Alex POV
Tama si lola Tessie, dapat di ako nagpapadala sa mga negative. Dapat kung maykahinaan ako, magsumikap ako para maging matatag
Umiyak lang ng umiyak si Princess kay Nina at ng makatulog si Princess, umuwi na din sila. Naiinis ako kasi ako ang dahilan ng paghihirap ni Princess
Di ako masyado nakatulog, di ako sanay. Sa bahay namen at kanila Barbie lang ako sanay
Bigla ko tuloy naalala uli ang bestfriend ko. Kamusta na kaya sya, miss na miss ko na ang bestfriend ko. Araw araw ko pa din kinocontct si Barbie baka sakaling maawa na sya sakin. Tinutulungan na din ako nila ate Rose at Rodrigo, lagi nila akong binabanggit kay Barbie pagkausap nila pero wala daw syang sinasabi
Sa ngayon, ang sarili ko muna ang iintindihin ko. Magpapakatatag ako para kaya ko ng ipaglaban ang taong mahal ko, at para masagot ko na ang mga tanong ni Barbie
Sa sofa lang ako natulog, sanay naman ako kahit sa sahig pa ko matulog, di ko kasi alam kung dapat kameng matulog sa isang kama ni Princess. Baka lumala pa
Pumunta muna ako sa kwarto, sinilip ko si Princess. Nakatalikod sya at mukhang tulog pa. Lumabas uli ako at pumunta sa kusina. Di ako marunong magluto, buti na lang may tirang sopas kagabi. Di pa panis kaya ininit ko na lang. Mahilig sya sa kape kaya nagtimpla din ako at choco milk naman sakin, nagextra pa ko ng tinapay
Pinagtanggol ako ni Princess sa cafe kaya babawi ako sa kanya ngayon. Aalagaan ko sya dahil gusto ko din
Tulog pa din sya pagpasok ko ng kwarto. Nilagay ko ang tray na may pagkain sa drawer saka ako tumingin kay Princess. Ang ganda nya talaga para syang baby, ang kinis ng balat nya na mamula mula pa. Napakagat labi ako, kung di kame magkakatuluyan netong magandang to, iyak tawa talaga ako
Gumalaw si Princess kaya bigla akong namula. Kala ko magigising na sya pero humiga lang sya at ingat ang kamay. Naguilty ako dahil nakita ko ang kamay nyang namamaga at may mga sugat, napansin ko din ang leeg nyang may pula. Walang sugat yung leeg nya kaya ang naisip ko kiss mark yun
Sumikip ang dibdib ko. Di ako ang naglagay sakanya dun at lalong di gagawin ni Nina sakanya yun. May padrama pa syang alam pero nagpapalagay naman sya ng kung ano ano sa leeg nya
Kahit naiinis ako kay Princess nilinisan ko pa din ang kamay nya. Pinunasan ko muna ng towel na may maligamgam na tubig, naglagay na din ako ng alcohol sa bulak ng biglang umupo sa kama si Princess
"Alex. Ahm okay na ko" nilayo nya ang kamay nya at namumutla na ang mukha nya
"kanina ka pa gising?" nagulat kasi ako, ang bilis nyang kumilos. Hindi makatingin sakin si Princess kaya nainis ako. Tinalsikan ko ng alcohol ang kamay nya. Takot pala sya sa alcohol
"Alex, sorry. Aray tama na" nakatayo na kameng dalawa sa kama. Kakahabol ko sakanya, nahulog ako. Tumama ang pwet ko sa sagid kaya umungol ako "Alex. San masakit?" bumaba si Princess sa kama at hinahawakan ako sa balikat pero tinatanggal ko naman
"wag mo kong hawakan" hawak ko ang pwet kong masakit "gamutin mo sarili mo jan tapos kumain ka na" sigaw ko
"Alex" di ko sya pinansin. Dahandahan akong tumayo "ahm tara sabay tayong kumain"
"ayoko. Ubusin mo lahat yan" at lumabas na ako ng kwarto. Asar sya, sakit tuloy ng pwet ko
Gutom na din ako kaya sa kusina ako kumain. Inubos ko yung sopas baka kasi mapanis, sayang masarap pa naman. Yaman talaga ni Princess, ganda ng apartment nya, daming gamit at madaming pagkain
Patapos na akong kumain ng sumulpot si Princess. Dumeretso sya sa lababo, kala ko ilalapag nya lang yung pinagkainan nya pero parang maghuhugas pa ata sya
Hinigop ko na yung mangkok para mabilis, pumunta agad ako sa lababo sabay tulak kay Princess
"alis jan" at sinimulan ko ng maghugas
"bat palagi mo na lang ako pinalalayo?" nararamdaman kong nasa likod ko pa din sya
"oa mo Princess. Namamaga yang kamay mo, may sugat pa. Kaya tumahimik ka" pagtataray ko
"bahay ko to Alex. Bat ako ang pinapatigil mo. Gagawin ko kung anong gusto ko" nagulat ako dahil sumigaw na sya
"wait lang Princess. Matatapos na ko dito, maghintay ka" kainis na sya. Ang kulit eh
Pagtapos ko maghugas ng plato, kinuha ko yung kutsilyo. Nakaupo sa lamesa si Princess kaya nilapag ko sa tabi nya yung kutsilyo, lumayo sya dahil sa takot
"oh. Yan putulin mo na lang yung kamay mo" sigaw ko
"bat ko naman gagawin yon? Ano ko timang?" pagtataka nya
"kesa pahirapan mo kame pag lumala yang kamay mo" tulala lang si Princess "ano? Ako na lang gagawa. Akin na kamay mo" kinuha ko yung kutsilyo at nilahad ko naman yung isang kamay ko
"makasugat ka" inigaw nya sakin yung kutsilyo at binalik sa lalagyan "pag ikaw nasugatan, parehas tayong kawawa kay lola" lumapit sya sakin at dinuro ako
Wala akong pake sa pananakot nya. Tinarayan ko sya ng mata at pumunta ako sa sala. Di ko pa pala naliligpit yung hinigaan ko
"dito ka natulog?" sumunod pala sya sakin "ang laki ng kama sa kwarto" sigaw nya
"sabi mo nga, bahay mo to, ibigsabihin hindi sakin to. Hindi saking kwarto yun, sayo yun kaya ikaw ang gagamit" tuloy pa din ako sa pagtutupi ng kumot. Buti na lang may unan na sa sofa kaya kumot lang ang kinuha ko sa kwarto
"tigas ng ulo mo Alex"
Humarap ako kay Princess at ngumiti lang, sabay upo sa sofa. Nagngitngit ang maputing ngipin ni Princess at pumasok ng cr
Kahit na magalit sya. Di ko sya iintindihin lalo na kung mali na gingawa nya
Masakit pa ang kamay ni Princess kaya ako muna ang kikilos dito. Doble ang laki ng apartment nya kesa sa bahay namen pero mukha namang di mahirap linisan dahil malinis na dito
Tapos na kong magwalis sa sala at kusina ng lumabas si Princess. Basa pa ng tubig ang buhok ni Princess at nakapolupot sa katawan nya ang maiksing towel
Tumalikod agad ako dahil hindi magandang tumingin sa taong halos hubot hubad
Narinig kong tumawa si Princess kaya lalong nag-init ang mukha ko. Tumakbo agad ako sa kusina, tinungga ko ang isang litrong tubig. Bastos sya, alam nyang may ibang tao dito. Walang sabi sabi magpapakita sya sakin ng ganun
"Alex. Alex" sigaw ni Princess galing sa sala
"oh?" nanginginig pa ko kaya di nya ko dapat marinig
"maligo ka na. Hiramin mo muna damit ko. Mamili ka na lang"
Di na ko nagtagal, pumasok agad ako sa kwarto at naghanap ng damit. Baka pagnaligo ako, matanggal na sa isipan ko ang hubad na katawan ni Princess
![](https://img.wattpad.com/cover/69367096-288-k261846.jpg)
BINABASA MO ANG
CONFIRM
RomanceMahiyain at tahimik lang si Alex. Pero ng makilala nya si Princess ay nagulo ang buhay ni Alex Ginugulo at iniinis lagi ni Princess si Alex. Sa palagi nilang pag-aasaran ay namimiss nila ang isa't-isa pag di sila magkasama After maghigh school ni Pr...