"Ako nga, bessy. Anong nangyari sayo? Bakit ka may sugat?"
"Salamat sa tulong bessy, pero hanapin mo ang anak ko. Nadamay sya sa pagsabog na naganap, nawawala sya. Ha-hanapin m-mo sya." Pinilit nang reyna na makapagsalita kahit sumusuka na ito ng dugo. Bago pa mawalan ng malay ang bessy ni Althea ay lumapit na ito sakanya. Ang mga sirena ay likas ng may healing magix, kaya mabilis lang na napagaling ni Althea ang bessy nyang si Azshalea. Binigyan na rin nya ng lakas si Ashton gamit ang water magix, na kayang magbigay ng enerhiya gamit ang tubig.
"Bessy, kaya na namin si Divine, hanapin mo ang anak namin" Maluha-luhang sabi ng reyna. Lingid sa kanilang kaalaman na nautusan na pala ng reyna ng kadilim si Darkius na hanapin din ang anak nila at patayin.
Aalis na sana ang reyna ng kadilim para hanapin at patayin si Safiara ng batuhin sya ng crystal spike ni Azsh (short fo Azshalea, medyo mahaba kasi). Hindi ito nakailag kaya tumama ito sa likuran nito na nagsanhi sa kawalan nito ng balanse. Napaupo ito sa sahig habang nakatukod ang isa nitong paa sa lupa, hawak nito ang likod nyang may spike na nakatusok roon. Kinuha nito ang espada nya at hiniwa ang crystal spike.
Galit na galit ito pagkatayo nya, tinignan nya ng masama ang reyna kasama ang asawa nito
Naghanda ang mag-asawa sa maaring pagatake ng reyna.~×~
"Saan ba maaring mapadpad ang munting prinsesa?" Pabulong na tanong ni Althea sa sarili habang palinga-linga sa paligid. Ang kastilyong mukhang paraiso ay tuluyan ng nasira, maraming dugo ang nakakalat sa mga sahig, mga patay na Gemians at ibang uri ng charmers. Ang buong kastilyo ay nasira na, maraming bahagi ng kastilyo ang sinira ng mga black magixians, may mga bahagi rin sila ng mga bayan ang sinunog.
Mahigit isang oras nang naghahanap si Althea maging ang sinugo ni Divine ay hindi pa nahahanap si Safiara. Hindi nila alam na ang sanggol ay nakuha na ng isang mabuting charmer.
"Kailangan mong maligtas, ilalayo kita rito." Sabi ng ginanang kay Safiara habang tumatakbo. Maraming pagsabog ang nagaganap, sa kinalulugaran nila ngayon. Hindi batid ng ginang kung sino ang ina at ama ng sanggol, nakita na lamang nya ito sa kalapit na puno. Dahil sa awa ay kinuha nya ito at iniligtas sa mga black magixians.
Hindi alam ng ginang kung saan ito patutungo, basta na lamang ito tumatakbo kung saan alam nyang ligtas. Nakarating sila sa likod ng kastilyo, namangha ito dahil walang bahid ng dumi o pagsabog ang naganap rito. Ang buong lugar ay puno ng mga ibat ibang puno at mga hayop, tila isang evacuation center ang nangyari rito sa dami ng mga hayop. Pero isa lang ang pinakanakapukaw sa kanyang pansin, ito ay ang mga malaking bilog na may ibat ibang kulay na nakapaikot sa harapan nya. Doon nya mas naintindihan kung ano ang tinatapakan nyang lugar-Ang tinatapakan nya ay ang tinatawag na Portales Gardenia ang lagusan patungo sa ibat ibang bahagi ng daigdig.
Lingid sa kaalaman nya na ipinagbabawal na gamitin ito, pero napaisip sya. Kung papasok sya rito ay maililigtas nya ang sarili at ang sanggol, pero pagiging makasarili ang gagawin nya.
Naguluhan ang ginang sa biglaang pag-iba ng kilos ng mga hayop rito. Bigla silang naging mabangis, pinalibutan sya ng mga ito. Nagtataka sya sa inasal ng mga hayop, para bang pinoprotekhan silang dalawa ng sanggol sa kung sino mang masamang nilalang na may masamang binabalak sakanila.
"Ano ang ginagawa ninyo?" tanong ng ginang sa isang kunehong may pakpak a lumilipad sa may tabi nya.
"May masamang magixian ang papunta rito." Hindi na nagulat pa ang ginang sa pagsagot sa kanya ng kuneho. Isa syang Animal Speaker na kayang makipagusap sa mga hayop.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...