14 -Mga Epal

31 2 0
                                    

"dahan dahan lang kasi" bulong ko kay Alex

Ayaw ko kasing iparinig kay Nina na nagrereklamo ako dahil tawa lang sya ng tawa sa mga ginagawa ko

Ayaw kong awayin si Alex at gusto ko talagang matutong sumayaw para pumasa ako. Napapansin kong malungkot si Alex

"okay. Kamay muna tayo ha. Ayos ba sayo?" mahinahon si Alex ngayon, kakaiba talaga

Kame na lang nila Nina, Alex at ako ang nasa gym

Nagpaextend ako dahil kahit isang steps wala pa kong magets. Baka mas kailangan kong solo at pumayag naman si Alex at Rose

"okay okay Lex go" sabi ko tapos ng funny face ako. Nakita kong ngumiti si Alex kaya ngumiti din ako

Madali lang naman yung mga steps namen kaso pag pinagsasama sama na, nalilito na ko

"ahhh. Wait wait Alex. Nalilito ako" nakita kong biglang sumimangot si Alex kaya pinindot ko yung bewang nya

Alam ko kasing may kiliti sya dun, at nakita ko ngang nagulat sya sa ginawa ko "uy Alex?"

"hhmm?" nilakihan nya lang ako ng mata. Ahhh kainis

"nangyayari sayo?" tapos tinignan ko sya ng masama

Nakakainis na kasi yung pananahimik ni Alex "ayaw mo ba kong turuan?" baka kasi may problema talaga to sakin

"ha?" ay naku asar talaga

"kailangan ko na bang umuwi? Sabihin mo lang kesa nagmumukha akong tanga" binubulong ko lang sakanya pero gustong gusto ko syang sigawan o murahin kaso alam kong iiyak nanaman to

"hindi Cess" umiling sya tapos huminga ng malalim at nagsalita uli "okay game, ulitin natin" tapos hinawakan nya ko sa kamay

Hinihila nya ko pero mas malakas ako sakanya kaya ni hindi man lang gumalaw yung paa ko

"ayaw ko na Alex" tumingin ako kay Nina pero hindi namen namalayan na tulog na pala ang loko

"sorry Cess. Sige na, aayusin ko na" sabi nya tapos kinakagat nya yung lower lip nya

"hindi na. Ayaw ko na din Alex" hinihila ko yung kamay ko pero ayaw nya kong bitawan

Gusto ko ding lakasan yung paghila kaso si Alex naman yung masasaktan

"sorry Cess" hawak nya pa din ako tapos nakayuko sya

"napapano ka ba kasi?" inangat ko yung ulo nya para makita ko yung mukha nya

Nakita kong umiiyak na pala sya "puta" hindi ko na napigilan

Pikon na pikon na ko

Umiyak pa sya lalo nung nagmura ako. Tang-ina, anong gagawin ko ba dito

Huminga ako ng malalim tapos inakap ko si Alex. Hindi nya ko yinakap pero umiyak lang sya sa dibdib ko

Asar talaga

Ako nanaman siguro kaya umiiyak to

Kanina nung dumating sila ni Rodrigo ang saya saya nya naman hanggang nung umalis si Rodrigo

Kaya nga gusto ko syang asarin kasi yung lagi kong trip, ang sirain ang araw nya pero hindi yung paiyakin sya

"sshhh. Alex. Lex. Lex" paulit ulit kong tinatawag si Alex pero tuloy lang sya sa pag-iyak

Alam ko naririnig nya naman ako, ayaw nya lang magsalita

Huminga na lang ako uli ng malalim at nagsalita "Lex. Sige na sabihin mo na kung anong problema. Kung hindi ako yung may kasalanan, sige lang umiyak ka ng umiyak hanggang sa malunod tayong dalawa. Pero kung dahil sakin, please Alex, ipaalam mo sakin" mahinahon lang ako dahil gusto ko talagang malaman kung bakit sya umiiyak

CONFIRM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon