M.A. 14: Defeated

8K 414 7
                                    

MAXX's POINT OF VIEW

Tinawag na si Sheila para lumaban. Ang masasabi ko lang napakamalas ng makakalaban nya. Biruin mo namang isang maldita at malakas ang kakalabanin mo, mukhang wala itong sinasanto at kaya kanyang patayin.

"and MAXXINE"

Bakit parang narinig ko ang pangalan ko ah. Nagpalinga linga ako para makita kung sinong tumawag saakin pero wala naman. Hayaan na nga, tumutok ako sa battle grounds. Bakit wala pa yung kalaban nya? Natakot na ba?

"MAXXINE" napatingin ako sa MC. Sya pala tumatawag saakin. Wait--- huwatttt! Ako ang makakalaban ni Sheila. Im dead!

Pumunta ako sa battle grounds kahit labag sa loob ko. Nakita ko si Sheila na nakasmirk at halatang inip na inip at mukhang may masamang binabalak.

"Let the battle begins"

Nauna itong umatake at binato ako ng ulap na kulay itim at may kidlat kidlat pa sa may baba nito.

Wahhh! Tumakbo ako para maiwasan ito pero sumusunod lang sa akin ang ulap ni Sheila.

"'Yan lang ba ang kaya mo! Ang tumakbo. Haha! Talagang napaka-weak mo."

Sigaw pa nito at tuluyan pinatama sa akin ang ulap nya. Pagtama nito ay syang pagkabalibag ko sa barrier at ang sakit lang sa likod para akong nabalian ng bone, meron pa itong aftershock dahil bigla nalang akong nakuryente kahit walang kuryente dito.
Pinilit kong tumayo at nagawa ko naman ito. Naalala kong dala ko pala ang wand at spell book na binigay ni tita. Kinuha ko itong dalawa at naghanap ng spell. Oh! Got it!

"BOMBARDA"sigaw ko.

Tinutok ko sa kanya ang wand ko at may lumitaw na ilaw sa dulo ng wand ko papunta kay Sheila.

*BOOM* *BOGGSSSHHH*

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa kinakatayuan ni Sheila marahil ito ang spell na ginamit ko. Hindi namin makita si Sheila dulot narin ng napaka kapal na usok. Sa pagtanggal ng usok, nagulat ako sa aking nakita pati narin ang manonood. Nakita lang namin si Sheila na tinitignan ang kuko na parang inip na inip habang nababalutan ng ulap na transparent. Kung bakit ko nakikita? Aba malay ko!

"'Yun na 'yon? Ang hina, para kalang langgam na kumagat sa akin at madaling patayin. Ni hindi ako pinagpawisan sa spell mong iyon."

Panunumbat ni Sheila. Kala mo ah! Sobrang yabang, ang ayoko sa lahat na pinapamuka saakin na mahina ako. Sabihin mona,lahat 'wag lang ang katagang iyon because if you do you'll see death. Kaya ang nasa harap ko napakaswerte dahil makikita nya ang devil side ko. *smirk*

Naghanap akong muli ng spells habang busy syang nanunumbat saakin. May nahanap akong spells na kayang magproduce ng tubig. Nasa dulong pahina ito at entitled by Elemental Spells.

"Aguamenti"

Pasigaw kong pagcast ng spell. Unti-unting namuo ang tubig sa dulo ng wand ko.Palaki ito ng palaki, napaluhod pa ako sa bigat nito. Tumayo ako at ibinato na ito kay Sheila na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kanyang kuko. Papalapit ito ng papalapit hanggang sa tumingin ito sa tubig na bola na papunta sakanya. Huli na nang tangkain nya itong pigilang dahil nasapul ito sa kanyang t'yan. Bumalibag ito papunta sa barrier, maririnig mo pa ang pagcrack ng barrier. Napalakas siguro ang pagtira ko kaya nilipad sya.

Pagkabangon nito ay syang pagtingin nya saakin ng napakasama. Tinaas nya ang dalawa nito kamay sa ere, at bigla namang kumilimlim ang langit at maynamuong ulap na napakaitim at may kaunting kidlat. Sigurado akong magixx ito ni Sheila.

Hindi ko sya hinayaan kaya't ako'y naghanap ng makapangyarihang spell pantapat sakanya. Hindi pweding tutunganga nalang ako, kamatayan ang naghihintay saakin kapag ganon.

Ano ba ang pweding ipantapat sa magixx nyang storm? Naghanap lang ako at sa wakas nakahanap narin ako. Itinutok na nya saakin ang kamay nya ganoon din ako.

