M.A. 8: Nature Versus Music

9.6K 371 15
                                    

Kinabukasan, matapos mangyari ang pagkafreeze ni Melody ay pinayagan na itong lumbas ng HelixHouse. Mabuti na lamang daw at agad itong naidala sakanila.

Ngayong araw ay ang pagsisimula ng Magix Rank Test, naghahanda kami sa maaari naming dalhin sa rank test na pweding makatulong saamin sa pakikipaglaban.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.
Nadatnan ko silang nag-aayos ng kanilang gamit, tulad ng dati ganoon parin kumilos si Melody, parang hindi sya nafreeze eh.

Nagsorry ako sakanya ng ilang beses kahit sinabi na nyang okay lang. I almost killed her thats why I need to say sorry.

“Maxx, tara na. I want to see my love of my life” See? Ang hyper ni Melody.

“Huminahon ka nga, para kang baliw” sabi ni Wanda habang isinusukbit sa balikat nya ang shoulder bag nya. Nandoon siguro yung mga gamit nya para makatulong sa rank test.

“Hindi mo ako masisisi, makita ko lang ang napakagwapo nyang mukha, nalalaglag na ang panty ko.” Napatawa ako sa sinabi nya. Ang lokaret naman ng babeng ito.

“Loka-loka ka talaga. Tara na nga” Pag-aaya ko sakanila.

Lumabas na kami ng dorm namin, medyo malayo ang paggaganapang rank test. Nasa labilang ibayo pa kasi iyon.

Pagkarating namin ay napanganga ako sa sobrang laki ng arena na ito. Mas malaki pa sya sa Philippine Arena. Ganito ba kayaman ang academy at naipatayo nila ang ganitong kalaking arena.

“Maxx, tulo laway ka. Huwag ka nang magulat kung malaki iyan. Basta ang mahalaga ay tumaas mga rank natin.” Pinunasan ko bibig ko pero wala namang tulo laway. Ang lokaret din nitong Wanda na ito.

“Ano ba mga rank nyo?”

“Secret” Ay, gano’n?

“Pumasok na nga tayo, mawalan pa tayo ng upuan dyan”

“Seriously, Wanda? Sa laki ng arena na iyan. Mawawalan ka pa ng upuan?” Napatawa sila sa sinabi ko.

“Sorry girl pero hindi mo yata alam na mahigit isang daang libo o higit pa ang nag-aaral dito” Napanganga ako. Andami naman. Pagkapasok namin sa arena ay napangnga ako ulit sa dami ng tao. Wow, ang dami nila. Ang ingay pa nila.

Umupo kami sa may bandang taas ng arena. Ang upuan kasi dito ay parang hagdanan, so pataas ito.

“Exited na akong makita ng mylabs ko” Hanggang dito ba naman.

“Magtigil ka nga Melody. Hindi ka naman non magugustuhan” Pambara ni Wanda.

“Ouch naman, hindi ka nalang sumuport.” Nakahawak pa talaga ito sa puso

“Uy tahimik na, magsisimula na yata ang event” Napatigil sila sa pag-aasaran ng sitahin ko sila. Napatitig na lamang kami sa lalaking medyo katandaan na lalaki sa stage. Meron ditong napakalaking screen na parang nagzo-zoom sa mga pumupunta sa stage.

GOOD MORNING MAGIXIANS! WE ARE NOW GOING TO START THE MAGIX RANK TEST. IN THIS TEST YOU WILL KNOW YOUR RANK IF IT’S GET HIGHER, LOWER OR REMAIN.” He stopped for a seconds, and start again.

“NGAYONG MAGIX RANK TEST AY IPAMAMALAS NINYO ANG INYONG MAGIX SA MGA MANONOOD AT HINDI LANG IYON DAHIL KAILANGAN NYONG LABANAN ANG INYONG KATUNGALI UPANG MAIPATUMBA AT MANALO. PAGKATAPOS NG INYONG LABAN AY MAY LALABAS NA SCORES SA ATING MALAKING SCREEN KUNG ITO BA AY TUMAAS O BUMABA. TANDAAN BAWAL ANG PUMATAY.
LET THE BATTLE BEGINS.” Matapos magpaliwanag ng emcee ay pumunta na ito sa gilid ng stage, para siguro hindi sya madamay. Kinuha nya ang isang papel na naglalaman siguro ng mga maglalaban.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon