🌹3: Tour🌹

13.1K 603 54
                                    

Maxxine.

Nang makapasok na ako rito sa hile-hilerang mga kuwarto'y pinagpatuloy ko ang paglalakad ko paakyat sa ikalawang palapag. Naikwento sa akin ni Claw kanina na ang girl's dorm na ito'y may dalawampu'ng palapag, sa bawat palapag ay may anim na kuwarto na pinaghahatian ng tatlong tao—este, Vinduxer. Hindi pa rin talaga ako sanay sa lugar na ito. Lugar na hindi ko inaakalang totoo pala. Nabuhay ako na tingin sa mahika'y isang piksyon lamang, na hindi ito totoo. Ngunit heto ako, nakatayo sa isang gusali ng paaralan na ang itinuturo'y may kinalaman sa mahika.

Napabuntong-hiniga na lamang ako ng maharap ko ang magsisilbi kong tahanan sa paaralan na ito.

Kumatok ako ng isang beses. Ilang minuto lang matapos akong kumatok ay nakarinig ako ng mga yabag mula sa loob na papalapit sa kinakatayuan ko. Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang binibini na alam kong magiging parte ng buhay ko sa pag-aaral ko rito.

Nginitian ko ang binibini'ng may kulay dandelion na buhok, kitang-kita sa mga ngiti nito na mabait ito at maaring mapagkatiwalaan. Magaan din ang loob ko sakanya kaya't alam kong magiging kaibigan ko siya.

“Ikaw ba ang bago naming kasama sa kuwarto?”

Tumango ako sakanya. Nagulat ako nang bigla itong tumili habang isinisigaw ang isang pangalan ng babae, Wanda.

Ano ang nangyayari sakanya?

“Wanda!” sigaw niyang muli sa pangalan no'ng babae.

“Ano? Bakit ka ba sigaw nang sigaw diyan? Hindi ko tuloy maintidihan 'yung binabasag ko!”

Mula sa likod nito ay lumitaw ang babaeng mukhang iritado sa babaeng nasa harap ko.

“Nandito na ang bago nating makakasama sa dorm!”

Mula sa likod nitong binibini ay sumilip ang babae sa akin. Nang makita ako ay tuluyan na itong umalis sa likod no'ng binibini at lumapit saakin.

“Halika, pasok ka muna. Pagpasensiyahan mo na ang kaibigan ko, ngayon na lang kasi kami nagkaroon ng bagong kasama rito sa dorm kaya ganyan, may pagkabiw rin iyan kaya masanay ka na,” nakangiting sabi nito. Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

“Hoy, Wanda! Napakasama mo naman sa 'kin! Masaya lang ako, kaya ako ganito!”

“Oo na, ikaw na masaya.”

Nang makapasok ako sa dorm, bumungad sa akin ang isang mahabang sofa na nakaharap sa isang malaking telebisiyon. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar, sa kaliwa ko ay naroroon ang malaking kusina. Sa kanan ko naman naroroon ang malaking banyo. Nakanganga akong tumuloy sa dorm. Napakaganda. Kitang-kita sa bawat kagamitan dito ang karangyaan. May dalawa ring chadelier ang nakasabit dito sa dorm. Isa sa sala at isa sa ibabaw ng lamesa. Nakakamangha!

“Ano nga pala ang pangalan mo?” Napatingin ako kay Wanda at ngumiti.

“Maxxine Heartfillia, seventeen years old,” tipid kong sagot. Nakita ko ang pagkunot ng mga noo nila, tila ba'y may hinihintay pa silang impormasiyon tungkol sa akin.

“Kayo? Anong pangalan niyo?” Sabay silang ngumiti sa akin. Napakabilis naman nilang magbago ng ekpresiyon.

“I'm Melody Mussicca, Mel for short. I have music magix,” sabi nito habang kumakaway sa akin. Nakakatuwa naman 'tong babaeng ito. Parang bata. Pero kahit gano'n, napakaganda niya.

“Hello, Maxxine. I'm Wanda Brooklyn, a witch,” nakangiting pagpapakilala niya.

Bumukas ang pinto ng dorm at iniluwal ang dalawang babae na  satingin ko ay ka-edad ko lamang.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon