M.A. 27: Yhuri's Point Of View

7.3K 354 33
                                    

Inunahan ko na ang mga bad Froreans, na makapunta sa kinalulugaran nila Maxxine.

Ewan ko ba bakit ko nararamdama na, kailangan kong protektahan si Maxxine. Kaya naman niya ang sarili niya pero sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan, ay parang nasasaktan ako. Ewan ko ba sa feelings ko. Tumitibok pa nang mabilis ang puso ko sa tuwing malapit siya sa akin, kinakabahan ako kapag kausap ko siya. Ewan ko ba! Naiinis na ako sa felling na ito eh.

Sa malayo pa lang, tanaw na tanaw ko na ang mga nilalang na sa tingin ko ay kasinlaki ko lang, ngunit iba ang itsura nila. May patusok at mahaba silang tenga, parang nangangamatis ang ilong, katamtaman ang taba, malaki ang mga daliri nila, may mahaba silang balbas na puti, may kulubot na balat, mahaba din ang brown niang buhok, malaking bibig, sira-sirang ngipin, malaking mata, malaking paa, nakasumbrero silang patusok na kulay berde, nakasuot nang berdeng long sleeves at mahabang pants na berde din at doon ko lang napansin na may mahaba silang buntot na may mga spikes. Hile-hilera silang naglalakad na para bang nagmamartsa at hawak nila ang iba't ibang uri ng mga paghukay. Sila na ba ang mga bad Froreans? Anong balak nilang gawin?

Sa malayo palang kitang-kita ko na kung papaano nila sirain ang mga panananim, iba-iba sila ng mga pinupuntirya, at habang ginagawa nila ang pagsira ay mababakas sa mga mukha nila ng pagkagalit.

Lumapit ako nang kaunti sakanila at sumigaw. "Stop what you're doing!" Dahil sa lakas nang sigaw ko ay napatingin sila saakin gamit ang galit na galit nilang mata. Pero, imbes na magalit sila saakin at sugudin ako, eh tinuloy lang nila ng ginagawa nila. Tss, their insane!

Halos kalahati na ang nasisira nila, akala ko bang teritoryo nila ito. Why they destroying their own teritory? Nababaliw ba sila.

Sa inis ko, binato ko sila ng maliit na fire ball, kasinlaki siguro ng jolen, lahat sila ay pinagbabato ko sa likod nila.

"Wrahhhh!" Sumigaw sila dahil sa apoy na nasa damit nila. At ang pangit nang mga boses nila, hindi ko ma-explain.

Matapos nilang mapatay ang maliit na apoy, tinapunan nila ako ng masamang tingin. Mukhang nagalit ko sila, at wala akong pake.

Unti-unti silang lumapit saakin, hawak ang kanilang mga kagamitan. Inihanda ko ang gagawin nila. Galit sila, galit na galit base sa kanilang tingin.

Inilagay ko lang ang dalawa kong kamay sa bulsa ko, alam ko namang hindi sila mananalo saakin. Walang emosyon ko silang tinignan, mukhang mas lalo silang nagalit. Bigla silang tumakbo sa direksyon ko, papaluin na sana ako ng nasa unahan ng pigilan ko siya. Hinawakan ko ang palang hawak niya at ibinalibag sa mga pasugod pa. Nagsitumbahan sila. Tss. Lumapit saakin ang isang bad froreans na may makapal na balbas, pinagpapalo niya lang ako ng kalaykay na hindi naman tumatama saakin. Nang makatyempo akong makalapit sakanya ay hinila ko ang kalaykay na hawak niya, nagulat pa siya sa bilis ko. Itinapon ko ang kalaykay niya at sinuntok siya sa tiyan. Agad siyang natumba at nahimatay.

Agad kong nahawakan ang palang handang ihahampas ng isang bad froreans sa likod ko. Madali ko lang siyang nasuntok at nakatulog agad.

"Aningkituks ginigiwikituks niyikituks?! (Anong ginagawa niyo-L.C" Napatingin kami sa isang nilalang na may kakaibang lengwahe. Anong sinabi niya. Biglang lumayo ang bad froreans nang makita nila ang mga nilalang.

"Wilikituks kiyingkituks pikiilimkitikus siginigiwikituks niminkituks! (Wala kayong pakialam sa ginagawa namin!)" Galit na sigaw nung parang lider nila, nandito lang ako sa gitna nila at nakikinig sa nakakabaliw nilang lenggwahe.

"Miyriinkituks kimingkituks pikiilimkituks dihilkituks tiritiryikituks niminkituks itingkituks Frorea Gardens! (Mayroon kaming pakialam dahil teritoryo namin itong Frorea Gardens)" Frorea Garden lang talaga ang naintindihan ko, anong bang nangyayari sakanila? Pinagmasdan ko ang bagong dating na nilalang, sila ay kasinlaki ko lang, malinis silang tignan, kamukha nila halos ang mga bad Froreans maliban sa suot nilang damit na puti, sa ilong nilang medyo katangusan, pula ang labi nila, maayos ang nginpin, at mabait ang aura nila.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon