M.A. 35: Jealous?

6.6K 285 35
                                    

Maxxine.

Ito na marahil ang unang pagkakataon sa buhay ko na may makaharap na mga reyna't hari. Alam kong sila ay respetado at mga magigiting na pinuno, sakatunayan ay iniidolo ko ang mga ito sa taglay nilang tapang na harapin ang bawat problemang kinahaharap nila. Kaya ganoon na lang ang kaba ko dahil ngayong araw mismo makakaharap ko na ang mga taong iniidolo't kinahahangaan ko.

Nang mabuksan na ni Sky ang malaking pinto ng palasyo, tumambad saamin ang mga nakahilerang katulong na nakayuko sa amin. Sa aming gilid ay mga lalaki at sa kabila naman ay mga kababaihan.

"Maligayang pagdating sa Cloudiasera." Sabay-sabay nilang bati nang mag-angat sila ng tingin saamin nang nakangiti.

"Nasaaan ang aking mahal na reyna't hari?" Ma-awtoridad na tanong ni Sky na ikinamangha ko, kung sa harap ng kanyang matatalik na kaibigan ay makulit ito, masasabi ko namang siya ay respetado at ma-awtoridad sa harap ng ibang tao lalo na sa mga nasasakupan nila.

"Sila ho ay nasa hapagkainan na at hinihintay na lang ho upang makapagsimula na kayong magtanghalian." Tanghali na pala, medyo natagalan kasi ang aming paglipad sa himpapawid dahil malayo ang kastilyong ito.

"Magsimula na kayong muli sa inyong trabaho."

"Masusunod po!" Malumanay nilang sigaw. Sa isang iglap lang ay nagsialisan na sila at bumalik sa paglilinis sa kaharian at ibang trabaho.

"Tara na." Nagbalik ng muli ang tunay niyang tono ng pananalita. Makulit na tono.

"Masusunod, mahal na prinsipe." Pagbibiro ni Walter na yumuko pa sa harap ni Sky na ikinatawa namin.

"Ulul! Naghihintay na sila mama doon, tara na nga!" Sinundan namin siya sa paglalakad. Nauunang siyang maglakad saamin dahil siya ang may alam sa palasyo nila. Napaiwas ako ng tingin ng makitang ipinulupot nila Jhade at Keith ang kanilang kamay sa braso ni Skypre. Ayokong makita ang kanilang ginagawa. Hindi ako nagseselos, ayoko lang talagang makita ang ginagawa nila, which is ang paglalandi kay Sky.

Pagkapasok namin sa palasyo, dalawang mahabang hagdan ang sumalubong saamin. Ang hagdan ay may magkasalungat na direksiyon, patungo siguro ito sa mga kwarto nila. Tumuloy kami sa paglalakad hanggang sa lumiko kami pakanan, dito siguro ang dining area nila. Habang naglalakad hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakasabit na litrato sa mga dingding nitong palasyo. Karaniwan sa mga litrato ay si Sky kasama ang isang babaeng kamukha nito na satingin ko ay kapatid niya. Ang iba naman litrato ay mga litrato ng hari at reyna, at ibang mga painting na lalong nagpaganda sa lugar. Nang makarating kami sa dining area ay doon ko naaninag ang dalawang tao na magkatabing nakaupo sa dulo ng mahabang salamin na lamesa. Bumalik ang aking kaba, kabang dahil sa isipang makakaharap ko na ang mga reyna at hari na masayang nagtatawanan habang magka-akbay. Para silang mga teenager, napakasweet.

"Ehem!" Kunwaring pag-ubo ni Sky. Dahil sa ginawa nito, napukaw niya ang atensyon ng mag-asawang naglalambingan kani-kanilang.

"Nariyan na pala kayo, halika kayo't saluhan kami." Napakamalumay ng boses niya, hangang-hanga rin ako sa sobrang ganda niya. Nakipaghalik muna kami sa kanilang pisngi bago umupo. Nakaramdam ako ng kaba ng makipagbeso ako sa mama ni Sky at sa papa nitong kanina pa nakangiti. Ngunit hindi ko na lamang ito pinahalata at tumabi kila Xandra at Windy.

"Ipaghanda sila ng pagkain." Mas Ma-awtoridad na utos ng reyna. Ang lahat ng katulong na nakapalibot saamin ay sabay-sabay na binuksan ang nakahain na pagkain. Bumungad saamin ang napakaraming pagkain. Ilan sa mga ito ay hindi ko mawari kung ano, basta't alam kong masasarap lahat ng iyan.

"Kumain na tayo." Nakangiting ani ng hari na akmang tutusukin ang manok gamit ang tinidor ng paluin siya sa kamay ng kanyang asawa.

"Ikaw talaga, Cleiv. Manalangin muna tayo sa mga diyos at diyosang nagbigay biyaya saatin." Sabi nito kay Haring Cleiv na nakanguso lamang sakanya. Mahina naman kaming napatawa sa inasta ng mag-asawa.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon