M.A. 21: Lost Princess?

7.6K 294 6
                                    


Maxxine's Point Of View

Mag-iisang oras na rin ng simula ng makaalis kami ng academy at mahigit kalahating oras na rin simula ng maingkwentro namin ang mabahong halimaw na iyon. Muntik pa akong matumba dahil sa lindol buti nalang talaga nandyan si Yhuri, in the second time sya nanaman ang nakapitan ko kanina. Kaya heto ako ngayon at nahihiya sakanya, kasabay ko naman sa paglalakad ang mga bessy ko.

"Bes, nasaan na ba tayo?" tanong ko kila Windy, Xandra and Rosette who walking beside me. Nandito parin kasi kami sa gubat.

"Ang alam ko nasa Charm Forest pa rin tayo, pero hindi ko alam kung saan ang unang punta natin?" sagot ni Rosette looking at me.

"Tanong mo kay Yhuri. Sya may alam nun eh" ano ba tong si Xandra, nahihiya nga ako dahil sa nangyari kanina eh.

"Huwag nalang, si Xenon alam nya kaya?" tanong ko ulit. Naunang naglalakad ang mga boys kayat hindi nila kami madidinig.

"Yeah, he's holding the map" sabi ni Rosette. 'Yon naman pala eh.

"Tanong ko lang ah, Excuse" nagpunta ako sa tabi ni Xenon na katabi ni Walter. .

"Uy Ice, saan punta natin?"

"We're going to Acidox River to find the Legendary Mermaid to get the Sapphire Gemstone" Yhuri seriously answered while looking at me. Oh em. Sya ba si Ice? Napaiwas ako ng tingin dahil biglang nag-init ang mukha ko dahil sa pagtititigan namin for a second. Ano ba naman to, may sakit ba ako?

"So ayun na nga ang unang pupuntahan natin" masayang sabi ni Xenon. Ahh, sa Acidox River pala kami pupunta. May Legendary Mermaid pala doon.

Bumalik ako sa puwesto ko kanina pagkatapos kong mag 'thank you' kay Yhuri.

"Girl, ano daw?" tanong ni Windy.

"According to Yhuri, were heading at Acidox River to get the Sapphire Gemstone to a legendary mermaid"

"English teh?" pagbibiro ni Xandra. Wala lang, gusto ko mag english eh.

"Akala ko ba kay Xenon ka nagtanong?" si Rosette habang tinitignan ako ng may nakakalokong ngiti sa labi. Ano bang iniisip ng babaeng to?

"Nagtanong nga ako kay Ice pero sya sumagot eh *pout*" wala naman akong magagawa sya sumagot eh.

"And nakita ko din ang 'pagtititigan' ninyo kanina ni Yhuri" mapanuksong tingin ang ipinukol saakin ni Windy. Nag init naman ang mukha ko sa sinabi nila. Ano ba yan.


"Uyy, nagba-blush" sinundot naman ni Xandra ang tagiliran ko. Wah, malakas ang kiliti ko dyan.

"Wahahahha, t-tama n-na" pagmamakaawa ko kay Xandra na pilit parin akong kinikiliti. Buti nalang at tumigil na siya.

"Ay girls, tanong ko lang. Ano ba yung Legendary Mermaid?" nagtatata kong tanong.

"Malamang sirena-Aray!" Ayan nabatukan tuloy sya ni Xandra. Alam naman naming sirena yon eh.

"Alam ko naman sirena yon eh, ang tanong ko bakit Legendary?"

"Legendary Mermaid, ang maalamat na sirenang sinasabing pinakamakapangyarihang sirena sa Ocenia na nangangalaga sa Sapphire Gemstone na lalong nagpalakas sakanya. Ito'y isang napakagandang sirena na malimit lang kung magpakita, ito ngayon ay naninirahan sa Acidox River dahil binabantayan nya ang Sapphire Gemstone at dahil sya ang reyna ng sirena ay nasa pinakapuso sya ng buong karagatan dito." paliwanag ni Rosette. Sya lang talaga pinakamatino ditong kausap. Makapangyarihan pala yung legendary mermaid, I wonder kung ano itsura niya.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon