FIONA's POV
Tinaasan ko ng kilay ang babaeng nakangisi saakin. Ang yabang ng pagkakangiti niya. Mukha siyang tomboy.
"Babaita, ako ang lalaban sa babaeng iyon." Nakangising sinabi ko kay Xandra, habang itinuturo ko ang nakangisi paring babae saakin.
"I don't fucking care, do what you want." Kung hindi ko lang kakampi 'tong babaeng 'to, kanina ko pa napatay. Kakainis!
"Simulan na ang laban!" Tumakbo agad ako patungo sa direksiyon nung mukhang tibo, Friya yata pangalan. Cheap. Nang makalapit na ako sakanya ay agad ko siyang sinuntok sa pisngi, napatagilid ang mukha niya sa lakas ng suntok ko. Haha, buti nga. Nakangisi kong pinagmasdan kung papaano niya punasan ang labi niyang may dugo. Pinorma ko ang kamay ko upang makabuo ng maliit na unos sa kamay ko. Nang handa na itong suntukin ako, hinagis ko ang magix ko sa tiyan niya. Tumilapon ito patungo sa barrier, buti nga. Mayabang kasi, ngisi-ngisi pa.
Napaiwas kaagad ako ng makita ang paparating na arrow saakin. Muntik nang masira ang maganda kong mukha!
"Humanda ka sa ginawa mo, lapastangan!" Lahat ng mga arrow na tinitira niya saakin ay pinapalipad ko lang gamit ang magix ko. I can control any kind of storm, even the air. Inipon ko lahat ng mga arrow na pinagtitira niya saakin, nilagyan ko ito ng lakas upang mabilis ang paglipad nito. Bago pa niya mabitawan ang susunod niyang arrow ay itinira ko na ang mga naipon kong arrow patungo sakanya. Ngunit hindi man ito natakot, bagkus ay ngumisi pa ito. Sa isang iglap lang, naputol niya lahat ng arrow gamit ang espada niya. Ang bilis ng galaw niya. Hindi ko maiwasang mamangha.
"Xandra, lagyan mo ng kuryente ang susunod kong atake!" Sigaw ko kay Xandra na pinagtitira si Frety ng mga thunder balls na mabilis lang nitong naiiwasan. Ang bilis nila. Tumango ito saakin at gaya ko, halata na ang inis sa mga mukha niya.
Tinignan ko si Friya na tumatakbo papunta saakin. Habang tumatakbo ito, gumawa ako ng tsunami sa kamay ko. Pinalaki ko ito at pinalakas pa. Ginawa ko ito upang mapagsama ang kapangyarihan namin ni Xandra, sa alam ko. Ang kuryente ay mabilis lang na kumapit sa tubig at malakas rin ang nagagawang boltahe nang pinagsamang kuryente at tubig.
"Ngayon na!" Mula sa mga daliri ni Xandra lumabas ang kuryente, kulay dilaw ito at nasisiguro kong napakalakas nito. Ang kuryente niya ay nagtungo sa tsunami ko. May mga pagkislap pa na ikinapikit namin, nang mawala na ang pagkislap ay minulat ko ang mga mata ko.
Ang ganda ng kulay ng pinagsamang kuryente at tubig, pinaghalong blue at yellow pero hindi ko muna ito itinira sakanila bagkus hinihintay ko pa kung anong magiging reaksiyon ng dalawa. Napangisi ako ng makita ang pag-atras ng dalawa naming kalaban. Kitang-kita sa mga mukha nila ang takot. Ganyan nga, matakot kayo saamin.
"Ngayon na!" Sigaw ko. Sabay naming itinulak ang mga magix naming nagsama kila Friya at Frety na mukhang takot na takot. Napasigaw ang lahat ng tumama ang tubig kuryente sa dalawa, upang maiwasan ang pagkadamay doon, ginamit namin ni Xandra ang mga pakpak namin upang makalipad. Kami ay may kakahayang makagawa ng aming pakpak gamit ang mga magix namin. Pinagmasdan namin kung paano lunurin ng tubig kuryente sila Friya. Haha. Nakakatuwa ang pinapanood namin. Sila ngayon ay nasasaktan sa kuryenteng kumukuryente sakanila. Napapahiyaw pa sila sa sobrang sakit.
"Nakakaawa sila." Sabi saakin ni Xandra na bakas sa mukha ang pagkaawa.
"Iyan ang napapala nila, mayayabang kasi." Bulong ko na ikinagalit ng mukha niya. Ano na naman ba ang kinagagalit nito?
"Ganyan ka na ba talaga ha?! Walang puso at walang awa?! Hindi mo ba sila nakikita?! Nahihirapan na sila?! Kahit pa mayayabang ang mga iyan, kauri pa rin natin sila. Kung mamatay ang mga iyan, ano na lang ang sasabihin nila saiyo, saatin. Sasabihin nilang hindi tayo karapa't dapat na maging pinuno ng mga tribes natin! Ayaw mo naman sigurong mangyari iyon, hindi ba?! Dahil kilala kita, mapagmataas ka't mayabang rin gaya nila. Hindi ko na kinakayanan ito, naawa na ako sakanila." Sigaw niya sa pagmumuka ko. Parang espada ang mga salita niya, lahat ng sinabi niya ay tinamaan ako. Napakasakit marinig ang katotohonan. Masama na ba talaga ang ginagawa ko? I'm just doin' it for our academy's sake. For our safety. But I realize that she's correct, kailangan unahin ang ikabubuti ng nakararami bago ang sarili. Masyado na ngang tumaas ang pride ko, masyado kong inabuso ang magix ko. Inabuso ko ang mga nakapaligid saakin. Ginamit ko ang katayuan ko para lang makasakit ng ibang tao. Mali ako. Mali talaga ako. Siguro tama silang lahat, hindi ako karapa't dapat na maging pinuno ng tribe namin. I don't fit the throne. Isa akong magixian na mapagmataas at sarili lang ang inuuna. Baka masira ko lang ang reputaysong binuo ni ama. But, I'm the only child of him. And ofcourse, I was the who will be the next leader of our tribe. I will inherit his power and his position. Gagawin ko ang lahat para mabago lang ang ugali kong ito. Ipapakita ko sakanilang, karapa't dapat ako sa trono. Na anak ako ni Dephtril, ang isa sa malakas na pinuno sa Charm Worl. Kahit mahirap na magawa ang pagbabago ko dahil nakasanayan ko na ang ugaling kong ito, gagawin ko. I will do my best. I can do this. For my tribe and its people's sake
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...