Maxxine’s Point Of View
Alas nuebe na ng gabi pero heto parin ako ngayon, gising na gising. Napagpasyahan ko kasing magimpake ngayon para wala nang hassle bukas, nagdala lang ako ng kakailanganing damit, syempre pagkain, pati narin yung wand at spellbook ko isama na din ang weapon ko, at ibang kakailanganin namin sa mission. Pagkatapos kong mag-impake ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ko. Yung mga paintings na nagpapawala ng stress ko, dinama ko ang malambot kong kama. Siguradong mamimiss ko ang kwartong ito, lalo na ang mga kaibigan kong super sa kulit.
Speakin of them, mahimbing silang natutulog sa kwarto nila dala na siguro ng kapaguran. Hindi pa ako nakakapagpaalam sa kanila ng maayos at siguradong hindi ko na sila maabutan bukas dahil maaga kaming aalis.
Kumuha ako ng isang bond paper at ballpen at doon ko nalang ilalahad ang pagpapalam ko sakanila. Pagkatapos kong isulat ang mahaba habang speech ko ay napagpasyahan ko nang matulog bago ‘yon ay nag set muna ko ng alarm clock at nag pray.
◆◆
Kring! Kring! Kring!
Waah! Napabalikwas ako ng gising nang marinig ko ang nakakarinding tunog na iyon galing sa Alarm clock, agad ko namang pinatay iyon.
Ano ba yan. Sarap na ng tulog ko eh. Inaantok pa ako. Bakit ba kasi ako nag set ng alarm clock? Ayy! Oo nga pala may misyon pala kami. Tanga lang. Haha
Tumayo ako at pumunta ng kusina para magluto ng agahan. Nagluto ako ng Ham, bacon, eggs, fried rice and hotdogs. Madami ba? Ganyan talaga.
Pagkatapos kong maluto ay bumalik ako ng kwarto ko at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at jeans with shoes. Bumaba ako at kumain ng magisa, after that bumalik ulit ako sa kwarto para mag toothbrush then kinuha ko na ang backpack kong naglalaman ng gamit ko. Kinuha ko ang sinulat ko kagabi at inilagay sa ibabaw ng mesa para agad nilang mabasa at chanan umalis na ako sa dorm.
Xandra’s POV
“Asan na ba ‘yung babaeng iyon?” nagtataka kong tanong sa katabi kong si Walter. Ang tinutukoy ko ay si Maxx, kanina pa kaso kami nandito sa tapat ng gate pero wala parin sya. Mahigit isang oras na kaming naghihintay dito. Magti-3 na kaya ng umaga at wala pa rin sya. ’Yung mga kasama ko ay inaantok parin at naiinip na, maging ako ay ganoon din.“Aba malay ko!” kibit-balikat nyang sagot habang humihikab at kinukusot ang mata.
“Speaking of…” naibulong ko nalang ng makita kong paparating si Maxxine. Sa wakas!
“Hello guys! Late na ba ako.”
“Ayy, Hindi! Aga mo nga eh” sarkastiko kong sabi sakanya.
“Sorry na, nag luto pa kasi ako eh” pagpapaliwanag nya.
“Ok lang iyon”
“Anong ok, halos manigas na ako dito kakahintay sa babaeng iyan tapos ok lang. Dapat nga iniwan na yan eh. Paimportante kasi” napayuko si Maxx sa sinabi ni Fiona. At aba umirap pa ang loko. Sabunutan ko to eh, sakit magsalita.
“Tama na yan. Ok lang kung nalate sya basta ang importante nakarating sya. Tama Ms. Stormsurge” pagtatanggol ni HM kay Maxx na nakatingin na ngayon sa tita nya.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...