Samantala, sa mundo ng mahika'y may isang grupo ang kasalukuyang naglalakbay sa kagubatan ng Charmia, ang daan patungo sa mundo nila, ang Vindux World. Sila kasi'y kasalukuyang naglalakbay upang matapos na ang misyong ibinigay sakanila, misyong humanap ng mga taong may mga mahika't espesiyal na abilidad na kanilang tutulungan upang hasain ang kanilang mahika upang ito'y kanilang makontrol at upang magamit nila ito sa mabuting paraan.
Habang sila'y abala sa paglalakad sa bungad ng Charmia Forest, naka-agaw pansin sa kasamahan nilang binibini ang isang pigura ng tao sa kalagitnaan ng kagubatan. Sa kanyang kuryosidad na makita kung sino ito'y kaagad siyang tumakbo patungo rito. Nagulat pa ang mga kasamahan nito dahil sa biglaan nitong pagtakbo. Ngunit sumunod na lang din sila rito, kahit hindi nila alam ang dahilan nito."Sino kaya ang binibining ito?"
Tanong ni Windy sa kakarating lang na kaibigan sa kinalalagyan nitong binibini. Nagkibit-balikat ang mga ito't pinagmasdan ang kabuuan ng binibini. Maganda ang katawan nito ngunit, hindi nila makita o masilayan man lang kung ano ang hitsura nito, sapagkat ang binibini'y nakadapa sa lupa't ang mukha nito'y natatakpan ng mahaba niyang buhok.
"Ramdam niyo ba ang nararamdaman ko?"
Tumango ang kasamahan nila Windy sa itinanong ni Rosette sakanila.
"Isa siya sa hinahanap na'tin. She's also like us," nakangiting saad ni Xenon. Marahil ito na ang huling Vinduxers na kukumpleto sa misyon nila.
"Windy, iharap mo na siya," utos sakaniya ni Walter na labis ang ngiti sa labi.
Sinunod ni Windy ang iniutos sakanya ni Walter. Hinawakan nito ang balikat nito't saka dahan-dahang iniharap sakanila. Napamangha sila sa nakita nila. Hindi nila inaakalang ganito kaganda ang binibining natagpuan nila. Mula sa mahaba't kulot nitong pilik mata, pababa sa matangos nitong ilong, hanggang sa mapula nitong pisngi, at ang kaakit-akit nitong manipis at mapula-pulang labi na nagbibigay sakaniya ng lalong kagandahan. Nagsusumigaw sa binibining ito ang kaperpektuhan!
"Napakagandang binibini," naibulalas na lamang ni Xandra sa sarili.
"Dalhin na na'tin siya sa Healix House," tumango sila sa suhestiyon ni Xenon. Akmang bubuhatin na sana ni Xenon ang binibini nang pigilan siya ni Yhuri.
"Ako na," malamig ngunit ma-awtoridad na utos nito sakaniya. Wala nang nagawa pa ang binata sa inakto ng kaibigan. Bago ito sakanila kaya't hinayaan na niya ito.
Habang naglalakad pabalik ng kanilang paaralan, hindi napigilan ng mga kababaihan na pag-usapan ang iniakto ng mailap at walang pakialam sa mundo nilang kaibigang si Yhuri.
"Ano kaya ang nakain ni Yhuri?"
"Baka naman huling pagkakataon na niya ito dahil alam niyang mamatay na siya? Kaya siguro siya nagpapakabait," paggatong ni Xandra sa sinabi ni Windy.
"Ano na namang lumalabas diyan sa mga bibig niyo! Masama bang tumulong?"
Napatigil ang dalawa sa sinabi ni Rosette. Tama nga naman ang sinabi nito. Walang masama sa pagtulong.
"Iyan kasi, nasermon tuloy ni Rossete," tumatawang pang-iinis ni Walter kila Windy at Xandra.
"Manahimik ka diyan, Walter! Kung ayaw mong mangisay sa kidlat ko!"
Inis na sambit ni Xandra na ikinatago ni Walter sa likod ni Windy.
"Umalis ka diyan! Isa! Ah, ayaw mo ah. Sige, kung iyan ang gusto mo. Tatanggalan na lang kita ng hininga," napatakbo si Walter at sumabay kila Xenon at Yhuri na nangunguna sakanila sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...