M.A. 37: Competition

6.7K 293 7
                                    

Maxxine.

Maingay na sigawan ang bumungad sa pandinig namin pagkalapag namin sa ulap na pinaglalagakan ng arena. Nagkalat sa labas ng arena ang mga Cloudiaserans, ngunit ng makita nila kami, or should I say nang makita nila ang Hari at Reyna sila ay nagsihilera upang makaraan kami, lahat sila ay nakayuko bilang tanda ng pagbibigay ng respeto.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa kahabaan ng paglalakad patungo sa bungad ng arena, may pagkakataon ring binabati ng mga Cloudiaserans ang mga reyna't hari na agad naman binibigyang pansin nila. Sumasaludo ako sa hari't reyna, dahil kahit nasa mataas na sila ng posisyon ay marunong parin ailang maging mapagkumbaba.

Napahinto kami ng bumungad saamin ang napakalaking arena. Ito na siguro iyon, pinagmasdan ko ito, ang arena'ng ito ay sadyang malaki, ito ay kulay asul na may stripes na puti, parang ang kalangitan. Mas gumaganda ito sa paningin namin dahil sa mga nagsisiliparang paro-paro na mas nagpadagdag ng disenyo rito, hindi rin pahuhuli ang ibang mga hayop rito na kaayaaya rin ang itsura. Bumungad rin saamin ang napakalaking hologram na nakalutang sa itaas ng lagusan, ipinapakita nito ang mga manood sa loob ng arena na halatang excited na sa labanan.

Nakakamangha.

Nakumpirma namin na hindi pa nagsisimula ang paligsahan dahil sa ipinapakita ng hologram.

Dahil hindi na kami makapagpigil na mapanood ang laban ay agad na kaming pumasok sa arena. Sa una ay madilim pa ang napasukan namin, dahil medyo mahaba muna ang lalakarin mo bago ka tuluyang makapasok rito.

Nang makapasok kami at makita nila ang mga maharlika ay nagpalakpakan sila. May iba rin na halatang nagtataka kung bakit kami nandito. Ngunit masaya parin sila para saamin.

Nakangiting lumapit saamin ang isang lalaking medyo matangkad at medyo may katandaan na.

"Mahal na hari't reyna, ihahatid ko na po kayo sa inyong trono." Magalang na saad nito habang nakayuko. Tumango lamang ang mag-asawa. May kung anong ginawa ang lalaki gamit ang kamay niya na nagpalutang sa isang bilog na flatform. Doon umapak ang hari at reyna, maliban sa lalaki na kinontrol ang flatform papaitaas kung nasaan ang trono nila. Matapos nilang makaupo sa lumulutang na trono, bumaling saamin ang pansin ng lalaki.

"Tayo na rin, ho." Baling niya kila Xandra at Fiona na nakabusangot pa rin. Sumunod lang sila rito hanggang sa may pinasukan silang kwarto. Kami naman ay umakyat na sa mga upuan namin para makapagsimula na ang paligsahan. Nang makaupo kami ay biglang nagpalakpakan ang mga cloudiaserans. Napatingin kami sa stage, doon namin nakita ang napakagandang babae. Kasing edad siguro namin siya, at teka lang... Kamuha niya si Skypre?

"Ang bulilit talaga, ang kulit." Napatingin kami kay Sky na halatang maiinis sa babaeng nasa stage. Siya siguro ang emcee nito.

"Kilala mo siya?" Inosenteng tanong ko.

"Yes, actually twin sister ko siya." Napaawang naman ang bibig ko. Siya iyon, siya iyong nakita ko sa larawan. Ngayon ko lang napansin, tanga-tanga ko.

"Bakit siya nandiyan?" Tanong ko habang nakatingin sa kambal niya na sinasabi na ang mga mechanics at alituntunin ng paligsahan.

"Upang maipanalo ang paligsahan na ito, kaylangan ng mga manlalaro o magkakapareha na maipanalo ang bawat bahagi ng paligsahan. Sa unang bahagi, lahat ng magkakapareha ay bibigyan ng kalaban upang manalo rito. Kung sino man ang manalo sa unang bahagi ay lalabang muli sa ikalawang bagahi, at ang mga matatapang at malalakas na nanalo sa ikalawang bahagi ay ilalaban muli sa huling bahagi, dito na natin malalaman kung sino nga ang mananalo. Sino kaya ang mapalad na makakuha sa Diamond Gemstones!" Mahabang lintaya nito. Masasabi kong may mabuti itong loob, dahil sa pananalita nito masasabing siya ay respetado at ginagalang ng lahat.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon