M.A. 44: New Beginning

5.6K 214 20
                                    

loxxycutie's Point Of View

Sa tulong ng makiha, madali lang na nasaayos ng mga tauhan ng Gemia ang paaralang sinalakay ng mga darkieters. Ganunpaman, sariwa pa rin sa isipan ng mga magixians ang nangyari sakanila. Saan man sila lumingon at pumunta ay naalala nila ang mapait na pangyayaring muntik nang kumitil sa mga buhay nila. Sa bawat sulok ng academya ay masasariwa ang kakaibang karanasan na hindi nila inaasahan. Dahil sa pangyayaring iyon ay mas lalong pinagtibay ang mga haligi ng academya at ang kanilang pananggalang na masasabing kaya ng maprotektahan ang kanilang paaralan. Bumuo rin ang ulo ng academya ng isang proyekto na naglalayong maipamalas ang natatagong kakayahan ng mga estudyante sa paggamit ng iba't ibang sandata na maari nilang magamit sa susunod na laban o digmaan.

Kasalukuyan ngayong pumipili ang mga estudyante ng sandatang nakatadhana sakanila, dito sa Weapon Room. Sa tulong ni Professor Mike ay nabigyang karunungan ang lahat sa napiling sandata. Marami ang natuwa at marami rin ang natatakot na humawak ng sandata dulot ng tromang nangyari sakanila. Ngunit ang headmistress ay may solusyon sa kaisipang iyon, bumuo sila ni Professor Mike ng mga sandatang walang patalim ngunit may lakas at mahika na maaring kumitil ng mga darkieters. Gaya na lamang ng napili nila Wanda at Melody.

"Uy, Wanda. Anong sandata mo?" Tanong ng kaibigang si Melody habang nakangiti sakanya.

"Wand." Tipid na sagot ni Wanda kay Melody na ikinakunot noo ni Melody.

"Wand na naman? Andaming magagandang sandata diyan oh, may espada, bow and arrow. Hindi ka pa ba nagsasawa sa wand mo?" Komento ni Melody sa napiling sandata ni Wanda.

"Ewan ko nga rin eh, basta parang may enerhiyang nag-uudyok saakin na lapitan itong wand at kunin, na siyang ginawa ko." Sagot ni Wanda na ikinatango ni Melody, parang naiintidihan ang nararamdam niya.

"Alam mo, ganyan din 'yung naramdaman ko nung nakita ko 'tong microphone na 'to. Hindi ko sana kukunin eh, pero gaya ng naramdaman mo ay naramdaman ko din ito, at heto ako ngayon hawak ito." Nagkibit-balikat lamang si Wanda sa sinabi ni Melody. Kapwa silang naguguluhan sa mga napili nilang sandata. Hindi naman sa nagsisisi sila, sadyang naguguluhan lamang sila sa mga naramdaman nila nung nakita nila ang mga sandatang ito.

"Sana'y nagustuhan niyo ang mga sandtang nakatadhana sainyo. At dahil natagpuan na ninyong lahat ang mga sandatang itinadhana sainyo, heto si Professor Mike upang mabigyan kayo ng karunungan sa sandatang napili ninyo." Umalingaw-ngaw ang boses ni Headmistress Hiraphiv sa kabuuan ng Weapon Room, na naka-agaw pansin ng mga estudyante.

"Una sa lahat, nagpapasalamat ako sainyong lahat dahil nabigyang halaga niyo ang mga nilikha kong sandata. Ang paglingkuran ang mga estudyante ng Magixx Academy ay isang napakalaking pribeliheyo, para saakin." Nagagalak na saad ni Professor Mike na ikinangiti ng mga mahikians. Isa ngang malaking oportunidad ang proyektong ito para kay Professor Mike, ngayon nagagawa na niyang maipamalas ang kakahayan niyang lumikha ng mga sandata. Sakatunayan, hindi parin makapaniwala si Professor Mike na nakapasok siya sa Magixx Academy bilang taga-gawa ng mga sandata, sa kaniyang tribo (Steelhart Tribe) kasi ay minamaliit ang kanyang mga gawa. Lahat kasi ng mga Steelians Weapon Maker, ay magagaling sa paglikha ng mga sandata, kaya hindi maiwasang maipagkumpara ito sa mas maganda at mas malakas na sandata, na ikinalungkot niya. Ngunit hindi doon natapos ang kanyang propesiyon, nagpursige siyang lumikha ng lumikha ng mga sandata, nagpursige siya sa pag-aaral kung papaano lumikha ng mas magandang sandata, naging matagumpay ang kanyang ginawang pagpupursige, at ngayon, narito siya sa harap ng mga magixians, binibigyang karunungan sa mga likha niyang sandatang kanyang pinagmamalaki. Masasabing ang kanyang mga likha ay isa sa mga sandatang mataas ang kalidad at malalakas ang nagagawang atake. Hindi ito basta-basta lamang. Natutuwa rin ito sapagkat ang dating nagmamaliit at kumukutya ng mga likha niya noon ay ipinagmamalaki siya bilang katribo niya. Hindi rin maiwasan ng mga ito ang maiingit kay Professor Mike, dahil hindi gaya nila, nagawang makapasok at makapagtrabaho ni Professor Mike sa Magixx Academy na isang napakalaking pribeliheyo, hindi kasi ganoon nakakapasok ang mga charmers sa paaralang ito upang magtrabaho. Kakailanganin mo munang maging magalang at maipakita ang pagpupursige mo sa buhay bago makapasok rito, na wala sila. Ganunpaman, hindi lumaki ang ulo ni Professor Mike sa kaisipang iyon, bagkus naging mapagkumbaba ito at ibinabahagi ang mga nalalaman sa mga katribong naghahangad na maging katulad niya.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon