M.A. 34: Their Vows

6.8K 297 8
                                    

Skypre 'pronounced as' Skieper.

---

Ilang minuto narin kaming lumilipad sa himpapawid, at ilang minuto naring tumitibok ng malakas ang puso ko habang kinikilig. Mababaliw na yata ako.

Napamangha ako ng makita ang isang kahariang nakatayo sa isang malaking ulap. Ang kaharian ay napapalamutian ng magagandang diyamante, at nagliliwanag ang mga ito tuwing nasisinagan sila ng araw. Is this Cloudiasera? Napakaganda ng kaharian at napakalaki pa. Hindi ko inexpect na ganito ito kaganda.

Nang makalapag na ang mga pegasus sa isang open space na ulap ay isang makisig na lalaki ang sumalubong saamin. Mala-Adonis ang kuya niyo. Ang buhok nitong nakataas na bumabagay sa kanyang mukha, nakakahipnotismo rin ang chinitong mata niyang kulay abo, samahan pa ang mamula-mulang labi niyang nakangisi na nagbibigay sakanya ng kakaibang karisma, nakakamangha rin ang perpekto niyang pangangatawan, maputi siya, matangkad at mas dumadagdag sa kagwapuhan nito ang kanyang porma ng pananamit. Mukha siyang badboy. Pero ang hot niyang tignan.

"Maligayang pagdating. Ako si Skypre Kloud ang prinsipe ng Cloudiasera at ang inatasang susundo sainyo." Nakakamngahang prinsipe pala siya. Napapalibutan ako ng mga naggandahang prinsesa't prinsipe.

"Kamusta na Sky, matagal-tagal narin simula ng magkita tayo ah." Nakipagbro fist ang mga kalalakihan sakanya. Magkakakilala pala sila.

"Oo nga eh, medyo naging busy... Teka sino naman ang mgandang binibining ito?" Napunta saakin ang atensyon niya. Lumapit ito saakin at labis ang pagkabigla ko ng halikan niya ang likod ng palad ko. Biglang uminit ang pisngi ko. Ano ba! Nakakakilig kaya.

"A-ahm, ako si Maxxine Heartfillia." Ako ng naiilang sa ginawa niya eh.

"Napakagandang pangalan, ako nga pala si Skypre but you can call me Sky." Nakangiting saad niya at inilahad ang kamay niya na agad ko namang tinanggap at nakipaghandshake sakanya. Napakalambot ng kamay niya, kasinlabot ng ulap na tinatapakan namin ngayon.

"Ehem! Insan, baka gusto mo nang bitawan ang kamay ni Maxxine?" Napabitaw siya bigla sa kamay ko. Nakakahiya.

Inimbitahan naman kami ni Sky na pumasok sa kastilyo nila. Habang naglalakad papunta sa mismong kastilyo, nagkwekwentuhan ang mga kalalakihan sa likod namin. Habang naglalakad ay hindi ko na naiwasang magtanong kay Windy.

"Pinsan mo pala si Sky?"

"Yes. Yung papa ko kasi at papa niya is magkapatid. Kaya magpinsan kami." Ah, ganon pala.

"Pero, bakit may sarili silang palasyo? Why they don't just stay at your castle?"

"Inutusan kasi ni ama na magbantay si tito Blue sa kalangitan. Madalas kasing umaatake sa kalangitan ang mga Darkieters, hinuhuli kasi nila ang mga nilalang na nakatira sa kalangitan upang gawing alila o kaya naman ay kinakain, kaya ang ibang mga natirang nilalang dito ay napipilitang bumaba sa lupa. So, napagpasiyahan ng reyna at hari ng Gemia Laxstone na gumawa ng kaharian dito na pweding tirhan ng mga nilalang. At ang Cloudiasera iyon. Simula ng matayo ang kahariang ito, mas naging payapa na ang kalangitan, marami naring mga nilalang na tumitira rito at nagpaparami. Ligtas ang mga nilalang dito dahil may nakapalibot na matibay na barrier sa palasyo." Mahabang pagpapaliwanag ni Windy na siyang ikinatango ko. Ang sama talaga ng mga Darkieters, pati mga inosenteng hayop sinasaktan nila, hindi pa naawa at kinain pa. Wala silang mga puso!

"Bakit hindi nag-aaral sa Magixx Academy si Sky?" Tanong ko, nangunot ang noo ko ng bigla siyang ngumisi. Iba nanaman niyan iniisip nito eh!

"Ikaw ah, gusto mo ba si Insan?"

"H-hindi ah! Nagtatanong lang naman. Your so malicious talaga!" Napatawa siya sa sinabi ko.

"Defensive!" Inirapan ko siya na ikinatawa niya.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon