ONE

26.8K 681 111
                                    

MAXXINE

"Tandaan mo ito, Maxxi. Mag-iingat ka kapag dumaan ka riyan sa kanto, alam mo namang maraming lulong sa droga riyan, hindi ko kakayanin kung ikaw ang sunod nilang biktimahin," nag-aalalang saad ni Mama.

Maxxi na ang tawag ni mama saakin simula pagkabata ko. Ngunit ang mga kaibigan ko'y kinasanayan akong tawagin sa pangalan ko o kaya'y Maxx, na hindi ko naman tinututulan.

"Oho," tumatangong sagot ko kay mama habang nakangiti.

Ako kasi'y aalis upang puntahan ang bahay ng kaklase ko upang gawin ang proyekto namin sa Science. Labis naman ang pag-aalala ng mama ko na kung maka-akto'y sobra-sobra. Ngunit kahit ganoo'y nagpapasalamat pa rin ako sa pagpapaalala niya saakin, talaga kasing madadaan ko ang kanto kung saan madalas nagpapalipas ng oras ang mga taong lulong sa droga, na medyo malapit lamang dito sa bahay namin. Kaya't kailangan kong maging ligtas at mapagmasid sa paligid na tatahakin ko. Hindi kasi biro ang nagagawa ng mga ito, kaya nilang gahasain ang mga taong napapadako sa teritoryo nila. Wala silang pinipili, kaya nilang gahasin kahit pa'y matanda na ito o hindi kaya'y pusong babae. At hinding-hindi ko hahayaang mangyari saakin iyon.

Mabuti na lang pala'y nakapagdala ako ng flashlight na magsisilbing liwanag ko sa kantong iyon na pundido na ang mga ilaw sa poste.

"Aalis na ho ako, baka naghihintay na si Chie sa bahay nila," saad ko kay mama na tinanguan lamang ako.

"Mag-iingat ka roon, anak. Mahal na mahal kita," sigaw saakin ni mama ng makalabas na ako sa maliit naming tahanan.

Maglalakad lamang ako upang makarating doon, medyo malayo ngunit kaya namang lakarin. At saka, kahit pa may pera akong pampamasahe'y hindi ko rin ito magagamit sapagkat madalang lang ang mga dumadaang mga transportasyon dito sa kalye namin.

Habang naglalakad ako'y napansin ko ang medyo dumidilim na paligid. Mukhang mag-a-alas sais na ng gabi. Medyo mahaba-haba na rin kasi ang nalalakad ko simula kaninang alas singko.

Gabi na ngunit kailangan pa rin naming ituloy ni Chie ang proyekto namin. Medyo inoras na rin kasi kaming nakauwi kanina kaya't ngayon lamang namin ito magagawa. At wala rin kaming ibang pamimilian, kung hindi gawin ito ngayon sapagkat bukas na rin ang pasahan nito.

Napansin ko ang tinatahak ko. Mas madilim dito't medyo nakakatakot. Pinagmasdan ko ang paligid, narito na pala ako sa teritoryo ng mga taong lulong sa droga.

Inilabas ko ang dinala kong flashlight mula sa bag ko. Mabuti na lamang talaga't alam kong pundido na ang mga ilaw dito. Malaki rin ang tulong ng ilaw na ito upang makita ang tinatahak ko, iniiwasan ko rin kasi ang makatapak ng mga bagay na hindi ko gusto. Kagaya na lamang ng dumi ng mga aso rito, pakalat-kalat lamang ang mga ito kung saan-saan. Hindi ko rin gugustuhing makapatak nito.

Binuksan ko ang ilaw na hawak ko, nang mabuksan ko na ito at saka ko inilawan ang harapan ng kalsada kung saan ako naglalakad.

Naglakad pa ako ng ilang metro sa paglalakad ko sa madilim na parte ng lugar na ito. Hanggang sa marating ko na ang tindahan ni Aling Maring, akala ko'y wala ang mga lulong sa droga rito dahil tahimik ang buong lugar. Ngunit nagkamali ako, naroon pala sila sa gilid ng tindahan ni Aling Maring at mukhang lasing na lasing na dahil bagsak na ang isa sakanila.

Nagulat ako ng tumingin ang dalawa saakin, marahil napansin nila ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa flashlight na nakatutok sakanila. Sa taranta ko'y kusa kong napatay ang flashlight na hawak ko. Tumalikod ako sa kanila't tumakbo. Nag-aalburoto na ang puso ko sa kaba. Alam kong hinahabol nila ako sapagkat bago ako makalayo sakanila'y nakarinig muna ako ng pagtumba ng mga upuan at ang ilang pagkabasag ng mga boteng gamit nila. Rinig na rinig ko rin ang yabag nilang humahabol saakin. Ginawa ko lahat upang hindi nila ako maabutan, alam kong kaya nila akong gahasain dahil nasa estado sila ng pagkalasing at pagkawala sa sarili. Habang tumatakbo'y hindi ko maiwasang mapasigaw, alam kong malapit na sila saakin. Ewan ko kung paano nila nakayanang tumakbo ng mabilis kahit pa'y mga lasing na sila.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon