A/N: Pagpasensyahan ang matagal kong pagupdate, isa rin po kasi akong estudyanteng nag-aaral at nagsisikap. Sana ay maunawaan niyo. Sana ay makapagboto kayo at makapag-iwan man lang kahit isang komento. Ito ay aking ikatutuwa, muli sana'y maunawaan ninyo ang lagi kong pagudpate ng matagal.
-------------------loxxycutie's Point of View
Nagtatakang tinignan ni Rosette si Maxxine. Kanina pa kasi niya ito kinakausap ngunit hindi naman ito kumikibo at nagsasalita. Diretso lang ang tingin nito habang nakatulala. Malungkot ang kanyang ekspresiyon at parang iiyak na anumang oras. Nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakd at parang may malamim na iniisip na naging dahilan ng kaniyang pagkawala sa sarili. Nabahala naman si Rosette sa kakaibang kilos ni Maxxine kaya't sinabi niya ang kaniyang napapansin kila Windy na tila nagtataka rin.
"Ano kaya ang iniisip niya?" Nagtatakang tanong ni Windy kay Xandra na nakatingin lamang kay Maxxine na tuloy lang sa paglalakad. Nauna nang maglakad sakanila si Maxxine na ipinagtatakang hindi iyon napansin ni Maxxine. Wala nga siya sakanyang sarili, kumpirma nila sakanilang isip.
"Aba malay ko, bakit saakin mo tinatanong?" Medyo napalaks ang boses ni Xandra kaya't nabaling sakanya ang atensyon ng lahat maliban kay Maxxine na tuloy pa rin sa paglakad at walang pakialam. Nagpeace sign lang si Xandra sakanila na hindi naman nila pinansin, nagtuloy na lang sila sa paglalakad.
"Hinaan mo nga ang boses mo. Gusto mo bang mabiktima nang mga Nigticus Shifters?" Medyo iritang sabi ni Rosette na nasa gitna ng dalawa.
"Subaybayan na lamang natin ng kinikilos niya. May malalim lang siguro itong iniisip." Tumango lang ang dalawa at ipinagpatuloy na ang paglalakad at nakisabay narin sa paglakad sa kaibigan nilang wala sa sarili.
Hindi alam nang iba na napapansin na rin ni Yhuri ang pag-iiba nang ikinikilos ni Maxxine. Bago ito sakanya. Masyado siyang nababahala kung bakit ganoon ang kilos nito. Hinayaan na muna nito ang pagkabahala at ipinagpatuloy ang paglalakad at upng maprotektahan ang mga kaibigan sa pweding kalaban na magpakita. Kahit nauuna siya ay paminsan-minsan rin niyang sinusulyapan ang dalaga, makikita sa mukha ng binata ang pag-aalala at pagkabahala.
"May mga Nigticus Shifters!" Natatarantang sigaw ni Walter na nasa likod nila. Naagaw niya ang atensyon ng lahat maliban kay Maxxine na nagtuloy lang sa paglalakad.
"Ihanda niyo ang inyong mga sarili!" Sigaw ni Yhuri at nanguna sa kanilang lahat. Inilabas ni Yhuri ang espada niya at itinutok ito sa mga nigticus shifter na naglalaway sa pagkasabik sa mga ito. Hindi pansin ng lahat na si Maxxine ay wala na sa likod nila, nagtuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makatapat na nito ang pinakamalaking puno roon. Biglang sumigla ang mukha ni Maxxine dahil sa nakita nito. Isang babaeng kawangis ng kanyang ina. Ibinuka ng kanyang ina ang mga kamay nito na nagsasabing yakapin siya nito. Hindi nag-alangan si Maxxine at yinakap ito. Wala sa sarili si Maxxine, hindi niya naisip na ang ina niya ay nasa mundo ng mga mortal. Ang nasa isip lang nito ay ang pangungulila at pagkasabik sa ina. Tuwang-tuwa naman ang nagpapangap na ina ni Maxxine dahil naging matagumpay ang inuutos sakanya ni Ayhlee.
"Ma, miss na miss na kita" Ani Maxxine na mas lalong hinigpitan ang pagkakayap sa ina nito. Isa sa mga nagagawa ng kapangyarihan ng mga nigticus shifters ay ang panghihipnotismo. Nagawa nilang ipasailalim sa hipnotismo si Maxxine kaya't ang ina lang nito ang kilala niya sa ngayon.
"Na-miss din kita anak," Pati boses ng ina niya ay gayang-gaya nito. Hindi magkakailang mapagkakamalan itong siya nga ang ina ni Maxxine. Sa postura at itsura pa lang nito ay siya na nga ang ina niya.
"Tara anak, may ipapakita ako sa iyo" Sumunod lamang si Maxxine sa nagpapanggap niyang ina. Dinala siya nito sa masukal na bahagi ng kagubatan, hindi naman nagtaka si Maxxine kung bakit siya nito dinala rito. Sa isip niya lang ay masaya siya sa piling ng mama niya. Pinaupo siya ng kanyang ina sa isang nag-iisang upuan sa gitna ng masukal n kagubatan.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...