Maxxine.
Pagmulat na pagmulat pa lamang ng mga mata ko, kinabukasan matapos ang selebrasyon, ay nakaramdaman agad ako ng pananakit ng ulo. Para akong pinupukpok ng daang-daang martilyo, at inuumpog sa matulis na bagay. Hindi ko mawari kung bakit nananakit ang ulo ko. Hindi ko rin maalala ang nangyari kagabi.
"Huy! Baliw ka na ba? Bakit mo inuumpog 'yung ulo mo diyan sa lamesa?" Naguguluhang tanong ni Xandra na kakatapos lang sa pagligo.
"Ang sakit kasi eh." Sagot ko sakanya sabay sabunot sa buhok ko upang maalis sana ang sakit ng ulo ko, ngunit mas nadagdagan lamang ang sakit sa ginawa kong kabaliwan.
"'Yan! 'Yan ang napapala ng mga lasinggera!" Sigaw saakin ni Rosette habang inaayos niya ang pinaghigaan niya.
"Naglasing ako? Bakit naman?" Inosenteng tanong ko rito. Hindi ko talaga maalala ang mga nangyari kagabi.
"Ay, hindi. Uminom lang ng alak! Ewan ko ba sayo kung bakit ka uminom, pero mabuti na lang talaga at nandiyan si Yhuri para madala ka dito. Kung wala siguro siya, baka doon ka na sa labas nakatulog." Sagot saakin ni Rosette atsaka tumayo sa kama niya't kumuha ng mga damit para makaligo na.
"What?! Si Blaze?! Ah!" Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kagabi, at kung bakit ako naglasing. Kasalanan niya 'to, kung hindi niya sana ako binuwisit, hindi ako naghihirap sa sakit ng ulo ko ngayon. Humanda ka talaga sakin, Blaze! Ngunit, ano nga ba talagang nangyari kagabi? Hindi ko talaga maalala.
"Ano, masakit pa ba ulo mo?" Tanong saakin ni Windy pagkalabas namin sa kwartong tinuluyan namin. Tumango lang ako sakanya. Medyo nawawala narin naman 'yung sakit eh.
"Ayan na pala sila oh." Sabay nguso ni Xandra sa mga lalaking kalalabas lang sa kwarto nila. Nang magtama ang tingin namin ni Blaze ay sinamaan ko siya ng tingin. Binigyan ko rin siya ng death glare, para ramdam niya!
"Tara na, Baby Dy." Napatingin ako kay Windy na pinulupot ang braso niya sa braso ni Walter. Binigyan niya pa si Windy ng matamis na halik sa pisngi. Napasweet naman nila.
"Ano pala ang sunod nating destinasyon?" Tanong ni Rosette kay Xenon habang naglalakad na kami. Nakisabay narin ako kila Rosette at Xandra dahil ayokong makisabay sa kutong lupa na 'yon.
"Volcunus Spring." Sagot ni Xenon habang nakatingin sa hawak niyang mapa. Napatingin naman ako bigla kay Xandra ng marinig ko siyang mabilaukan, kahit wala naman siyang kinakain.
"Anong nangyari sa'yo?" Nagtataka kong tanong sakanya.
"A-ah, kasi naman, 'yung Volcunus Spring ay isa sa pinakadelikadong lugar dito sa Charm World. At wala pang nakakapasok doon ng buhay!" Nagilabot naman ako sa sinabi niya, halata sakanya ang pagkatakot at pagkabahala. Wala pang nakakapasok doon ng buhay? Ibig sabihin, sa umpisa pa lang ay namamatay na ang pumupunta doon? Nakaramdam ako ng matinding takot sa isipang iyon.
"B-bakit naman?" Natatakot ko ring tanong. Nakakahawa ang expression niya.
"Because, dragons are living there." Napatingin ako kay Blaze dahil sa sinabi niya.
"Kinakausap ba kita?" Sinamaan ko siya ng tingin. Pero naalala ko ang sinabi niya. D-dragons? What the heck?
"Diba natin pweding i-post pone 'yan?" Natawa naman si Blaze sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasíaHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...