A/N: Hello, gusto ko lang sabihin na, bibigyan ko lahat sila ng mga POV, wala lang sinabi ko lang. Haha. Pero hindi naman dito lang sa chap na to. Sana naman mag-vote at mag-comment kayo, magparticipate naman kayo oh! Itapon ko kayo dito eh! Charoot!!
엘시
Maxxine's Point of View
Talagang naguguluhan ako dahil sa pagtitig saakin ni Yhuri. Oo, nararamdaman kong tinititigan niya ako kanina, at nakumpirma ko iyon ng mahuli ko siya.Dug. Dug. Dug. Isa pa 'to sa problema ko, lagi nalang tumitibok nang malakas ang puso ko sa tuwing sumasagi siya sa isip ko, bigla akong makakaramdam ng init sa pisngi, ewan ko ba. Ito ang unang pagkakataon na maramdama ko ito, kaya ganoon nalang ang pag-iisip ko kung anong klaseng karamdaman ito.
Nandito kami ngayon sa Froreans Village, ang mga kabahayan nila ay nakalagak sa mga naglalakihang puno, wala kang makikitang bahay sa lupa, nasa puno lahat. Nandito ako ngayon sa bubungan ng bahay ni Fredy-leader ng good Froreans dati. Kakatapus lang namin kumain kaya naisipan ko ritong magpahinga, nakatibgin lang ako sa kulay ube nilang buwan na sobrang laki to the point na parang nasa malapit lang ito. Ang ganda pa ng mga bituin, kay gandang pagmasdan, nakakapawi ng pagod. Ang mga kasama ko ay nasa loob ng bahay at nagkukwentuhan.
"Hey!" Dug. Dug. Dug. Hearing his voice makes my heart like this. Ano bang meron sakanya at ganito na lang kung magreact ang puso ko? Baka maheart attack ako niyan eh!
"Can I sit beside you?" At first medyo nawirduhan ako sa ugali niya, hindi naman kasi kami ganoon kaclose at kilala niyo naman siya, siya kaya ng lalaking ubod ng cold.
"Sure" Umusog ako ng bahagya para makaupo siya, pagkaupo niya ay parang naiinitan ako. Umiwas ako ng tingin, feeling ko nagiinit ang pisngi ko. Ano bang nangyayari saakin?
"Ang ganda nung langit no?" He said smiling while looking at the stars. Ang gwapo niya pagnakangiti. Oh my, what I'm thinking. ERASE!
"Yeah, sa sobrang ganda nga, nakakarelax na eh" Tumingin na rin ako sa mga bituin, how beautiful they are.
Nakakabing katahimikan ang namayani, nakatingin lang kami sa kalangitan. I decided to broke the silence. "Blaze, uhm. Naniniwala ka ba sa pagwiwish sa stars then matutupad?" Ewan ko ba bakit ko natanong iyan.
Ngumiti siya bago sumagot, "Yeah, naniniwala ako, minsan na kasi akong humiling sa mga bituin na natupad naman. Simula noon, lagi na akong humihiling kapag may kailangan ako, until now." Pareho kami, hiniling ko noon sa bituin na magkahanda ako sa birthday ko at nangyari nga.
"Ano bang hiniling mo noon?" Naku-curious lang ako eh, isang cold humiling sa stars?
"L-look, ang ganda ng mga ibon no?" Pilit siyang ngumiti, ayaw siguro niyang pag-usapan. Naiintindihan ko naman, may mga bagay siguro na kailangan nalang sarilin at hindi na ipagsabi. Napatingin nalang ako sa tinuro niya, maraming maliliit na ibon sa himpapawid na may iba't ibang kulay. Para silang alitaptap, ang ganda. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko, at pinicturan sila. Wala lang, masyado lang akong nagandahan eh. Gagawin ko itong wallpaper.
"Tara selfie?" Tanong ko kay Yhuri, nabigla rin ako sa sinabi ko eh. Tumango ito, kinuha niya ang phone ko. Siya nalang daw ang magpicture eh, pumayag nalang ako.
"Smile!" Ngumiti ako, sabay click niya sa phone ko. Ang ganda ng pagkakakuha, hindi siya blurred or malabo. May special kaso sa phone na ito, parang may sariling araw yumg camera, kaya anytime pwedi kang magselfie. Nakabackground pa sa picture namin ang buan, stars pati yung mga ibon na umiilaw. Patalikod kasi kami nagselfie eh. Ang ganda lang nung photo, ito nalang gagawin kong wallpaper, ang gwapo pa doon ni Yhuri. Hihi.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...