Maxxine's Point Of View.
Napamulagat ako dahil sa nakakasilaw na kung ano man na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa hinihigaan ko, kaya naman pala mabango rito dahil nakahiga ako sa mga bulaklak, nagmukha siguro akong patay. Nang sinubukan kong tumayo ay nanakit lang ang ulo ko. Hindi ko pa maalala kung ano ang mga nangyari kahapon.
Napahawak nalang ako sa labi ko ng maalala ang panaginip ko, biglang nag-init ang pisngi ko tuwing naiisip na si Yhuri ang nasa panaginip ko, na siya ang humalik saakin. Kinikilig ako. Sana totoo na lang iyon.
Ngayon ko lang napansin na ang nagsisilbi kong tent ay gawa sa tubig. Kaya pala ang sinag ng araw eh nakatagos sa hinihigaan ko. Ang galing, si Walter siguro gumawa nito.
Bago ako tumayo ay tinignan ko muna ang repleksyon ko sa tubig. Napamulagat ako dahil kakaiba na ang itsura ko. Mas gumanda ako. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko, ang mata ko, buhok pati suot ko nag-iba. At parang mas lumakas ako, ano ba ang nangyari? Tatanungin ko na lang sila Windy mamaya.
Kahit sumasakit ang ulo ko ay pinilit ko paring tumayo. Binuksan ko ang pinto na gawa sa yelo, pagkalabas ko ay nakita ko ang mga kasamahan ko na naghahanda ng mga almusal sa lamesang gawa sa bato.
"Gising ka na pala, tara na at mag-almusal." Pag-aaya saakin ni Xenon na hawak-hawak ang mga plato. Umupo ako sa upuang gawa rin sa bato, ipinatong niya sa harap ko ang isang plato.
"Salamat." Ngumiti ako rito. Nang inilapag na ni Rosette ang bagong lutong sinangag at ulam ay agad na akong nagsandok. Pagkatapos ko ay ibinigay ko na ang sandok kay Windy na halatang bagong gising rin.
"Good morning, baby Dy." Hinalikan ni Walter si Windy sa pisngi bago ibinigay ang dala niyang tatlong red roses. Ang sweet nila. Kasing pula na ni Windy ang mga roses. And wait... are they in relationship?
"G-good morning din, baby Er." Ani Windy habang p inagsasalin siya ni Walter ng kanin.
"Rosie, kainin mo naman itong prinito kong itlog para sayo." Naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni Zayden.
"Denden naman eh, alam mong vegetarian ako eh. I don't eat oily foods." Sabi ni Rosette habang inilipat ang itlog sa plato ni Zayden na ngayon eh nakapout lang.
"But, healthy naman ito ah. I cook it for you." Nagmamakaawang sabi ni Zayden sabay lipat ng itlog sa plato ni Rosette. Halatang ayaw talaga ni Rosette sa itlog base sa expression niya dito.
"Sige na nga, pero ito na ang huli ah. Ayokong tumaba eh." Nakapout niyang sabi habang nakatingin kay Zayden na nakangiting parang aso.
"Alam mo Rosie, kahit gaano ka pa kataba o kapangit, I will always love you. I love you no matter what you are. Kaya sagutin mo na ako." Ang sweet niya.
"Alam mong hindi pa pwedi," sagot ni Rosette bago isubo ang kutsarang may kanin at itlog. Habang pinagmamasdan sila ay di ko namamalayang unti-unti ko na palang nauubos ang pagkain ko.
"Pakuha nga nung sinangag, Icy!" Halos mabulunan si Xandra sa pagsigaw kay Xenon. Paano ba naman kasi, kung makasigaw parang walang laman ang bibig niya. Eh halos wala ng space ang bibig niya.
Walang nagawa si Xenon kung hindi ipagsandok muli si Xandra ng sinangag, mukhang under siya dito ah.
"Baka mabilaukan ka naman, Xany. Hinay-hinay lang." Pag-aalala ni Xenon kay Xandra na tuloy lang sa pagpasak ng pagkain sa bibig niya. Antakaw ah.
"Whalhakangpake!" Sabay lagok sa tubig, halos maubos na niya ito.
Napailing lang si Xenon sa kakulitan ni Xandra.
"Xine, tapos ka na bang kumain?" Napatingin ako kay Blaze na nasa tabi ko na pala. Biglang nag-init ang pisngi ko, ilang metro lang kasi ang layo ng mukha niya saakin. Napatango na lang ako, nahihiya akong magsalita.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...