Nakangiti kaming pumasok sa kwartong ipinahiram saamin ng reyna. Kaming lahat ng mga kababaihan ay naririto, samantalang ang kalalakihan naman ay nasa tapat lang ng kwarto namin. Mahirap ng magkasama kami sa iisang kwarto.
"Dali na mga ate, maligo na kayo at magbihis. I'm so excited to see you wearing your gowns I designed." Humagikgik pa ito matapos magsalita. Ang cute talaga nitong babaeng 'to. Sarap kurutin ang pisngi.
"Wow, marunong kang magdesign? Ang galing naman." Natutuwa kong tanong. Pangarap ko kasing maging Fashion Designer simula noong bata pa lang ako. Gusto-gusto ko ang magdesenyo at gumawa ng mga damit, natatandaan ko pa noon na 'yung notebook ko eh punong-puno ng scetches ng mga damit na gusto ko. Sana lang matupad iyon. Pero malabo na siguro, nandito na ako sa mundo ng mahika, walang course na ganoon rito.
"Yes ate, dahil mahilig ako sa mga damit, nag-aral ako kung paano gumawa at magdesign ng damit, and tadah. Profesional na ako." Nakakatuwa naman 'tong si Skyieana, masyado siyang makwento at kwela kaya madali siyang pakisamahan. Mabait pa, sexy, maganda, prinsesa at mapagmahal. Saan ka pa di ba? Pero hindi ko maiwasan ang mainggit sakanya. Nakapag-aral siya kung paano magdesign, hayy! Siguro magpapaturo na lang ako sakanya.
"Ay, ate. Maligo ka na, para makapaghanda na kayo at ako. Ipapadala ko na lang ang mga gowns at ang mag-aayos sainyo. Bye mga ate!" Lumabas ito ng pinto habang nakaharap saakin at kumakaway. Nang maisara na niya ang pinto saka ako pumunta ng bathroom. Naligo ako ng ilang minuto at nagbihis muna pansamantala ng maikling short at sando. Babae naman lahat kami, atsaka magsusuot pa kami ng gowns.
"Xine, may ita--" Uminit ang pisngi ko ng makita si Blaze na nakatulala saakin. Napakuha ako sa kumot na nasa kama ko at ibinalot ito sa sarili ko. Ano ba naman 'to?
"Ano ba, hindi ka ba marunong kumatok ha?" Sigaw ko sakanya, nakakapang-init ng ulo. Kakahiya kaya.
"Hoy Maxxine, sinong kausap mo diyan ha?" Narinig kong tanong ni Xandra na naliligo parin hanggang ngayon.
"Wala!" Matapos sumigaw kay Xandra bumaling ulit ako kay Blaze na medyo natauhan na. Uminit ang pisngi ko ng makita ang pamumula ng tenga niya. Ang cute niya, mas nagiging siyang cute sa reaksiyon na iyan. Pero galit ako, galit ako dahil hindi siya kumatok, para akong nabastos at nagahasa!
"Ano iyon?" Nakataas kilay kong tanong. Dahil sa ginawa mo, ipapakita ko ang katarayan ko.
"A-ahm, it-tatanong ko lang kung anong oras 'yung celebration." 'Yun lang pala ang itatanong. Tss.
"Alas otso." Labas ilong kong sagot. Kakainis kasi eh, hindi marunong kumatok. May makita pa siyang hindi dapat makita.
"Ah thanks. One more thing, you have perfect shape body. Your so sexy." Kumaripas ito ng takbo matapos sabihin iyon. Ano ba, ang init dito. Pero hindi ito ang panahon para kumilig. Ang manyak niya! I did'nt expect it from him. Tss. Bakit pa ba ako magtataka, he's a boy. Boys are always be boys, no matter what happen.
"MANYAK!" Sigaw ko kahit nakalabas na siya sa kwarto ko. Humanda ang lalaking iyon, ang manyak! Tinaggal ko na rin ang kumot na nakabalot saakin, ano pang sabihin nila Xandra.
"Sinong sinisigawan mo diyan. Baliw ka na ba?" Napasapo si Xandra sa kanyang ulo ng batukan ko siya. Huwag ako, mainit ang ulo ko ngayon.
"Rosette, paki kuha nga iyong tuwalya ko diyan. Naiwan ko eh." Sigaw ni Windy sa kabilang banyo. If you're wondering kung ilan ang banyo? To tell you, lima sila. Yaman diba?
"Babaeng ito talaga kahit kailan, makakalimutin!" Sabi ni Rosette habang kinukuha ang tuwalya ni Windy na nakapatong sa kama niya.
"Thanks!" Sigaw niya lay Rosette. Bumalik si Rosette saamin at umupo rin sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...