Alex POV
Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Umuungol ako habang hawak ang ulo kong kumikirot
Parang pagod din ang katawan ko, binugbog ata ako. Dumilat ako at tumingin sa bintana. Madilim na sa labas at di ko pa kilala yung bintana
"Alex? Okay ka lang? May masakit sayo? Saan?" biglang sulpot ni Princess at umupo sa tabi ko
sunod sunod ang tanong nya kaya lalong sumakit ang ulo. Umungol lang ako at umupo sa kama
"dahan dahan. Tatayo ka ba?" hinawakan nya ako sa kamay para alalayan
tumingin lang ako sa paligid "asan tayo?" naalala ko yung nangyari sa cafe pero pagtapos nun, wala na akong alam
"... apartment ko" bumulong nya
Di ko narinig kaya inulit ko "ha? Apartment mo?" tumango lang sya pero di pa din ako sure "apartment mo to?" nanlaki ang mata ko "andito tayo sa apartment mo?" sigaw ko. Tumayo si Princess,di ko mapinta ang mukha nya
"ahm. Kasi ahm kaya ka tayo ahm" di ko magets yung sinasabi nya kaya angsalubong ang kilay ko. Biglang kumalan naman ang tyan ko
"wait lang ha" yumuko ako bigla dahil nakikigulo naman tong tyan ko
Umalis sa kwarto si Princess, di naman sya nagtagal dahil bumalik sya na may dalang tray na may sopas, saging at tubig
"kain ka muna Lex" umupo uli sa tabi ko si Princess at nilapag sa harap ko ang tray
Di ako sumagot, nilayo ko yung pagkain para makatayo ako pero hinawakan ako ni Princess sa balikat kaya di ako makatayo
"Alex, kailangan mong kumain. 10pm na, wala pang laman ang tyan mo" bulong nya sakin at lumapit pa sya
"ayokong kumain" mahina ang boses ko pero madiin
"ahm sige. Mamaya na lang?" ngumiti sakin si Princess, nilagay nya yung tray sa drawer sa tabi ng kama kaya nakatayo ako
"ayoko ngang kumain" tinaasan ko ang boses ko dahil sa galit pero naguilty agad ako, lumungkot kasi ang mukha ni Princess "uuwi na ko" inaayos ko ang buhok ko habang hinahanap ang sapatos ko
"hindi ka uuwi Alex" tumayo na din sya sa tapat ko
Di ako nagsalita basta inisnob ko na lang sya at naglakad palabas ng kwarto. Kahit wala akong sapatos, makakauwi ako
"madilim na Alex. Dito ka muna" hinawakan nya ang braso ko para pigilan
Pinipilit kong tanggalin yung kamay nya pero malakas sakin si Princess "bitawan mo ko. Ayoko dito Princess. Uuwi na ko" sigaw ko dahil naiinis na ko
Binitawan ako ni Princess pero sinara lang ang pinto at humarang "ayaw mo dito? Or ayaw mo sakin?"
Tinitigan nya ko pero di ko sya sinagot. Di ko alam sasabihin ko kaya pinipilit ko na lang syang itulak
"magsalita ka Alex. Ano? Ayaw mo na sakin? Sabihin mo lang, ako na mismo maghahatid sayo" hinawakan ni Princess yung damit ko at hinila papalapit sakanya "hinding hindi na kita kukulitin. Wala ka ng makikitang Princess. Ano? Ayaw mo sakin ha?" sinigawan nya ako sa mukha. Napapikit ako pero naamoy ko ang mabango nyang hininga
Di pa din ako nagsasalita. Nagagalit ako kay Princess pero di ko kayang mawala si Princess. Di ko alam isasagot ko dahil natatakot ako na baka mali ang desisyon ko
Maya maya lumuwag ang pagkakahawak sakin ni Princess. Dumilat ako at tumingala sa mga mata nya. Mata nyang namumula at lumuluha
"Alex. Kala ko ba gusto mo ko? Bat tinutulak mo ko palayo? Kung anong problema, ayusin natin to Alex. Please. Ibalik natin yung dati, nung masaya tayo"

BINABASA MO ANG
CONFIRM
Storie d'amoreMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...