M.A. 28: Emerald Part II

7.2K 303 13
                                    

A/N: The new cover was made by ate @Jeannevra. Ang ganda diba? Salamat ate.

**

Xandra’s POV

Pagkatapos naming kumain ay pinagpahinga muna kami ng mga kasama naming froreans sa tinuluyan naming bahay bago papuntahin sa sentro nitong village. Doon raw ise-celebrate ang pasko, may roon din daw roon mga handaan. Dapat pala hindi na muna kumain, para makarami kami. Haha.

Sabay-saby kaming tumungo roon, sa rami namin at ang pagkakaiba namin sakanila sa panlabas na anyo ay pinagtitinginan nila kami. Nakakailang man pero tumuloy parin kami sa paglalakad. Pagkarating namin sa sentro nitong village ay maingay na paligid ang nadatnan namin, maraming Froreans ang naririto upang makisaya, karamihan ay sumasaway at ang iba ay nakikisabay sa awit sa malakas na musika. Napakasaya ng kanilang aura, mababatid sakanilang mukha ang saya at ang kawalan sa problema.

Sa pinakagitna ng village ay nakatayo ang napakaling pulgada ng christmas tree, napapalamutian ng iba’t ibang dekorasyon at mga ilaw na kumukutikutitap. Kay ganda lang nitong pagmasdan. Nakapalibot kaming lahat sa christmas tree na ito, at tila ba sumasayaw ang ilaw dahil sa pagsabay nito sa beat ng musika.

“Akala ko bang may mga pagkain dito?!” Rinig kong sigaw ni Walter. Dahil sa ingay ay kailangan naming sumigaw upang lubos na magkaintindihan.

Napatingin kami sakanya. Napatawa kami ng bigla siyang batukan ni Windy. Kawawa naman po siya. Masyado na talagang harsh si Windy, bakit kaya hindi niya ako gayahin. Mabait.

“Kakakain mo lang kanina, pagkain na naman ang hanap mo. Para kang patay gutom!” Napapout naman si Walter habang hawak ang ulunan nito kung saan siya nabatok ni Windy.

“Bebe love naman eh! Ang harsh mo talaga!” Kahit medyo madilim sa parte ng village kung saan kami nakatayo ay kitang-kita parin namin ang pamumula ng pisngi ni Windy. Haha, medyo halata si ateng kung kumilig.

“M-manahimik ka nga! Wait, cr lang ako!” Tumakbo ito pabalik sa pinagtuluyan namin.

“Ikaw kasi pre eh, pinakilig mo masyado!” Biro ni Zayden.

“Ako pa? Pero sandali lang ha, hahabulin ko lang iyon. Baka kasi mahimatay sa sobrang kilig eh!” Natatawa pa niyang sabi. Tinanguan lang namin sya, kumaripas naman ito ng takbo patungo sa kung saan pumunta si Windy.



Windy’s POV

Bakit ba ang lakas ng epekto saakin nung pagkakasabi niya ng ‘bebe love’ saakin? Samahan pa ng nag-iinit kong pisngi at ang malakarera kung tumibok kong puso. Nakakainis! Alam ko naman na mahal ko na siya at mahal na din niya ako pero bakit ganito ang lakas parin ng epekto niya. Para na akong sasabog. Ito na ba ng sobra kong pagmamahal sakanya? Na kahit anong gawin niya eh napapakilig niya ako?

Hindi naman talaga ako pupunta sa cr, balak ko lang munang pahupain ang init ng pisngi ko, hanggang ngayon kasi parang nagbublush pa ako eh. Nandito ako ngayon sa himpapawid, lumilipad. Kaya kong lumipad kahit wala akong mga pakpak, isa iyan sa advantage ng mga wind magixians. Lumipad lang ako sa pinakataas, hanggang sa mapagod ako. Gumawa ako ng Wind Bed sa himpapawid, umupo ako doon at pinagmasdan ang mga froreans na nagsasayaw sa ibaba, napakaliit nila ngunit maganda parin kung pagmasdan.

“Akala ko bang magc-cr ka?” Nagulat ako ang marinig ko siya. Akala ko naman hindi niya ako sinundan.

“Eh ano naman ngayon? Nagpapahangin lang ako dito” Medyo sinungitan ko ang tono ng pananalita ko.

“Sus, If I know ayaw mo lang makita namin ang pagba-blush mo dahil sa kilig. Uy!” Sinundot pa niya tagiliran ko.

“Hindi ah! As If namang kikiligin ako!” Napangisi siya.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon