M.A. 36: Attack

6.2K 292 14
                                    

Loxxycutie's Point of View

Nagtatakbo ang mga estudyante ng Magixx Academy habang nagsisigaw. Sila ay nagmamadaling makapunta sakanilang kwarto upang makapagtago at maiwasan ang mga Darkieters na kasalukuyang umaatake sakanila.

Ginagawa ng lahat ng mga guro sa paaralan na mapangalagaan ang kanilang estudyante, buhay ng mga estudyante ang nakasalalay rito maging ang buhay nila.

Ang mga Darkieters ay may lakas ng loob na umatake sa akademya nila dahil alam nilang wala ang mga prinsepe't prinsesa ng mga kaharian na pansamantalang nagpahina sa akademya. Ginagawa lahat ng mga guro na mapanatili ang katibayan ng kanilang barrier upang hindi makapasok ang mga Darkieters. Imbis na tumulong ang mga estudyante ay mas inisip pa nila ang kanilang sarili, upang hindi mamatay. Selfish.

Nababahala na ang kanilang Headmistress sa nangyayari, ang mga guro ay nanghihina na dahil sa sobrang paggamit ng kanilang magix. Kailangan ng bumalik ng mga prinsepe't prinsesa galing sa misyon. Dahil sila lamang ang may lakas na kalabanin sila, mas malakas sila sa mga guro dahil sa dugong nananalantay sakanila. Sila ay mga dugong bughaw, alam nating sakanila ipinagkaloob ng mga diyos at diyosa ang kanilang buong kapangyarihan. At mas magiging malakas sila sa tulong ng mga Gemstones na makukuha nila galing sa misyon.

"Kailangan niyo nang magmadali, ang ating paaralan ay sinasalakay na ng mga Darkieters." Ito ang mensahe niya sa isip ng mga prinsepe't prinsesang kasalukuyang naglalakbay upang makuha ang mga Gemstones.

"Makarating sana kayo sa lalong madaling panahon." Bulong nito sa sarili bago magtungo sa bukana ng paaralan na kasalukuyang paring sinisira ang barrier, tumulong siya rito na mapanatili ang kaayusan at katibayan ng kanilang barrier.

~•~•~•~

Maxxine's Point of View

Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa hardin ng palasyo ng matigilan kami sa aming narinig sa isip namin.

"Kailangan niyo nang magmadali, ang ating paaralan ay sinasalakay na ng mga Darkieters." Boses ito ni tita. Tinignan ko ang mga kasamahan ko, at katulad ko ay narinig rin nila iyon.

"Kailangan na nating magmadali, ang kaharian ay sinasalakay na ng mga Darkieters." Nag-aalalang turan ni Rosette na napatayo dahil sa sobrang pag-aalala.

"Ngunit, dalawa pa lamang ang nakukuha nating mga bato?" Nababahalang tanong ko.

"Oo nga, pero paano ang paaralan natin? Baka mamatay silang lahat." Sagot ni Walter sa tanong ko.

"Kung meron sanang babalik doon upang tumulong." Parang nabuhayan sila sa sinabi ko. Umaliwalas ang kanilang mukha na ipinagtaka ko. Bakit?

"Tama ka! Ang talino mo talaga Maxxine!" Sigaw ni Windy.

"Magandang suhestiyon iyon Maxxine, kailangan may bumalik saatin sa akademya upang makatulong na labanan ang mga Darkieters."

"Pero sino naman ang babalik doon?" Tanong ko kay Rosette na halata ring nag-iisip.

"Paano kaya kung sila-" Hindi na naituloy ni Windy ang sasabihin niya ng dumating sila Fiona na bagong ligo. Teka lang, paano kaya kung....

"Tama ang iniisip niyo. Sila na lang." Binuhayan ng pag-asa ang aming damdamin.

"What is your pinag-uusapan? Are you chismising us?" Konyong tanong ni Keith na nasa gilid ni Fiona.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon