16 - 7 11

28 2 0
                                    

Princess POV

"puta. Inabutan pa ng ulan. Ginabi na nga tayo, inulan pa" reklamo ni Nina

"Nina. Pwedeng tumahimik ka. Para kang pwet ng manok, putak ng putak" nakakainis na kasi gusto ko ng magpahinga, tapos ang ingay pa netong pinsan ko

Nakikisilong kame ngayon ni Nina sa saradong tindahan. Wala na ding tao sa paligid, mga maaga ata natutulog dahil weekdays din kasi

"nagugutom na kasi ako" humarap sakin si Nina at nilakihan pa ko ng mata

"magtiis ka nga lang. Ipagluluto kita sa bahay. Napaka reklamador mo" kainis to, magkakaron pa ko ng trabaho

"hindi ko na matitiis. Ayun o sa tapat 7 11"

May tinuro si Nina, at ayun nga sa kabilang kalsada. Kaso mabibitin lang kame

Magrereklamo sana ako kaso biglang hinaltak na ko ni Nina "tara na"

Puta

Sumugod kame ng ulan agad. Hindi nya man lang ako tanungin kung gusto ko o ayaw ko

"gago ka Nina. Pag yung motor ko ninakaw dun, papatatin talaga kita" pananakot ko

Binitawan agad ako ni Nina pag pasok namen sa 7 11, at nilayasan ako

Lagot ka talga sakin Nina ka pag nawala motor ko

Paglingon ko sa left side may mahabang lamesa at mga bangko

Ayos dito, atleast hindi na ko nakatayo at naka aircon pa ko. Umupo agad ako at dito nag-aksaya ng oras

Hinayaan ko lang si Nina, tutal sya lang naman yung gutom

Sana lang tumahimik na sya pag nabusog

Maya maya lang lumapit na sakin si Nina at may bibit na dalawang siopao at dalawang royal. Good, atleast inisip ako neto

Paupo na si Nina ng biglang may mga batang palaboy na nagtatakbuhan palabas ng store

Ha? San galing yung mga yun?

Nasa tabi ko lang yung pinto pero hindi ko man lang napansin na pumasok sila

Hindi ko nabilang kung ilan sila pero yung dalawa sa mga bata, nabunggo si Nina

Napaatras si Nina at may nabangga din si Nina na magjowa ata na umiinom ng coke in can

At isang ale na nasa 40 to 45 years old na may hawak naman na one gallon na chocolate ice cream

Nahawakan ko yung pagkain namen ni Nina

Pero yung sofdrink ng magjowa, nabuhos sa batang lalaki na katabi ng ale

Nabunggo din sa ulo ng bata yung ice-cream kaya nalaglag din sa sahig yung icecream, natanggal yung takip at tumaob

Kawawang bata, nabuhusan na nabukulan pa ata

Actually ang cute nya, tumawa pa kasi sya at ang taba taba nya

Pero nung nakita nya yung icecream. Tinignan nya yung ale at sumimangot. Para syang iiyak pero pinipigilan nya

Nahihiya siguro sya dahil ang dami namen dito sa tindahan

"ano ba. Atras ng atras" sigaw kay Nina nung babaeng may-ari ng coke

Tumayo agad ako. Nanlaki yung mata ko dito sa babae. Tapos ang sama din ng tingin samen nung lalake

Gago pala tong mga to

"hoy. Nakita mong may mga nagtulakan diba?" sigaw din ni Nina sa babae

Gumitna na yung guard ng store at pati yung dalawang cashiers para awatin si Nina at yung magjowang gago

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon