M.A. 47: Volcunus Spring

7.8K 287 149
                                    

Maxxine.

Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang huling sinabi ni Reyna Dectrina. Anak nila? Si mama ba ang tinutukoy niya? Pero bakit nila? Ah, siguro kilala nila si mama't papa. Pero paano? Ang alam ko'y walang charm si mama. Pero hindi ko alam kung meron si papa, dahil hindi ko naman siya nakilala simula pagkabata ko.

"Ah, Rosette. May tanong ako. Pwedi bang magkaanak ang normal na tao't charmer, ng isang sanggol na may charm?" Kumunot naman ang noo niya. Inayos na muna nito ang pagkakaupo sa malambot na couch sa loob ng lumilipad na kotseng parang bahay ang loob.

"Sa mga kaalaman ko. Hindi sila maaring magkaanak ng may charm, kagaya natin. Dahil sa oras na magtalik ang tao at charmer, mamatay ang tao dahil hindi niya kakayanin ang mailalabas na charm ng charmer." Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Anong mailalabas na charm? Bakit naman mamatay?"

"Ang lumalabas na charm kasi sa katawan ng mga charmer habang nakikipagtalik, ay ang cell nila. Lalabas ito sa mga katawan nila at magsasama. Doon magaganap ang fertilization, kapag tapos na ang proseso ng fertilization ay mapupunta na ang pinagsamang charm sa sinapupunan ng babae. Sa kaso naman ng tao't charmer, hindi talaga sila pweding magkaanak, dahil kapag nagtalik ang dalawang ito, mismong charm nung charmer ang papatay sa organs nung tao." Nakakaawa naman ang maaring mangyari sa tao.

"Saan naman nagaganap ang fertilization?"

"Above them. Habang ginagawa nila iyong bagay na iyon, ay nagsasama-sama na ang cell na para lang ilaw. At kapag nga tapos na iyon, mapupunta na iyon sa tiyan nung babae at magiging fetus na iyon." Nakakamangha naman iyon.

"Ilang buwan naman ang pagdadalang charmer nila?" Tanong ko.

"Apat na buwan." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Apat na buwan?! Hindi ba magiging kulang-kulang ang bata, I mean kumpleto ba ang magiging body parts non, o normal ba sila?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi naman. Tignan mo kami, tayo. Hindi tayo mga abnormal, pwera na lang kila Xandra at Windy na kulang sa pag-iisip-"

"Hoy, Rosette! Anong pinagsasabi mo diyan! Hindi ako abnormal!" Ani Windy na nakaupo sa harap ng mabavang mesa sa lapag habang nakikipaglaro sa mga kasama namin ng bahara. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko habang masayang naglalaro, maliban sakanila ay busy si Xenon sa pagmamaneho ng sinasakyan namin. Habang ang kutong lupa, nagpapakasarap lang. Nakasandal lang siya sa dingding habang nakapikit.

"Pasalamat ka, Rosette dahil busy akong tinatalo ang mga to. Kung hindi, baka pinahalik na kita kay-"

"Hayaan mo na mga yan! Ang sinasabi ko eh, mabilis magdeveloped ang mga body parts ng baby, sa tulong narin ng charms natin. Sa loob na rin ng apat na buwan, mabubuo na ang isang normal na baby, pero nay charm. At alam mo ba kung paano manganak ang mga nagdadalang charmer?" Umiling ako sakanya.

"Hindi rin ba normal ang panganganak ng mga charmers dito?" Tumango ito saakin.

"Alam mo kasi, ang panganganak talaga ng mga charmers ay kakaiba. Kasi hindi sa usual na pinaglalabasan ng baby lumalabas ang baby charmer. Gaya na lamang ng pakikipagtalik, isang liwanag rin ang lalabas sa tiyan ng nanay habang nagla-labor na ito, at huwag ka. Kahit ganon lang iyon ay napakahirap talaga, kasi kapag hindi mo nalabas ng maayos ang liwanag, ay maaring mamatay ang baby. Kaya't kinakailangan ng matinding konsentrayon doon." Malungkot niyang saad. Nakakamangha talagang mundong ito, pati ba naman pakikipagtalik at panganganak, kakaiba.

"Paano naman makukuha nung nanay yung baby? Di ba sabi mo, liwanag lang iyon?" Tumango siya saka nagsalita ulit.

"Oo nga, ang liwanag na iyon ay ang mismong baby, sa oras kasi na mahawakan lang ng nanay ang liwanag na iyon, atsaka mapupunit ang bumabalot sa baby hanggang sa lumabas na ito sa liwanag. At kung akala mo ay mahuhulog ang baby mula sa liwanag, nagkakamali ka. Dahil ang sanggol mismo ang lalapit sa ina niya, magsisimula lang itong umiyak sa oras na mayakap na siya ng ina ng sanggol." Namangha ako sa sinabi niya. May special bond na pala agad ang nanay at batang charmer. Ang galing. Ganun rin ba kaya ang nangyari saakin? Siguro, oo. Dahil isa rin akong charmer, at base sa kuwento ni Rosette, ganon lahat ang nangyayari sa mga charmer.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon