M.A. 5: Mission

10.9K 459 50
                                    

Maxxine’s Point of View

Nandito kami ngayon ng mga kasama ko na sina Windy pati na rin ang Tribe Princesses sa Ruby Class at nakikinig sa dinidisscuss ni Professor Kassy about sa History ng Magix. Excited nga ako sa History ng magix eh. Hindi pa kasi nagsisimula si Prof Kassy.

Ang ating magix ay nagmula sa mga makapangyarihang dyos at dyosa ng bawat elemento. Ipinagkaloob nila ang mga kanilang kapangyarihan o magix sa mga mapapalad na tao na may mabuting hangarin, sila ay mga mortal ngunit may kakaibang talino at kabutihang puso. Kayat sila ang napili ng mga dyos at dyosa. At ipinagkaloob naman nila
ng buong porsyento ang taglay nilang magix sa angkan ng mga kasalukuyang mga pinuno na naipasa sa inyo. At dahil din doon sila ay nanghina kayat nawala sila ng parang bula at sinasasabing sila ay nasa Olympus Island kung saan sila ay nananahan upang magpalakas at maibalik muli  ang nawala nilang kapangyarihan. Upang magampanan muli ang kanilang katungkulan sa ating mundo. Ang mga tao namang nabiyayaan ng kapangyarihan ay kinamuyian ng mga taong hindi nagtataglay ng magix, dahil sa inggit. Kaya ang mga normal na tao ay nagsagawa ng protesta upang mapatay ang mga ito ngunit bago nila iyon nagawa ay nagbuklod-buklod na ang mga mapapalad na nabiyayaan ng kapangyarihan at nilisan ang mundo ng tao at pumunta sa ibang dimensyon sa tulong narin ng mga dyos at dyosa, at tinatawag na ito ngayon na Charm World ang ating mundo, sila ay namuhay sa hindi ordinaryong paraan at nagtayo ng mga espraktura gaya ng ating paaralan. Kinilala rin sila bilang mga royalties, na namuno sa buong Charm World. Hanggang sa dumami ang populasyon ng ating lahi at maipasa saatin ang kanilang kapangyarihan. What a great history of magix with a history of first charmers. Ang ganda ng history ng mundo na ito, hindi ko inexpect to. Pweding pang pelikula.

Namangha talaga ako sa History ng Magix sa mundo na ito. Hindi tulad sa mga kasama ko na halatang bored na bored. Nakasimangot pa sila sa lagay na yan ah. Maitanong nga kung saan matatagpuan ang Olympus Island. Curious lang ako eh.

Nagtaas ako ng kamay. Ohh! Ms. Heartfillia, do you have question?Nalipat naman saakin ang atensyon ng mga kasama ko. Tumayo ako at nagumpisang magsalita.

“Yes ma’am. I just want to ask that, where do we find the Olympus Island?” tanong ko. Nabuhayan naman bigla ang mga kasama ko sa itinanong ko at halatang naghihintay rin sila ng sagot kagaya ko. Pwera nalang sa Tribe Princesses na inirapan lang ako.

Nice question Ms. Heartfillia. Okey then, the Olympus Island is located at another dimension called Dimension of Gods. It is sacred only magixian who haved a blood of god and goddesses and blessed by gods can enter this dimension. And anyone don’t know where the Demension of Gods exactly is, and anyone don’t know how to get there. And in history, noboby from the race of charmers can see it or can enter it even the king or queen, never enter this.” Seryosong pagpapaliwanag ni Professor Kassy habang naglalakad lakad sa harapan namin.

Wow! meron pa palang ibang dimension ang narito sa mundo ng magix. Gusto ko sanang puntahan but unluckily I can't enter this wala naman siguro akong dugong dyos at dyosa. At isa pa, hindi pa naman alam kung nasaan ang eksaktong lokasyon nito at paano puntahan, wala rin namang magixian ang nakapunta na rito. Pero baka ang elemental magixian ay pweding makapunta rito dahil sakanila ipinagkaloob ng god and godesses ang buong porsyento ng magix hindi nga alam kung papaano.

Elemental Magixians and Tribe Princesses with Ms. Heartfillia. Please come to my office now.

Umalingawngaw ang boses ng Headmistress sa room namin. Meron kasing malaking speaker ang nakadikit sa dingding ng ruby class malapit sa bintana, kaya nakakabingi talaga pag may announcement na nagaganap. Tinignan kami isa-isa ni Professor Kassy at tumango na nagpapahiwatig na pinapayagan nya kaming tumuloy sa office ni headmistress. Tumayo kami at sabay sabay na pumunta sa Office ni headmistress.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon