Maxxine’s POV
Habang idinadala sa HealixHouse sina Walter at Windy ay hindi ko maiwasang mamangha sa nagin labanan nila kanina. Ang lalakas nila. Nakakamangha ang magix nila. Sumasaludo rin ako sa kanilang katapangan, wala silang inuurungan kahit nakataya ang buhay nila. Hindi gaya ko na takot na takot mamatay.
Mas lalo tuloy akong kinabahan sa mga naiisip ko. Paano kung matalo ako? Baka hindi ko pa maipalabas ang magix ko sa oras na nasa entablado na ako, siguradong mapapahiya ako kapag nagkataong mangyari iyon. Kung pwedi lang sanang tumakas sa laban na ito eh. Ngunit inanunsyo ng emcee kanina na bawal ang pagtakas sa mga event ng MA, lalo na sa importanteng event na ito. Kung sakaling lumabag ka raw sa patakarang ito ay awtomatikong expelled ka na sa eskwelahang ito at ang masama pa eh mapapalayas ka sa academy, tatanggalan ng memorya tungkol sa magix (maging ang magix mo) at sa lugar na ito. Walang magagawa ang mga magixian na lalabag sa palatuntuntuning ito, hindi sila maawa. Ito ay naging kasalan mo na kailangan mong pagbayaran. Wala rin magagawa ang mga magulang nila kung hindi hayaan ang anak nila na pagdaan ang kaparusahan sa nagawang kasalan.
Hindi ka lang lalaban, itatakwil ka na. Hindi ka lang lalaban, masisira na ang buhay mo. Saklap ng life diba? Kaya pinili ko na lang lumaban kaysa mapalayas sa eskwelahang ito.
Ang susunod na lalaban ay sina Rosette at Xandra. Ang dalawang makukulit kong kaibigan, hindi ko pa sila nakausap simula noong inanunsyo ni tita ang tungkol sa misyon namin.
Pumunta na sila sa Battle ground habang nakangiti, lalo na si Xandra na pakaway-kaway pa sa mga magixians na sumusuporta sakanya, nang makarating na sila sa mismong battle ground ay nagbilang na ang emcee, matapos magbilang ay sinimulan na ang laban. Itinuon ko ang atensyon ko sakanila, ayokong palagpasin ang magandang laban na ito. Lalo pa't laban ito ng mga kaibigan ko.
Unang umatake si Rossette. Nagpalabas sya ng malaking sand storm na agad naman niyang itinira kay Xandra, ngunit dahil sa bilis ni Xandra kagaya ng kidlat ay walang kahirap-hirap niya itong naiwasan. Matapos niyang maiwasan ang pag-atake ni Rosette ay siya naman ang umatake, pinagbabato niya ito ng napakaraming thunder balls na sobrang bilis kung lumipad patungo kay Rosette. Ngunit lahat ay nabigla at napatulala sa nasaksihan nila, bago pa kasi matamaan si Rosette ng bola ng mga kidlat ay bigla itong naging paro-paro sa mabilis na paraan. Napatulala ako sa itsura niya ngayon, napakacute niya. Kung pagkukumpara ang itsura nito sa mga paro-paro rito ay masasabi kong mas maganda ito at mas malaki. Napaisip tuloy ako habang nakatitig sakanya, paano kaya siya naging paro-paro?
Kung kanina ay nagulat ang lahat, mas nagulat sila sa sunod niyang ginawa. Dahil sa ilang hampas lang ng maliit niyang pakpak ay nakapaglabas na ito ng leaf tornado na mayroon pang mga matutulis na tinik na kaagad naman niyang itinira kay Xandra na halatang gulat rin sa nangyaring pagbabago ni Rosette ng anyo. Napawi ang gulat sa mukha niya ng makita ang ipo-ipong palapit na sakanya, dahil sa takot at kagustuhan nitong hindi matamaan ng atake ni Rosette ay sinabayan niya ito ng ipo-ipong gawa sa boltahe, naitira niya lamang ito ng makagawa siya tiyempo na itira ito. Dahil sa lakas ng pagsasalpukan, malaking pagsabog ang naganap na nagpasigaw sa lahat ng manood, maging ako ay napasigaw ngunit napalitan ito ng sunod-sunod na ubo dahil sa usok na galing sa pagsabog na namayani sa buong stadium. Hindi namin makita ang nangyari sakanila. Natatakpan ng usok ang buong stadium.
Ilang minuto lang ang itinagal ng uso bago ito maglaho sa stadium, nang matanggal ito, doon pa lang namin nakita ang nakahandusay na katawan ng dalawa. Nagbalik narin sa tunay na anyo si Rosette. Nag-aalala ako sa kalagayan nila, baka may mangyaring masama sa dalawa. Nawala lamang ang kaba ko ng unti-unti na silang bumangon mula sa pagkakahandusay. Halata na ang paghihina nila. Nang makatayo na silang dalawa ay nagtitigan. Parang may ipinahihiwatig ang mga titig nila sa isa't isa.
Muli namang umatake si Xandra ng Thunderstorm na siyang naging dahilan kung bakit ang kalangitan ay nabalutan ng itim na ulap. May roon muling nabuong itim na ulap sa kinatatayuan nila Rosette at Xandra, nagsimula namang maglabas ng malalakas at mabibilis na kidlat ang itim na ulap na inaatake na ngayon si Rossette. Pag-iwas lamang ang nagagawa ngayon ni Rosette dahil sa wala pa itong naiisip na paraan para malaban ang ulap na iyon. Napadaing si Rosette ng matamaan siya ng kidlat sa balikat nito, nagdulot ito ng sugat sa lakas at init niyon. Dahil sa wala pa itong magawang pag-atake dahil siya ay naghihina pa dulot ng mga sugat na natamo ay gumawa ito ng bulaklak na magiging panangga nito sa thunderstorm ni Xandra na inaatake parin siya. Dahil sa awa ni Xandra sa kalagayan ng kaibigan ay itinigil na nito ang ginawa niyang thunderstorm. Nakaaawa nga naman ang kalagayan niya. Punong-puno na siyang sugat at mga galos. Ang suot rin nitong damit ay may bahid na rin ng dugo.
Sa mismong pagtigil ni Xandra sa ginawang atake nito ang siya namang pagbagsak ni Rossette sa sahig. Hindi na kaya ng katawan niya na lumaban pa dahil narin siguro sa dami ng enerhiya ang nabawas sakanya samahan pa ng panghihina dulot ng kanyang mga sugat at pagkuryente sakanya ng thunderstorm ni Xandra. Dahil sa sobrang pag-aalala ni Xandra kay Rosette ay napatakbo ito patungo kay Rosette, inalalayan niya ang kaibigan na maidala ito sa mga HealerRescuer, sumama narin ito papunta sa HelixHouse para narin maipagamot ang natamo nitong mga sugat.
Masaya ako para kay Xandra dahil siya ang nanalo sa laban na ito, napatingin ako sa nakuha nilang marka. Si Xandra ay nakakuha ng dalawampu't isang lebel at siyam na ranggo. Habang si Rossette ay nakakuha ng dalawampu't tatlong lebel at ika-labing isang ranggo.
Nakangiti ngunit may pag-aalala sa mukha ko nang pinagmasdan ko sila habang umaalis sa stage. Proud na proud ako na naging kaibigan ko sila. Nakakamangha ang lakas nila. Paano kaya kung saakin nangyari 'yon? Siguradong ikamamatay ko iyon, kung nagkataon.
Sila ay malalakas kaya, kaya-kayang nilang tiisin ang sakit, pero ako na isa lang ordinaryong magixian ay baka agad na madala sa HealixHouse sa isang tira ng magix lang ng makakalaban ko. Good luck nalang sakin. Sana hindi ganoon kalakas ang makakalaban ko. At sana mairaos ko itong bangungot na’to. Hindi pa sana ito ang huli ng buhay ko. Marami pa akong pangarap sa buhay!
###
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...