"Aer Tornadoes" pagbigkas ko 'non ay syang pagtira nya. Isang ulap at tornado ngayon ay malapit ng magsalpukan siguradong malakas itong magixx na ito at pwedi kaming madamay.

Nagcast ako ng barrier para sa sarili ko para sa maaring kahihinatnan nitong pagsasalpukan "Protego".

Nagsalpukan na nga ang dalawang malakas na daluyong ang ulan laban sa buhawi. Sa pasalpukan ng dalawang ito ay napakalakas na enerhiya ang lumabas roon na nagpatalisik saamin papunta nanaman sa barrier na kanipa'y nagcrack.

Hindi lang kami ang naapektuhan kundi pati narin ang manonood na bahagyang napaatras sa kanilang upuan.

Marami na kaming natamong sugat sa aming katawan dulot narin ng aming magixx at ako'y nanghihina na sapagka't maraming enerhiya ang nagamit ko. Napatingin ako kay Sheila na ngayon palang bumabangon.
Marami narin itong natamong sugat at alam ko rin na ito'y pagod na kagaya ko.

Maghahanda na sana kami sa susunod na atake ngunit nagsalita na ang MC.
"Time's Up! A very wonderful and powerful battle Ms. Heartfillia and Ms. Loresco."

Sa wakas natapos narin ang paghihirap ko. Tumingala ako upang makita ang score at level ko. Nabigla ako sa nakita ko.

Maxxine
Level=23 Rank= 9

Sheila
Level=22 Rank=10

Kabigla-bigla ang score ko. Mataas pa sa score ni Sheila.
Hindi ko ito in-expect, akala ko nga ako ang pinakamababa e.

Dumating na ang HealixRescuer upang dalhin kami sa HealixHouse. Pinahiga kami sa stretchers na hindi binubuhat kundi ay lumulutang sinusundan nito ang lokasyon ng HealixHouse.

Paglabas namin tumambad ang mukha ng mga kaibigan ko. Sila Windy, Rosette, Xandra, Melody, Wanda, Walter, Aljon, at Yhuri-kung kaibigan ba ang turing saakin. Hindi ito nakatingin saakin bagkus may headphone ito sa tenga at nakasandal sa puno at nakapikit.

"Kamusta ka! May masakit ba sayo?"

"Ang galing mo don Maxx, pa'no mo nagawa 'yon?"

"Maxx! Salamat at ligtas ka"

Hindi ko alam kung sinong uunahan ko sa pagsagot.

"Guyss! Mamaya nalang punta muna kami sa HealixHouse. And wait bakit kayo narito diba dapat nasa HealixHouse din kayo at nagpapagaling?"

Napakamot lang sila sa kanilang ulo. Mapapansin morin sa kanila ang konting bandage at galos sa parte ng katawan nila. Napatingin ako kay Yhuri. Meron itong bandage sa kaliwang braso at konting galos sa mukha. Pero bakit ganon? Kahit may sugat sya napakagwapo parin nito?
Ayyy! Ano bang iniisip ko?
Naapektuhan na ba ito kaninang tumama ako sa barrier. Mukhang naalog, ano ano nalang kasing pinagiisip ko tungkol sakanya.

Hindi na sila nakasagot kaya inaya ko na sila "Tara na nga. Sabay sabay nalang tayo doon"

Sabay sabay kaming pumunta doon. Habang papunta kami ay nagkwekwentuhan muna kami.

"Epic talaga 'yung muk'a ni Sheila nung nabalibag sya sa barier. Hahaha"

"Oo nga! Kala mo naman kung sino kasing magaling"

"Nakita nyo ba muka nya kanina nung nalaman nya ang rank at level nito? Nakakatawa mukang badtrip haha."

Sila 'yan pinagtatawan nila si Sheila obvious naman. Kanina pa ito nauna kaya hindi nya maririnig ang mga kasama ko. Nakarating nakami doon at pinahiga nila ako sa isang kama roon malapit sa mga kasama ko.

Pagod na pagod na talaga ako, bumalik na rin sa pagkatulog ang mga kasamahan ko. Hinayaan ko nalang magsara ang talukap ng mga mata ko.



♥♥♥

Salamat sa pag vote and read ng previous chapters. Sana tuloy tuloy kayong sumoporta sa kwentong ito. Labya guys!
Sa susunod na chapter ulit!

And please read my newest story. "Nerd's True Love" completed na ito, teenfiction ang genre. Sana suportahan nyo rin iyon.


VOTE


COMMENT


AND KEEP READING!











L O X X Y C U T I E♥

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon