-
"Lex... Lex... Gising ka muna Lex" ang hirap nyang gisingin. Di ko alam kung dahil sa sakit nya or ganito talaga sya
Hhhhmmm
Umungol na si Alex at dumilat. Sumimangot sya bigla at hinawakan ang ulo"sorry kung ginising kita. Kailangan kasi kitang gising para makakain ka. Kanina ka pa walang kain eh. Kumain ka muna tapos uminom ka naman ng gamot. Nagluto ako ng tinolang manok tapos bumili ako ng gamo..." napahinto ako sa sinasabi ko dahil nakatitig sakin ang maamo at mapupungay na mata ni Alex
"bat nandito ako?" bulong nya habang nakatitig sakin
"ahm. Dinala kita dito" sagot ko agad
"sorry" nagiguilty ata sya dahil sa nangyari
"okay lang. Kain ka muna?"
Kumalam muna ang tyan ni Alex sabay yuko. Nahiya agad sya pero natural lang naman yun dahil hindi pa sya kumakain
Dahan dahan kong inalalayan si Alex para makaupo at nilapag ko sa lap nya yung pagkain. Di nya na ko pinapansin, tahimik lang syang kumain
Nang matapos sya sa pagkain, yung gamot naman ang inabot ko sa malambot nyang kamay
"ubusin mo yang tubig para mawala na lagnat mo. Masarap ba yung luto ko?" tumango naman si Alex pagtapos nyang uminom ng gamot "good. Bukas nilagang baka naman para may sabaw uli ha?" at tumango uli sya sabay yuko "wag ka ng mahiya Lex. Kailangan mong kumain ng masasabaw para gumaling ka. Nabasa ka ng ulan kanina kaya ka siguro nilagnat. Atsaka buti na lang dumating ako agad kung hindi..." napahinto uli ako dahil nakatingin nanaman sakin si Alex at nakangiti pa
Ang ganda nya talaga sa malapitan lalo na pagnakangiti "bakit?" pagtataka ko
Yumuko uli sya at umiling. Wala pero nakangiti sya
"nakalimutan ko tuloy kung anong sinasabi ko" sabay tayo at kinuha ko na yung tray na pinagkainan ni Alex "basta pag may kailangan ka, tawagin mo ko ha. Wag kang tatayo mag-isa, masama pa pakiramdam mo. Nasa labas lang ako. Kung gusto mo pang kumain, magluluto pa ko, ha?" nakangiti lang sakin si Alex pero walang sinasabi "sumagot ka naman. Di ka naman ata nakikinig sakin eh. Pano ka gagaling nyan kung di ka makikinig?" at tumango na si Alex
"alam kong kaya mo ang sarili mo pero may sakit ka ngayon kaya ako muna ang kikilos" nagsasalita ako habang palabas ng kwarto, bitbit ang tray "tawagin mo ko ha. Maghuhugas lang ako, babalik ako" lumingon uli ako kay Alex at tumango naman sya
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...