M.A. 19: Mission Starts

7.3K 319 3
                                    

Dito na magsisimula ang paglalakbay nila at dito narin ang umpisa ng kakaharapin nilang problema.—(loxxycutie)

******

MAXX’s POINT OF VIEW

“Unahin na natin ang phoenixsword na hawak mo ngayon Mr. Firre” pagpapaliwanag ni Professor Mike sabay turo kay Yhuri na seryosong nakikinig lang sakanya.

Napatitig nalang kaming lahat sa hawak nitong medyo kalakihang espada na kulay pula na parang nagliliyab dahil sa usok na lumalabas doon.

Nagpatuloy naman si Professor Mike sa pagpapaliwanag. “Ang hawak mong espada ay lubhang napakalakas, iyan ay espadang kayang magpatunaw ng alinmang bagay na iyong nais gamitan ng iyong espada. Sa kaunting pagdikit lamang  ng iyong espada sa sino man ay maaaring malapnos ang balat pati na rin ang buto nito.” napatango na lang kami sa paliwanag nya. Kakatakot naman ng espada nyang iyan, nakakatakot pa sa weapon na hawak ko.

“At isa pa, ang phoenixsword ay gawa sa napakainit at nagliliyab na batong galing sa Lavalious Land. Kaya’t huwag mong hahayaan na mahawakan ng kasama mo ang espada mo upang hindi sila mapahamak. Heto ang baluti ng iyong espada.” sabay abot ni Professor Mike kay Yhuri ng isang lalagyan ng espada. Tamang-tama lang ang laki nito, pula ang kulay nito na may disenyong flames, at sa pinakababa ng lalagyan ng kanyang espada ay ang nakaukit nyang pangalan. Yhuri’

Napasulyap ako kay Yhuri na masinsinang pinagmamasdan ang espada nya.

Bakit ba ang gwapo nya?

ERASE. ERASE. Ano ba ‘tong pinag-iisip ko? Mukang nababaliw na ako.

Pinagmamasdan ko lang ito, or should I say ‘tinitigan’ ko sya ng bigla itong tumingin sa gawi ko. Oh em gii. Nahuli nya ako.

“Are you done starring my handsome face?” Ano daw? Handsome face? Kapal nito ah.

“Handsome face? Sa’n banda?” natatawa kong bulong. Mahirap na baka marinig nya pa, alam ko namang gwapo sya kaso lang ay mahangin ang kuya nyo.

“What are you saying?” natigilan ako dahil doon. Anong sasabihin ko? Think! Think! Maxxine.

“Ang susunod natin tutukuyin ay ang hawak na sandata ni Mr.Lopez” Save by the prof. Buti nalang talaga at nagsalita ulit si Professor Mike kundi ay lagot ako kay Yhuri pagnagkataon.

Itinaas ni Walter at masayang ipinakita ang hawak nitong sandata. Napatawa pa kami dahil sa hawak nito, maging ang mga kaibigan ko ay hindi na mapigilan ang tawa.

“Wahaahhaha!” pagkalakas-lakas nilang tawa. Hindi pa rin ako tumatawa dahil pinipigilan ko ito. Tumatawa kami dahil ang hawak nyang sandata ay isang water gun. Haha. ‘Yung nilalaro ng mga bata. Baril barilang ang bala ay tubig. Haha.

“Ano bang tinatawa-tawa nyo dyan?” nagtatakang tanong ni Walter habang hawak parin ang sandata nyang water gun.

“Eh ano ba naman kasi ‘yang sandata mo? Pangbata. Haha” natatawang sabi ni Windy. Napatigil si Walter ng ilang segundo sa narinig nya.

“Ano bang masama sa weapon ko? Astig kaya.” kahit pinagtatawan ito ay proud parin nyang ipinapakita ang sandata nya.

“Tama na ‘yan. Tutuloy pa ba ni Professor Mike ang pag-iisplika sa mga sandata nyo o hindi.”

“Ituloy nyo na po” sabi ni Rosette.

“Kung gano’n, maaari na kayong manahimik.”

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon