"Let's give them around of applause!" Ani ng hari na sinunod naman ng lahat. Nakangiti namin silang pinagmasdan habang pumapalakpak lahat sila saamin. Nakakatuwa ang kanilang pagsuporta saamin.
"Simulan na ang pagdiriwang!" Sigaw ng reyna na ikinatuwa naming lahat. Sumayaw ang ilan sa mga naririto ng tumunog ang isang kanta. Ang galing nilang sumaway kasama ang mga mahal nila sa buhay.
"You're so beautiful." Nakangiting saad ko ng makalapit na ako kay Maxxine.
Umirap lang ito saakin at umupo sa table namin kung saan nagkakatuwaan ang mga kasama namin.
"Hey. Galit ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Bakit naman ako magagalit, aber?" Nakataas kilay nitong tanong. Galit nga.
"Kung hindi ka galit, bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko sakanya at umupo sa tabi niya.
"Porket ba iniiwasan kita, galit na agad?" Nakataas kilay ulit nitong tanong at nilagok ang baso ng alak.
"Kung hindi ka galit, magsayaw tayo." Nakangiting tanong ko habang nakalahad ang aking kamay sakanya.
"Sumaway ka mag-isa mo!" Sagot nito bago tumayo at umalis sa harapan ko. Saan naman 'yon pupunta?
"Anyare do'n?" Naguguluhang tanong ni Xandra. Nagkibit-balikat lang ako sakanya bago tumayo at sinundan si Maxxine. Bago ako makalayo sakanila ay narinig ko pa si Walter at ng ibang lalaking kasama ko na ayaing sumayaw sila Windy. I'm so happy to them. Sana, maisayaw ko din siya ngayong gabi.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sakanya, madali ko lamang siyang natagpuan dahil sa presenya at aura niyang nanggagaling sa nag-uumapaw niyang kapangyarihan na aking naramdaman at sinundan patungo sakanya. Napangiti ako ng makita kong muli ang maganda niyang mukha. Naroon lamang siya sa isang ilog, malapit lamang sa hardin. Nakita ko siyang nakaupo sa isang bato habang nakalublob ang kanyang mga paa sa ilog. Nilapitan ko siya at umupo sa katabing bato.
"Ang lamig! May multo yata dito eh." Sabi niya habang nakayakap siya sakanyang sarili.
"Multo? Saan?" Nagtataka kong tanong.
"Omyghad! Nagsasalita ang multo! Nakakatakot!" Sabi nito habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi niya ako pinapansin.
"Xine. Huy, hindi ako multo. Pansinin mo naman ako." Malumanay kong saad habang nakanguso. Umusog ito papalayo saakin at lalong niyakap ang sarili niya.
"Nakakatakot naman pala dito. Hindi nila sinabing may multo pala dito sa palasyo at nagsasalita pa!" Umusog na naman ito papalayo saakin. Naiinis na ako sa inaakto niya. Ano ba ang nagawa ko at iniiwasan niya ako?
"Maxxine. Ano ba ang nangyayari sa'yo ha?" Naguguluhan kong tanong habang hawak ko ang kaliwang kamay niya.
"Omyg. May multo nga!" Ani nito at kinuha ang braso niya saakin. Pinagmasdan ko siya kung papaano niya suotin ang heels niya. Matapos niyang maisuot ang heels niya ay tumakbo ito pabalik sa hardin. Hinabol ko ito at nang makalapit ako sakanya, hinigit ko agad ang braso niya at iniharap saakin.
"Ano ba?! Nasasaktan ako!" Binitawan ko ang hawak ko sa kamay niya.
"Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Kanina pa kita kinakausap pero kung tratuhin mo ako para akong multo sa'yo. Ano ba ang nagawa ko at gumaganyan ka?" Tanong ko sakanya habang nakatitig sa mga mata nito. Hindi ko siya magawang mapagtaasan ng boses dahil mahal ko na siya. At hindi ko kayang hindi niya ako pansinin, gagawin ko ang lahat mapansin niya lamang ako.
"Anong nagawa mo? Hindi mo ba naalala ang nangyari kanina? Binastos mo ako! Manyak ka!" Sagot nito sabay hampas sa braso ko at tumakbo na papunta sa hardin.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...